TMB #16

74.7K 1K 11
                                    

Chapter 16

Gio’s POV

 

Tumingala ako pagkatapos kong titigan ng matagal ang stolen na wedding picture naming ni Yannie. Damn, I miss the girl.

 

Para akong kandila na nauupos sa araw araw dahil alam kong wala siya sa tabi ko. I’ve been a coward. Dapat ay matagal ko nang inamin sa  sarili ko ang nararamdaman ko sana ay hindi ako iniwan ni Yannie.

 

Sana ay naayos pa naming ang mga bagay bagay sa aming dalawa.

 

Our marriage would’ve been revived.

 

Hinawakan ko ang pagitan ng aking mga mata sa stressed. These past few days ay masyado akong naging busy sa trabaho dahil sa nangyaring expansion. Ang dami kong inaasikasong mga papeles.

 

Kung sana lang ay may aabutan ako sa bahay na nakangiti at malambing na asawa.

 

I sighed. Kung sana lang ay naging mas mabait pa nang konti ang tadhana sana ay wala siya sa ganitong posisyon. Wala sila sa ganoon posisyon.

 

Nakarinig ako ng dalawang katok sa pinto ng aking opisina at nakitang pumasok si Jenni.

 

“Sir, remind ko lang po kayo sa flight nyo mamaya patungong London. 10PM po ang flight nyo. Sasalubungin po kayo ni Javier at Ali sa airport.”

 

“Thank you, Jenni.” Tumango lamang si Jenni at agad rin na lumabas ng pinto.

 

Sa totoolang ay ayaw kong magpunta ngayon sa kahit saan. Ang gusto ko ay magpahinga muna. Tumakas sa lahat ng trabaho at stress na yumayakap sa kanya. Pero this is work. Not some game na okay lang kung ikaw ay matalo.

 

Gigising. Kakain. Maliligo. Magbibihis. Papasok sa office. Ma-i-istress. Uuwi. Kakain. Matutulog.

 

Araw araw ay ganyan palagi ang nangyayari.

 

 

 

Nanatili lang akong nakasandal habangnakapikit sa akin swivel chair. Pero napagdesisyunan ko ring tumayo para mag-empake na.

 

If only there’s someone who will help me pack my things.

 

Mabilis akong nagmaneho pauwi sa akin condo at nag-empake.

 

Nag-alarm ako ng 8PM para makapag-ready. Pero dahil sa pagod ay 9 na ako ng gabi nagising. Mabuti na lamang at hindi ako nahuli sa flight ko. Ayokong ma-hassle.

 

 

 

“Good evening, sir.” Tinanguan ko lang si Javier at sumakay ng kotse. Sa ngayon ay sa hotel na muna ako tutuloy because I’m so damn tired I wanna kill myself right this moment.

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now