TMB #29

49.6K 683 97
                                    

Chapter 29

It’s been so long. It’s been so long pero parang kahapon lang. It’s been so long pero, nadoon parin si Gio. Tuwing naiisip kong wala parin syang malay ay nasasaktan ako. Hindi ko matanggap na hinayaan nya akong harapin mag-isa ang bangungot na ito. Hindi ko matanggap.

Muli ay napaiyak ko. It was actually my damn fault. Kung nagtiwala sana ako kay Gio. Kung sana ay sinabi ko ang plano ni Ally. Kung sana lang ay sinabi ko.. Sana ay napag usapan naming ang pupwedeng hakbang.. Sana ay hindi nagkaganito.

Walang oras akong pinalalagpad.. Palagi ay nasa tabi lamang ako ni Gio. Gusto ko sa oras na magising sya ay ako ang unang makikita nya. Ako ang unang makakakita ng pagmulat ng maganda nyang mata. Ako ang unang makakayakap sa kanya.

I think it’s around 10 in the morning nang masyado akong ma-suffocate sa ospital. Napagdesisyunan kong umalis muna at puntahan si Nathan.Napakasakit para sa akin ang nangyari kay Nathan. I was there. I witnessed everything. I witness how my son fell lifeless on the floor. I was there and it broke me in half. It was painful—so painful I thought I was going to self destruct.

Resting in the arms of thy Father

Nathaniel Hyde Alvarado

 

Hindi ko parin mapigilan ang sarili kong mapaiyak. It was really painful. At hanggang ngayon ay napakasakit parin sa akin ng nangyari. I was careless. I really was! Kinamumuhian ko si Alicia dahil dito. Hindi naman kailangang humantong sa ganito ang lahat ngunit bakit nagkaganon?

Hinaplos ko ang pangalan ni Nate habang lumuluha. “I’m really sorry, baby. Mommy is really sorry about what happened. She didn’t love you enough, because this happened. I’m really really sorry, Nate.” Humagulgol ako dahil hindi ko parin matanggap na ang baby boy ko ay kahit kalian hindi ko na mahahawakan. Hindi ko na mahahagkan. Kahit kalian ay hindi ko na makikita pa.

Nahinto lmanag ako sa pagluha nang mag-ring ang cellphone ko. Mabilis ko itong sinagot ay nakitang landline ang tumatawag.

“H—hello?”

(Mrs. Alvardo?)

“S-peaking..”

(We just want to inform you, nagising na po ang  asawa ninyo at kasalukuyan po siyang ineexamine ng doctor.)

“Oh my God. Okay. Thanks.”

Nagmadali akong magpunta sa kotse at mabilis na nag-drive pabalik ng ospital. Nang makarating ako sa ospital ay inabutan ko doon ang mga magulang naming.

Humaba na ang buhok ni Gio dahil sa matagal na pagkakatulog at may kaunting facial hair din siya sa mukha. Nanlabo ang mata ko dahil sa luhang nagbabadyang tumulo. “Oh my God.” Napatingin silang lahat sa akin dahil sa biglaan kong pagasalita.

“Gio, oh my God.” Lumapit ako kay Gio at mabilis siyang niyakap. For the first time in months. I felt relieved. I felt relieved because he’s okay! Oh, God!


Pero ang ikinagulat ko ay nang mahigpit syang kumapit sa braso ko at tinanggal ang pagkakayakap sa kanya. Lumuluha akong tumingin sa mata nya. Ang ikinagulat ko ay nang makitang puno ng galit ang kanyang mga mata. “Sa labas lang kami.” Sabi ni Papa at lumabas ang mga magulang namin. Nanatili akong nakaupo at nakatingin lamang kay Gio.

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now