TMB #30

52.7K 702 24
                                    

Chapter 30

Kinabukasan ay maaga akong nagising.. Kahit papaano for the first time in months ay nakaramdam ako ng saya. Knowing na may bata sa tyan ko ay nagbigay sa akin ng munting kasiyahan. Gusto ko sanang yayain si Gio na samahan akong magpa-check up pero napag-isip isip kong huwag nalang.

Nagligo ako at nagtungo sa kitchen. Nagluto ako ng breakfast para sa sarili ko. Habang kumakain ako ay nagulat ako ng makita kong bumababa ng hagdan si Gio.

Oh, shit. Wala syang breakfast. Kumunot ang noon yang nang nakitang walang nakahain sa mesa bukod sa platong kinakainan ko ng fried rice at omelette.

“Nasan yong akin?” Napitlag ako sa wag nang pagtatanong nya.

“Uh.. Uhm.. Akala ko kasi.. ano wala ka sa bahay..” Lumapit ito sa ref at kumuha nang orange juice. Pabagsak nyang isinara ang ref dahilan kung bakit medyo tumunog ang mga babasagin sa ref.

“Tss. Useless.” Aniya sabay lumagok at tinalikuran ako. Napayuko ako dahil sa sinabi nya. Unconsciously ay napahawak ako sa tyan ko.

“I love you, baby.” Bulong ko at nakitang pumatak nalang ang luha sa kulay yellow kong damit.

Nang lumabas ako ng bahay ay umihip ang malamig na hangin dahilan kung bakit napayakap ako sa sarili ko. December narin kaya medyo malamig na ang simoy ng hangin.

Naglakad ako papuntang kotse nang matanaw kong nasa terrace si Gio habang nakaupo sa swing at naninigarilyo. How can I win this man back?

“Finally, I thought ay hindi ka na dadating.” Salubong sa akin ni Harvey sabay niyakap ako gamit ang isang braso.  “Nakakahiya dito. Tss. Bakit kahit doctor ako ay nakakahiya palang pagtinginan ka nang mga babaeng buntis?” Bulong nya na nakapag-pangiti sa akin.

Nagpalista ako at umupo sa tabi ni Harvey. “How’s my favorite girl?” Aniya sabay hinawakan ang kamay ko at pinaglaruan.

“Kahapon ko lang naalala na buntis pala ako.” Mahina kong sabi na ikinatawa ni Harvey.

“Seriously? Are you that dumb?” Hinampas ko siya at bahagya ring natawa. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko natandaan.

Nagkwentuhan lang kami habang hinihintay ang turn ko. Kinukwneto nya ung mga epic nyang surgery doon sa London. Napagdesisyunan nyang dito nalamang magtuloy nang practice nya dahil ayaw raw nya akong iwan mag-isa.

Sabi ko ay bumalik na sya kaya ko naman ang sarili ko. Pero hindi sya pumayag. Ayaw nya raw akong iwan nang ganito. Not like this.

“Mr. And Mrs. Alvarado?” Nagangat ako ng tingin nang lumapit sa amin ang isang nurse na naka-scrub suit. “Pasok na po tayo sa loob.”

Ngumisi nalang ako at binaliwala ang pagtawag nya nang Mr. Alvarado kay Harvey.

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now