TMB #34

56.8K 650 143
                                    

Chapter 34

Nagpaalam kami sa mga kasama naming sa bahay na aalis muna kami saglit para bisitahin si Nathan. Pumayag naman sila. Mukhang naiinitindihan naman nila kaya hindi na sila kumontra pa.

Tahimik lang kami ni Gio buong byahe papuntang Memorial Park kung saan naroon ang puntod ni Nathan. May dala dala akong white roses.

Nang makarating kami ay hindi maiwasan na maginit ang gilid ng mga mata ko. Tuwing pupunta ako dito at mag-isa ako. Pero ngayong kasama ko na si Gio kahit masakit at mahirap parin sa akin ang lahat.. Nabawasan ng kaunti dahil may karamay na ako.

Pasimple ko pinahid ang papatulo ko ng luha at umupo sa harap ng tomb ni Nathan.

Nathaniel Hyde Alvardo

Resting in the Arms of God

 

Minsan ay bigla bigla nalang akong naiiyak kasi naiisip kong sobrang bilis. He’s barely 7 that time! Napakabilis ng naging buhay ni Nathan. Marami pa siyang hindi nararanasan. Hindi pa man din nabubuod ng tuluyan ang pamilya namin ay nawala na siya.

Masakit para sa isang magulang ang mawalan ng anak. Sobrang sakit na kahit ang ibang tao ay hindi kayang bigyan ng pangalan ang isang ina na nawalan ng anak.

Lumuhod si Gio sa tabi ko at inakbayan ako. “I am so sorry for this. I’m sorry, son.” Aniya at hinalikan ang gilid ng noo ko.

“Nate, tinupad ko ung promise ko sayo, so be safe ha? Kahit di.. di ka namin kasama.. I know you’re watching over us..” Parang nagkabukol ako sa lalamunan kaya nahinto ako ng pagsasalita. Humigpit ung pagkakahawak ni Gio sa braso ko at mas hinigit ako papalapit sa kanya.

I promised you na sa susunod na Christmas na natin kasama mo na si Daddy..” Tuluyan na akong humagulgol sa mga braso ni Gio. This is so painful. I thought time heals. I figured hindi pa.. Time may lessen the pain but it will never heal the scar. It will always bleed one way or another.

“Hush.” Niyakap ako ng mahigpit ni Gio sa kanyang braso at inalo.

“This is just painful, Gio. God, bakit kailangan mawala ng ganito kaaga ng anak natin?” Humagulgol ako ulit dahilan kung bakit mas lalong humigpit ang yakap ni Gio.

“I don’t wanna blame her for this but.. Putangina, hindi siya nanay e. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng anak!” Ngayon ko lang nailabas itong hinanakit ko. Ayokong magalit sa kanya. She was once my friend. Pero paano ko namang hindi madidiligan ang galit na ito kung patuloy parin siya sa paguudyok sa akin alagaan ang galit na ‘to?

                                                                                                                                                        

Pero kasi wala ng mas sasakit na makita mo kung paano binawian ng buhay ang anak mo na nandoon ka pero wala kang nagawa.

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now