TMB #3

81.3K 1.2K 27
                                    

Chapter 3

Tatlong araw nalang wedding na namin ni Gio. To be honest? Sobrang excited ako dahil finally.. Ito na yong hinahantay ko noon pa!

Mag-c-cake tasting ako ngayon para sa wedding cake naming. Yes, ako lang. Unwilling participant lang naman kasi si Gio, kaya hindi ko na siya pinilit. But, nevermind. I have eternity to make him fall for me.

Nang maaayos ko na ang sarili ko ay bumaba na ako ng hagdan. "Mommy? Nanjan na po ba si Mang Jerry? Kailangan ko na po umalis."

"Bakit?" Sumilip si Mommy sa kitchen kaya naman doon ako nagpunta. "Nandito si Gio at may iniutos ako kay Jerry."

Nag-angat ako agad ng tingin mula sa cellphone at nakitang nakaupo nga si Gio sa dining room namin at kumakain kasama ni Daddy. What is he doing here? Bakit hindi niya man lang ako sinabihan na pupunta pala siya dito?

"Oh, hi.. You're here.." Gulat kong sabi. Tinaasan lang niya ako ng kilay at nag-iwas lang din nang tingin. Hindi pa naman sila nagsisimulang kumain dahil kalalagay lang ni Manang ng pagkain sa table. Natural sa tabi ni Gio ako uupo kaya naman naghila ako ng upuan sa tabi niya.

"Dyanne.." Nag-angat ako ng tingin kay Mommy dahil meron siyang kakaibang tingin na ibinato sa akin. "Yes po?"

"Magka-away ba kayo ni Gio?" Kumunot ang noo ko at umiling. Bakit naman kaya naisip ni Mommy na magkaway kami ni Gio? "Bakit naman po kami mag-aaway?" Balik tanong ko. I don't know where my mother got the idea, he doesn't even spare me a glance, paano pa ba kaming mag-aaway kung ganoon?

"Bakit sabi nitong si Gio, hindi mo manlang daw siya sinasama kapag may pinupuntahan ka for the wedding? Are you cheating on him, Dyanne?" I gasped in surprise. This is a hoax! What the hell? Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito sa parents ko?

"Of course not, Dad. Why would I do that? Busy daw po kasi siya.. Kaya I thought.. Ako nalang."

"I can always make time for you." Ani Gio na talaga namang iginagulat ko. Halos sumigaw ako ng 'Wow, pang-Oscars!' dahil sa galing niyang magpanggap. Awtomatiko naman na napalingon ako sa kanya. What the hell is he saying? Kailan pa siya nakialam sa mga lakad ko?

"I see. Well, he'll be your company for today. Kailangan mong mag-ingat, Dyanne. Dalawa kayo sa katawan mo." Paalala ni Daddy bago nya ni-excuse ang sarili niya kasi may tumawag.

"Just look at you two." Ngumiti si Mommy sa aming dalawa sabay pinagsiklop ang kamay niya. "Bagay na bagay kayo. Mga bata palang kayo ay pangarap na namin ito nang mommy mo, Gio. To see you two wed and now our dreams are finally coming true!"

"Mom.." Tumawa lang si mommy at tumayo narin. Nang masigurado kong malayo na ang mga magulang ko ay hinarap ko si Gio. "What the hell? Anong pinagsasasabi mo sa parents ko?"

"Lies." Simple niyang sabi sabay uminom ng juice. Wala siyang pakialam kahit mapagalitan ako ng mga mgaulang ko pero ako ay pinagtatakpan ko pa siya sa kanyang magulang.

Sinimangutan ko siya at pinagekis ang aking mga braso. "Umuwi ka nalang. I can manage." Sabi ko nalang at tumayo na. Hindi ako pwedeng ma-late. Marami pa akong kailangan asikasuhin bukod sa cake tasting na gagawin ko ngayon.

"Pinapunta ako ni Mommy dito. I don't wanna look rebellious in front of my parents." UNBELIEVABLE!

Nameywang akong humarap sa kanya. "So, ako ay okay lang mag-mukhang masama sa harap ng parents ko? Ikaw hindi pwede pero ako ay okay lang?"

"Yes." I gasped in disbelief. Obnoxious jerk! Tinulak ko siya at mabilis na lumabas ng bahay. What a jerk! A freaking douche bag!

Ang ikinagulat ko ay mas nauna pa siya sa aking makarating sa kotse. Ang akala ko ay pagbubuksan niya ako, pero akala ko lang pala! What a real jerk! Sumakay na ako sa shotgun seat pero tiningnan lang nya ako. "What? Paandarin mo na!"

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now