TMB #13

83K 1.1K 50
                                    

Chapter 13

Mga ilang araw ko ring hindi pinagpasok si Nathan sa school natatakot akong baka bigla syang makita ni Gio.

"Mommy, why am I not going to school today?"

"Because.." Sinuklay ko ang buhok nya dahil kakalabas lang nya ng shower. "We're going to Chessington World Adventure with your Tito Harvey!"

Yes, Harvey Herrera. The guy from Ilocos. Nagulat nalang rin ako dahil kasamahan pala siya ni Eunice. Nang minsang isinama ako ni Eunice sa Christmas party nila ay nalaman kong nandito rin sa London si Harvey. Lumipad siya dito 4 years ago para dito ipagpatuloy ang practice nya.

"Tito Harvey?? Awesome!" Nagtatatalon pa siya. Magkasundong magkasundo si Harvey at Nathan kasi parehas nilang paborito si Spider Man. Tuwang tuwa nga itong si Nathan ng malamang dati ay dito sa London nakatira si Andrew Garfield. Tuwang tuwa siya palagi kapag nanunuod kami ng Spider Man.

Matagal naring nag-paparamdam sa akin si Harvey na gusto nya akong ligawan pero bago pa man siya maka-bwelo ay nilinaw ko na sakanyang wala akong interes sa pakikipag-relasyon. Na mas priority ko si Nathan over other men.

Pero that didn't stop him from being sweet and caring. Hindi lang sa akin, pati na rink ay Nathan. Nakarinig ako ng busina sa labas. "Go get your bag, baby. We'll leave in five. Puntahan ko lang si Tito Harvey mo." Binitbit ko ung basket na may food.

Lumabas ako at sinalubong si Harvey ng yakap. Over the past years, naging malapit kami sa isa't isa. "Kamusta?" Bungad na tanong nya agad at hinawakan ang magkabila kong pisngi saka ako hinalikan sa noo. Hinampas ko siya sa braso at niyaya sa loob.

"San ung batang makulit?"

"I'm here!" Tumatalon na sabi ni Nathan habang dala dala ang Spider-Man nyang bag.

"Hey, little man!" Agad na binuhat ni Harvey si Nathan at isinakay sa balikat nito.

"Tito, is that true pupunta tayo ng Chessington?"

"Yep, are you excited?"

"Bloody excited!" Tinawanan ko lang silang dalawa at napapailing na lumabas ng kotse. Mukha silang mag-tatay.

Nang bumabyahe na kami ay abot ang kanta nang dalawang 'to. Tumutugtog kasi ang kanta ng One Direction na Best Song Ever. Paboritong paborito ito ni Nathan kesyo idol raw nya si Zayn kasi daw ay cool.

"And we dance all night to the best song ever!" Tumawa nalang ako at nakikanta rin. Wala pang isang oras ay nakarating na kami. Dahil narin siguro walang traffic ngayon.

Tuwang tuwa si Nathan at nagtatalon. Nauna pa syang bumaba ng kotse dahil sa sobrang excited nyang pumasok. "Mom, bilis!"

"Eto na, baby." Tumaya ako at hinawakan sya sa kamay. Kinuha naman ni Harvey ung bag na dala ko at isinukbit sa balikat nya.

"Mom, I wanna ride that!" Tinuro nito ang roller coaster na kasalukuyang nagpapasigaw sa mga nakasakay dito.

"Baby, that's dangerous. And besides you're only five."

"I'm almost six and I don't look like five. Please, tito?" Kay Harvey sya lumingon at nanghingi ng back-up. Humahalakhak naman si Harvey na lumingon sa akin at tiningnan ang nagpapaawang si Nathan.

"Fine." Pumila kaming tatlo sa ride at nang masakay na kami ay biglang sa akin gustong tumabi ni Nathan. Nasa likuran naming si Harvey na ngayon ay iniinis si Nathan na gusto nang bumaba at iiyak na ito.

"Mommy, oh! Tito Harvey is bullying me!" Nanggigilid ang luha na sumbong sa akin ni Nathan.

"Tumigil ka nga Harvey. Kapag ito umiyak!" Tatawa tawa kong sabi maya maya ay bumaba na ang safety at dahan dahan nang umandar ang cart.

The Miserable BrideDonde viven las historias. Descúbrelo ahora