Special Chapter One #ChaiZen

6.2K 128 1
                                    

{Five years Later...}

Ezen's Point of View:

"Run Azen! Bilisan mo!" Sigaw ko sa nakababata kong kapatid. Nagmamadali kaming tumakbong tatlo ngayon dahil may mga humahabol sa amin.



"What the f*ck! Azen, humanda ka sa akin mamaya sa bahay!" Sigaw naman ni Ate Ashily sa kanya. Halos dumaan kami sa mga iskinita pero ayos lang ang mahalaga makalabas kami ng buhay dito sa isang malaking compound.



Paglabas namin ng iskinita sabay sabay kaming napahinto tatlo dahil may tumigil na isang itim na kotse sa harapan namin. Kinakabahan kaming nakatingin dito dahil kung mga kalaban ang nasa loob nito, paniguradong patay kaming lahat.



Biglang ibinaba ng driver 'yong side mirror kasabay din nung nasa hulihan ng sasakyan. Pero nanlaki ang mga mata namin nang si Daddy ang nasa loob nito. Nagkatinginan kaming tatlo na parang sinasabing we are dead.



"Ano pang hinihintay n'yo riyan? Pumasok na kayo rito sa loob!" Sigaw niya kaya kaagad kaming nagsipasukan. Mabilis namang pinaharurot ng driver ni Dad ang kotse. Habang nasa kotse naman kami walang umiimik kahit isa sa amin.



Pagkadating sa gate nagkakatulakan pa kaming tatlo papasok sa loob habang nauuna sa amin si Dad maglakad. Pero nang lumingon siya sa amin tumigil kaming tatlo sa pagtutulakan tapos nginitian namin siya na parang wala lang. "Hehe Dad." Napakamot pa kami sa ulunan.



"Azen, Ezen, Ashily, ano na naman ang ginawa ninyong tatlo?" Bungad sa amin ni Mommy sa gate at ni isa walang sumagot sa amin. "Go inside, right now!" Sigaw niya.



At ngayon nandito kami sa sala. Naka-squat kaming tatlo magkakatabi habang nasa harapan namin sina Mommy at Daddy. "Umamin na kayong tatlo kung anong ginawa ninyo." Nagkatinginan kaming tatlo. Sino bang dapat magsalita, dapat si Ate Ashily dahil siya ang panganay.



"Ashily!" Sigaw ni Dad kaya naggrin siya. Natawa naman kami ni Azen 'yon nga lang nahagupit kami ng tig-iisang hampas sa kamay.



"Sh*t, ang sakit." Bulong ko. "Kasalanan mo 'to, Azen." Sabi ko habang gigil na nakakagat sa ngipin ko. Tatamaan talaga 'to sa akin e.



"Azen! Ezen! Marinig ko pa 'yang bulungan ninyo makakadalawa kayo ngayon." Sabi naman ni Mom kaya napatahimik kami. Patay 'to sa akin kapag nasa kuwarto na kami mamaya.



"Uhm... kasi Mom, Dad, s-si Azen po kasi ano..." Na-uutal na sabi ni Ate.



"Ano?" Nag-aabang sila Mommy.



"Good afternoon po, kayo po ba sina Mister and Misis Kang?" Nang biglang may dumating na mga pulis kaya nanlaki ang mga mata namin. Napatakip kaming tatlo ng mukha. Patay na talaga.



"Kami nga. Ano pong maitutulong namin sa inyo?" Kita kong napatingin sa amin ang mga pulis dahil sa mga daliri kong ibinuka. Mukhang nakilala nila kami kaya napadpad sila rito ngayon. Napatingin din sina Mommy at Daddy nang nagtataka.



"Kasi ho ang mga anak ninyo, nagtangkang pasukin ang compound ng mga Hilton."



"Hilton?" Gulat na sabi ni Mommy. Matapos ay napatingin siya sa aming tatlo. "Ashily, Ezen, Azen! Grounded kayo for two weeks!" Malakas na sigaw ni Mommy kaya napatakip kami sa tainga. Pambihira na damay pa kami ni Ate Ashily dahil sa kalokohan nitong si Azen. Damn it.

----

Sa monday na mag-uumpisa 'yong parusa namin. "Nakakainis!" Nandito na ako ngayon sa kuwarto ko. Kung hindi dahil kay Azen hindi ako maga-grounded. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko sina Key at Seven papuntang Bar. Susulitin ko lang 'yong mga natitira kong araw.



Mark My Words (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon