Chapter 31

7.6K 215 2
                                    

Chapter 31:

Paglabas ko nagulat ako ng nawala kaagad dito si Seven. Nasaan na 'yon? Kaliwa't kanan ang tingin ko rito sa labas ng classroom namin ngayon. Grabe, naglaho nalang bigla. Ang bilis niyang mawala.



Pagtingin ko naman sa likuran, si Kulot papunta na siya rito pero hindi na niya kasama si Ma'am. Nakalagay lang ang mga kamay niya sa loob ng bulsa ng pantalon niya habang nakayuko itong naglalakad. Pero nang makita niya ako parang hangin niya lang akong tinignan. Ano kayang nangyari ron?



Pumasok na siya sa loob ng classroom namin habang nag-iisip naman ako kung susundan ko pa ba si Seven o hindi na. Pero hindi nalang siguro. Next time nalang. Wala na kasi siya. Bumalik na ulit ako ng classroom namin, pero hindi ko inaasahang may gulo pala rito at nagulat ako ng may pinagtitrip-an si Kulot na isa sa mga kaklase naming lalaki.



Si Carlos, isa sa mga tahimik at medyo nerd naming kaklase. Pinagsusuntok niya ito hanggang sa madaganan na niya ito sa sahig habang inaawat naman siya ni Key. Pero anong nangyari? Okay pa naman siya kanina ah? Nagkakagulo na rito sa loob ng classroom namin ngayon ng dahil kay Kulot.



"First, tama na, shit gusto mo ba siyang mapatay?" Rinig naming sabi ni Key kaya napatigil ito sa pagsuntok niya.



Pero ganon pa rin tila galit na galit talaga siya, salubong 'yong mga kilay niya habang hingal sa panununtok. Nang tumayo naman siya hinawi niya 'yong kamay ni Key saka ito lumabas. Sinundan siya ng kaibigan niya kaya naiwan kaming lahat dito ngayon ng may pagtataka kung bakit nagkaganon siya. Napabuntong hininga tuloy ako.

----

Lumipas ang oras, nandito na ako ngayon sa kuwarto ko, nakahiga, hindi ako makatulog dahil iniisip ko kasi kung ano bang nangyari kay Kulot kanina sa Campus. Minsan talaga napakamahiwaga niya para sa akin.



Bahagya lang ang pagkakakilala ko sa pagkatao niya pero 'yong mga nangyayari sa amin kapag kasama ko siya ang iba ron palaisipan pa rin sa akin. Yung una 'yong nagstalk ako sa kanya sa Campus, 'yong may apat na kalalakihan ang dumayo para lang sunduin siya ron at ang isa ron ay si Eyo. Matapos kasi non hindi na sila nagpakita pa.



Tapos nung nabato niya ako ng bato sa noo ko sobrang takot siya sa dugo. Eh di ba gangster ang pamilya niya kaya ibig sabihin dapat sanay siyang makakita non pero hindi e, takot na takot siya. Tapos 'yong pagpunta niya rin dito sa bahay, parang lagi siyang naghahanap ng aruga ng mga magulang.



Tapos 'yong kanina bigla nalang niyang sinuntok si Carlos sa hindi naming malaman na dahilan. Sa ilang araw naming magkasama natural na 'yong pabago-bago ng mood niya, pero kasi 'yong kanina galit na galit talaga siya kay Carlos na parang may pinagmulan 'yon, matapos non hindi na siya umattend pa ng klase.



Hanggang sa lumipas ang isang linggo tila nagbago siya. Sa katunayan nga niyan hindi na niya ako pinapansin, at 'yong binugbog niyang kaklase namin na si Carlos hindi na niya pinapasok dito sa Campus. At hindi na rin siya nagpupunta sa bahay namin kaya kapag nagtatanong sila Nanay at Tatay tungkol sa kanya sinasabi kong busy kasi si Ezen sa school kahit hindi naman.



Saka wala naman akong balak ipaalam sa kanila kung ano 'yong nangyayari kay Kulot dahil kahit ako mismo hindi ko nga rin alam kung anong nangyayari sa kanya.

---

8am na, kailangan kong bilisan sa paglalakad baka kasi malate ako sa klase. "Hoy, miss yellow pant." Nang biglang may tumatawag sa akin pero hindi ko 'yon nililingon. Oo, alam kung ako 'yong tinatawag nila dahil ayon 'yong bago nilang bansag sa akin simula nung pinakalat ni Kulot 'yong stolen picture ko.



Mark My Words (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon