Chapter 11

14.1K 437 107
                                    

Chapter 11:

Lyka's Point of View:

Thirty thousand? Halos mapanganga ako sa halaga ng bike na ibinili sa akin ng Daddy ni Kulot. "Ah, eh, m-masyado pong mahal 'to. Tig two thousand five hundred lang po halaga ng nasira kong bike second hand pa."



Pagpapaliwanag ko pero hindi niya ako pinansin kundi tuloy tuloy lang kami sa counter habang bitbit ng mga tauhan niya 'yong bike na binili. Wala akong nagawa kundi sumunod hanggang sa makabalik kami sa kotse at nakita kong tulog si Kulot.



"Pasok ka na Hija." Sabi ng Papa niya kaya pumasok na ako at tumabi rito. Nasa pareho kaming sulok ni Kulot habang nasa gitna namin ang Daddy niya.


"Sana po forever nalang siyang tulog." Bulong ko at ilang minuto ay nandito na kami sa Campus.



Ginising na siya ng Daddy niya at halos lahat ng estudyante nakatingin sa amin nang makita kaming magkasama. Mukhang recess na. Matapos naming bumaba medyo magkatabi kaming dalawa ni Kulot habang nakatayo at hinihintay 'yong bike ko na inilagay sa harapan ko.



"Hija, pasensya na ulit sa nangyari. Mauuna na ako." Matapos niya itong sabihin ngumiti ako sa kanya at nag bow bilang pasasalamat.



Nang makalabas ng gate ang kotse na sinasakyan ng Daddy niya halos iba ang tingin sa akin ng mga estudyanteng nakakakita sa amin ngayon.



Hmp! Ano bang tinitingin-tingin nila? Nang hindi ko alam iniwan na pala ako nitong si Kulot kaya muli ko siyang hinahabol.



"Hoy Kulot!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinapansin kundi tuloy tuloy lang siya sa paglalakad niya at parang wala siyang pakialam.



"Hey, First!" Sigaw ng sumalubong sa kanya kaya napahinto siya at nauntog ako sa likod niya.



"Ang sakit ah!" Pabulong kong sabi. At nang mapatingin ako kung sino 'yong dahilan ng paghinto niya parang ayon 'yong dalawa niyang matalik na mga kaibigan.



Tama. Siya 'yong dalawang nakasakay sa kotse non nang una kaming magmeet ni Kulot. Ayon 'yong araw na sabay naming hinahanap 'yong ticket ng BTS ko na nawawala at nakita ko na rin sila mismo dito sa Campus nung may binubully si Kulot na isang babaeng genius kahapon.



"Hey! Mukhang iba na 'yan ah?" Kantsaw ng mga ito at biglang lapitan sa akin kaya umatras ako bigla.



"Puwede bang umalis nalang tayo rito?" Inis na sabi ni Kulot kaya tumigil sila sa paglapit sa akin.



"Lyka!!" Sigaw nang pamilyar na boses at alam kong si Yena lang tatawag sa akin ng ganon.



"Oh my gosh! si Tito Dazu ba bumili ng bike na hawak mo? Nakita ko kayo mula sa third floor kanina!" Sabi niya habang sumisigaw papalapit sa amin.



Kakaiba talaga personality niya. "Hi Yena." Nagulat naman ako nang biglang magbago ang kilos nitong isa sa mga kaibigan ni Kulot kaya napangisi ako.



"Heh! Tumigil ka. Lyka na miss kita!" Sabay yakap niya sa akin kaya hindi ko alam kung ano sasabihin ko.



"Ah, haha a-ako rin?" Sabay hug back ko rin pero medyo alangan dahil hindi ako makapaniwala close na ba kaming dalawa?



Mark My Words (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon