Chapter 85

5.1K 149 0
                                    

Chapter 85:

Quiz nga namin ngayon. Ibinaba ko 'yong ballpen ko nang matapos ko ito. Umunat pa ako habang nakangiti. Pagkatingin ko sa mga katabi ko nakatingin pala sila sa akin. Parang nagtatanong na tapos ka na sabi nina Key at Seven. Pero hindi ko sila pinansin.



Pagkatingin ko naman kay Ezen natutulog siya. Masyado namang genius 'tong katabi ko. Pero nasagutan na nga ba niya 'yong mga questions?



Sinilip ko ng kaonti 'yong papel niya pero wala namang sagot. I'm sure babagsak siya kung hindi niya 'yon sasagutan.



Pasimple ko siyang kunyari na dali habang nag-uunat, baka sakali kasing magising siya, makakahabol pa siya kung mag-uumpisa na siya ngayon. Pero pagkaunat ko na-out balance 'yong braso ko dahil bigla lang naman niyang iniangat 'yong ulo niya sabay tingin sa akin. "Hey, ano bang ginagawa mo ha?" Aniya. Halos mamikit-mikit pa 'yong mga mata niya kaya napatitig ako sa kanya.



"Ano bang sinasabi mo riyan? Nag-uunat lang ako e." Pakunwari ko tapos nag-unat ulit ako. "Nga pala, bakit parang wala ka pang sagot?" Aniko.



"Bakit? Concern ka?" Pamimilosopo niya.



"Oy, wala akong paki sa 'yo."



"Ah, talaga? Ba't mo tinatanong kung ganon?"



Wala na, talo na ako. Tumigil nalang ako at inirapan nalang siya.



"Okay, past your paper and class dismiss." Pinasa ko kaagad 'yong papel ko sa unahan. Tinitignan ko rin kung ipapasa ba ni Ezen 'yong blangko niyang papel pero nagkamali ako, may sagot pala 'yon may doble lang na isa pang papel.



"Anong tinitingin-tingin mo?" Pagsusuplado niya kaya nginisian ko nalang siya.



"Uy, pre mauna na kami. May pupuntahan pa kami ni Seven." Sabi ni Key tapos nagkakamayan silang tatlo habang ako nag-aayos pa ng mga gamit ko. Pinapasok ko pa 'yong mga gamit ko sa loob ng bag ko.



"Sige, mag-ingat kayo. I'm sure sa susunod makakasama n'yo na ako." Sagot ni Ezen.



"Pre, baka may balita ka na kay Yena, contact-in mo kaagad ako ha?" Mahina niyang sabi kay Kulot. Namiss ko rin tuloy si Yena.



"Sige, bukas nalang." Tuluyan nang lumabas 'yong dalawa at naiwan kami ni Ezen dito. Pero bago ko pa makalimutan ang lahat, magkikita nga pala kami ngayon ng new friend ko na nakausap ko kanina. Hindi ko nga lang alam kung ano ang pangalan niya. Sinakbit ko kaagad 'yong bag ko tapos nag-akma na akong lumabas nang bigla akong hinila ni Ezen pabalik.



"At san ka pupunta?"



Napanguso ako. "Eh, ano bang pakialam mo kung saan ako pupunta? Isa pa, kasama ko naman si Zero 'no. Wala ka ng pake." Hinawi ko siya tapos tumakbo kaagad ako pababa papunta sa canteen. Tapos nakita ko na nga 'yong tatagpuin ko rito.



"Pasensya na kanina ka pa ba naghihintay sa akin dito? Ngayon lang kami pinalabas." Sabi ko sa kanya.



"Okay lang ano ka ba." Tumayo na siya bitbit 'yong bag niya saka kami naglakad palabas.



"Ano nga palang pangalan mo?" Tinignan ko 'yong I.d niya tapos ngumiti siya.



"Kate." Napakaganda ng pangalan niya. Nakikipagkamay siya kaya tumugon ako ron. "New friends na tayo huh puwede ba?" Tumango kaagad ako.



"Oo naman, pero puwede bang doon tayo sa kabila dumaan? Baka kasi makita ako ng bantay ko. Hindi ko siya isasama kasi lalaki e, baka mainip kapag matagalan akong pumili ng items na bibilhin ko." Si Zero 'yong tinutukoy ko.



Mark My Words (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon