Chapter 94

4.4K 137 1
                                    

Chapter 94:

Pag-uwi namin ng bahay nila Ate Ashily minabuti kong pumunta sa kuwarto nina Nanay at Tatay. Pagdating ko rito naabutan ko silang nagsasayaw dalawa at parang hindi nila ko nakikita. Ang saya kasi ng tugtog nila at ang saya-saya nilang dalawa. Masaya naman akong makita ang mga magulang kong ganito, 'yon nga lang kung para sa pang sarili ko, hindi na ako nasasayahan dito.



Minabuti kong patayin 'yong dvd dahilan para mapahinto sila sa pagsasayaw at mapansin nila ako. "Oh, anak, kanina ka pa ba riyan?"



"Nay, Tay, kailangan po nating mag-usap."



"Huh? Tungkol naman saan anak?"



"Umalis na po tayo rito." Matapos kong sabihin 'yon nagkatinginan silang dalawa.



"B-Bakit anak, may problema ba?"



Umupo ako sa kama nila habang magkakatabi kaming tatlo. Nasa gitna nila ako at kaliwa't kanan ang pagtingin ko sa kanila. "Nay, tay, alam ko pong masaya kayo rito pero ako po hindi na." Nagkatinginan silang dalawa matapos ay napayuko at halatang-halata na nalungkot. "Nay, tay, hindi naman po habang buhay aasa nalang tayo sa mga magulang ni Ezen 'di ba? Alam ko pong masaya kayo rito kahit hindi kayo nagtatrabaho masasarap ang kinakain natin. Masagana tayo sa mga temporal na bagay, maganda at malaki 'yong bahay. Wala tayong ginagawa kundi kumain lang, matulog, pero Nay, tay, hindi po ako masaya sa ganito. Mas gusto ko po 'yong dati nating buhay dahil doon malaya ako. Malayo tayo."



"Uhm, k-kasi anak..."



"Anak... p-paano 'yong mga magulang ni Ezen? Yung tungkol sa pagkidnap sa inyong dalawa?"



"Anak, kung hindi ka naman masaya dito naiintindihan ka naman namin. Yun nga lang kung aalis tayo, kagaya ng sinabi ng tatay mo paano kung makidnap ka ulit o kaya may mangyaring masama sa atin kapag umalis tayo rito?"



"Nay, tay, hindi ba't may mga kamag-anak naman po tayo sa probinsya? Puwede naman po tayo roon 'di ba? Bakit hindi nalang tayo ron tumira? Sigurado po akong hindi na tayo masusundan ng mga kumidnap sa amin noon ni Ezen." Muli ulit silang nagkatinginan dalawa.



Maya-maya pa umiiyak na si Tatay ganon din si Nanay. "Sana pala anak sinabi mo noon palang na hindi ka na masaya rito. Hindi rin naman kami magiging masaya kung hindi ka masaya e." Bigla akong napangiti sa sinabi ni Tatay habang niyakap niya kami ni Nanay. Pero ang nakakatuwa ron kahit umiiyak sila ang kuwela pa rin nilang tignan. Para kasing wala silang luha habang umiiyak.



"Anak, kung gusto mo sa probinsya tayo tumira wala namang problema sa amin 'yon ng tatay mo, 'di ba honey?"



"Oo naman. Basta kung saan ka masaya anak don kami ng Nanay mo." Tumango nalang ako sa kanila at nagfamily hug kami. Tuloy pa rin sila sa pag-iyak samantala ako nakangiti lang at sobrang saya dahil gusto rin nila ang kagustuhan ko.



Matapos kong pumunta sa kuwarto nila Nanay at Tatay kaagad silang nag-ayos ng mga damit nila pagkaalis ko ron. At bago naman din ako mag-ayos ng mga gamit ko minabuti kong puntahan muna si Ezen sa kuwarto niya. Pero hindi naman ako magpapaalam sa kanya. Sa totoo lang hindi kami aalis dito sa bahay nila ng nagsasabi dahil sigurado kaming hindi naman sila papayag. Palihim lang kaming aalis mamaya rito.



Pagkapunta ko sa pintuan ng kuwarto niya bumuga muna ako ng malalim na hininga. Tapos non binuksan ko na nga ng tuluyan 'yong pintuan at pumasok ako sa loob. Pero 'di pa man ako tuluyang nakakapunta sa pinakagitna ng kuwarto niya napahinto na ako sa paglalakad ko. Nakatitig lang ako ngayon sa kanya dahil mukhang busy na busy siyang titigan ang mukha ni Gizel habang natutulog 'to sa kama niya. Nakangiti siya at hinahaplos haplos niya 'yong mukha nito.



Mark My Words (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon