Chapter 93

4.5K 123 0
                                    

Chapter 93:

"Umh, don't mind her. Just eat your breakfast." Sabi ni Tita Shimi kina Ezen at Gizel. Di nalang ako tumingin sa kanila bagkus kumain nalang ako nang kumain. Kung ako rin kasi ang tatanungin ayoko silang kasama. Hindi naman dahil mayroong namagitang issue noon sa amin nila Gizel at palagi kaming nag-aasaran ni Ezen.



"Tapos na rin po ako." Uminom kaagad ako ng tubig tapos tumayo na ako.



"Ang bilis mo naman kumain anak." Sabi ni Nanay pero nagbigay galang nalang ako sa kanila nila Tatay, Tita Shimi at Tito Dazu at 'di na ako nagsalita. Pagkatayo ko kukuhain ko na sana 'yong bag ko pero inunahan na ako ni Zero.



"I'll take it." Nagkatitigan kaming dalawa kaya mabilis na pumasok sa isipan ko 'yong may girlfriend na siya pero inalis ko ulit 'yon sa isipan ko.



"Uh, thanks." Hinayaan kong bitbitin ni Zero 'yong bag ko tapos lumabas na kami ng kusina. Pero dahil nakalabas na kami pinilit kong makuha 'yong bag ko mula sa kanya. "Ako ng magdadala. Salamat nalang." Tinalikuran ko kaagad siya. Ayoko kasing magpahalata sa kanya na umiiwas ako kaya kahit papaano okay na 'yong ganito nalang kami.



"Lyka, are you okay?" Rinig kong tanong niya. Di ko siya nilingon pero tumango nalang ako habang nakatalikod sa kanya at mabilis na pumasok sa kuwarto kung saan 'yong tutor room namin ni Kulot.



Higit kalahating oras lang 'yong hinintay ko tapos dumating na nga 'yong tutor namin kasabay din nang pagpasok dito ni Ezen pero—nagulat ako nang pati si Gizel nandito rin sa room. 'Wag niyang sabihing sasali siya rito? Pagnagkataon magkakasama pa rin pala kami at ayon ang ayokong mangyari pero no choice yata ako.



Bakit ba ganito? Hindi lang si Zero ang dapat kung iwasan, kundi itong dalawa rin. Napalalim tuloy ako ng hininga. "Mukhang may problema ka yata Lyka?" Biglang sabi ni Gizel pero hindi ko siya nagawang tignan.



"Wala naman." Maiksi kong sagot tapos kunyari kumuha ako ng mga ballpen at notebook para kunyari may ginagawa ako para 'di nila ako kausapin.



Pero ang nakakainis lang don gumitna siya sa upuan namin ni Ezen kaya nakatabi ko siya. Medyo nagpipigil lang ako dahil ayoko ng gulo. "Oops, I'm sorry hindi ko sinasadya." Bigla akong nahulog sa upuan ko dahil naiusod niya ito ng tumayo siya.



Dahil sa pagtitimpi ko hindi ko nalang pinatulan. Tumayo kaagad ako tapos lumipat sa kabilang upuan. Nakakainis balak pa yata maglandian nitong mga 'to sa harapan ng tutor namin. Di ko nalang ulit sila pinansin. Kailangan kong i-focus ang sarili ko sa ibang bagay at hindi sa kanila.





——
F.O.L

Shimi's Point of View:

"Kuya Dazu, Lady Shimi, nabalitaan naming nakatira sa inyo ang anak ng kaaway natin. How did happen? Alam ninyong delakado 'yon." Bungad sa amin ni Kazu, ang kakambal ng asawa ko pagkadating namin dito sa F.O.L. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Dazu dahil sa sinabi nito.



"Lady Shimi, Kuya Dazu, hindi dapat kayo kaagad nagdesisyon ng ganon. Nabalitaan namin kay Ashily ang nangyari pero labag kami ron." Sabat naman ni Ayesha na asawa ni Kazu, ang isa sa mga Gangster princess na best friend ko.



"Oo, alam naman naming labag talaga kayo sa desisyon namin but don't worry hindi naman namin siya pinatira ron nang hindi siya pinamamatyagan." Sagot ni Dazu sa kanila.



"What do you mean?" Tanong ulit nilang mag-asawa.



"May nagbabantay sa kanya."



Mark My Words (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon