Chapter 62

5.3K 150 1
                                    

Chapter 62:

Shaira's Joong Point of View: (Ling's mother)

Mabilis iginapos nina Ling at Josh si Dazu na walang malay. Tinalian nila ito habang nakaupo sa upuan.

"Master, bakit hindi niya suot ang kuwintas mo?" Biglang sabi Pazu kaya nagtaka ako. Bakit nga ba?


Bahagya akong napamura. "Naisahan niya tayo. Hindi ko maaaring hindi makuha 'yon dahil pagmamay-ari ko 'yon." Kunot noo kong sabi.


"Ma, 'yon ba 'yong kuwintas na madalas mong ikuwento sa akin noon?" Tanong ng anak ko kaya hinarap ko siya.


"Oo anak, at kailangan nating mabawi 'yon dahil hindi 'yon sa kanila. Ilang milyon ang katumbas non kaya kayamanan natin 'yon." Halos magpigil ako ng galit. Akala ko pa naman makukuha ko na 'yon.


"Ma, 'wag kang mabahala ako ang babawi non para sa 'yo." Ani Ling kaya napabuntong hininga ako habang nakakunot ng noo.


"Master? Master?!" Nang biglang may kumakatok sa pintuan kaya kaagad binuksan ni Pazu 'yon at nakita naming 'yong mga lalaki naming tauhan na duguan.


"Anong nangyari?" Gulat ni Pazu.


"Master, ubos na lahat ng kasapi natin kami nalang po ang natitira." Hingal na hingal na sabi ng isa. Nagkatinginan kami nila Josh habang kinakabahan.


"Sh*t, hindi puwede." Galit na boses ng anak ko.


Mabilis namang pumunta si Pazu sa aparador na nandito sa kuwarto tapos binuksan niya 'yon at nagulat kami nang maraming baril ang nandon sa loob.


"Kuhain n'yo ang mga 'yan. Kailangan nating makatakas dito." Utos niya kaya mabilis kaming kumuha ng tig dadalawang armas.


"Ma, paano si Dazu Kang?" Tanong ni Ling kaya nilingon ko siya.


"Anak, siya ang magagamit natin para makalabas tayo rito." Tumango siya sa isinagot ko at nagmadali kaming naghakot ng mga armas sa bag. Pero 'di pa man kami nakakapag-ayos pinasok na kami rito sa loob ng mga kakampi ni Dazu Kang.


"Punyemas!" Sigaw ko. Matapos ay kukuha palang sana ako ng baril pero tinadyakan na kaagad ako ni Jamaica at Alex. Ngayon lang ulit kami nagkita-kita. Nakakainis lang dahil ang dami nila, tagilid kami rito.


Pinagtulungan akong maigapos ni Alex at Jamaica pero nakakalaban pa rin ako. Hinawi ko ng malakas si Alex at tinadyakan ko naman si Jamaica. Pero dahil magagaling din sila mabilis silang nakakabuwelo at lumalaban pa rin sa akin.


"Hindi ka makakalabas ng buhay dito Shaira." Sabi ni Alex habang pinupunterya ang mga binti ko. Tapos si Jamaica kumuha naman ng vase tapos ibinato niya 'yong sa akin.


Mabuti nalang at naiwasan ko pa 'yon kundi hindi, hindi na talaga ako makakabangon.


"Shaira!" Bigla akong napatingin sa babaeng sumigaw ng pangalan ko habang nakikipaglaban pa rin ako sa dalawang 'to. Pero tignan mo nga naman, ang dati kong bestfriend na itinuring.


"Chloe, sige makisali ka pa. Hindi kayo sa uubra sa akin!!!" Sugod pa rin ako ng sugod kahit na tatlo na sila


Pagkatingin ko kay Dazu tinatakas na siya ng iba pang mga kakampi nila. Tapos si Pazu apat na ang naging kalaban niya. Samantala ang anak ko dalawa. 'Yong mga tauhan naming lima kanina patay na. At dahil, nagmamasid din ako habang nakikipaglaban bigla akong na-corner ni Chloe tapos naigapos ako nila Alex at Jamaica.


Mark My Words (Book 3)Where stories live. Discover now