Chapter 84

5.6K 166 3
                                    

Chapter 84:

Bigla akong hinigit ni Ezen nang mas malakas dahilan para mabitawan ako ni Zero. Pagkatapos non hinarap niya si Zero kaya magkatapat na sila ngayon. "You are my only body guard. You don't have rights to face me. You understand?" Hindi sumagot si Zero pero magkatitigan pa rin sila tapos non bigla nalang siyang napalihis ng tingin at wala nang nagawa pa. "Umalis na tayo rito." Utos ni Ezen kaya tuluyan na nga kaming umalis ng resto. Naiwanan ko ron si Zero nang mag-isa.



Mabilis naman naming narating 'yong bahay nila, 'yon nga lang hindi pa rin ako umiimik katulad kanina sa kotse. Hindi lang naman kasi ako makapaniwala na nagawa ni Ezen sa akin 'yon kanina. Nang makababa kami ng kotse naglalakad na ako ngayon papasok ng bahay nila. Nasa likuran ko lang siya at nakasunod siya sa akin.



Hindi ko kasi alam ang gagawin kung lilingunin ko ba siya o tatanungin kung bakit sinundo niya ako ron pero sa naaalala ko, "Please, don't do it again. I won't forgive myself if there's anything happen to you."



Hindi ko alam kung anong pahiwatig niya ron. Bubuksan ko na sana 'yong pituan nang bigla niya akong unahan. Napatitig nalang ako sa kanya tapos sinundan ko lang siya ng tingin habang tinutungo ang sala.



"Oh, anak nandito na pala kayo. May nangyari ba? Okay lang ba kayo ni Ezen?" Tanong ni Nanay sa akin habang kasama niya si Tatay at Ate Ashily na mukhang hinihintay ang pagdating namin dito. Pero imbes na sagutin ko si Nanay kay Ezen ako tumingin, sinundan ko pa rin kasi siya ng tingin habang papunta ng kuwarto niya sabay lalim ko sa paghinga.



"Nay, wala naman pong nangyari. Okay naman po kami, magpapahinga na po ako, sige po." Tumalikod na kaagad ako sa kanila kahit alam kong sinundan din nila ako ng tingin pero pinagpatuloy ko na talaga ang pag-akyat ko sa kuwarto ko.

----

"Hays," Nakapangalumbaba ako ngayon. Nandito ako sa classroom at panibagong umagang monday na naman. Nakatingin lang ako sa bintana at kung minsan sa kinauupuan ni Ezen. Sa totoo lang matapos ang nangyari sa amin kagabi hindi na ulit kami nagpansinan.



Kasama niya ang Trio ngayon at nagdadaldalan sila. Kung minsan pa nga humahagalpak sila ng tawa. Ewan ko ba, hindi mawala sa akin 'yong ginawa ni Ezen sa akin kagabi. "Hays," Saka nasaan pala si Gizel ngayon? Mukhang absent. Kaya naman pala may oras ngayon si Kulot sa dalawang kaibigan niya.



Lumipas ang oras, lunch time na. Sobrang bilis talaga ng oras ilang subject kaagad ang lumipas. At dahil nagmamadali ako kanina, nakalimutan ko 'yong baon kong niluto ni Nanay kanina para sa akin. Nandito tuloy ako sa canteen ngayon. Nakakawindang lang dahil ang mamahal ng ulam at kanin. Akala mo ginto sa presyo. Five hundred pesos, lunch lang. Grabe! Tila hindi pa ako makapaniwala kung kakainin ko ba 'to o hindi.



"What I know about food is to eat it, not to stare it."



Nang bigla akong mapatingin sa lalaking nagsalita sa harapan ko, si Zero. May dala siyang tray na naglalaman ng mga pagkain, sa tingin ko rito rin siya manananghalian. Bigla akong napangiti. "Pasensiya na, hindi lang kasi talaga ako makapaniwala sa presyo nito e. Parang apat na katao na ang kakain sa ganitong halaga kung sa jollibee ako kakain."



Bahagya siyang napatawa sabay kamot ko naman sa ulunan, "Your so funny." Aniya kasabay ng paggulo sa buhok ko. "You may eat." Aniya kaya tumango ako. Nakangiti kami sa isa't isa habang nilalasahan ang masasarap na pagkain sa harapan.



Nang biglang may tumabi sa harapan namin. Binagsak niya ng bahagya 'yong tray niya na may lamang pagkain kaya nagulat kaming dalawa ni Zero pero itong si Zero patuloy pa rin siyang kumakain at hindi pinapansin itong padabog na pagdating ni Ezen. Nangtingnan ko naman si Ezen nakatitig siya nang nakamamatay kay Zero, samantala si Zero nakatitig naman sa akin habang ngumunguya. Samantala ako, salitan ang pagtingin ko sa kanilang dalawa.



Mark My Words (Book 3)Where stories live. Discover now