Chapter 56

5.9K 142 0
                                    

Chapter 56:

Ling's Point of View:

Ibinaba na ni Mama ang tawag ko pero napaisip ako sa sinabi niya. "Uncle?" Sambit ko. "But what about Dazu Kang? Tch." Bulong ko.



Maya-maya pa biglang napapreno ng malakas itong sinasakyan namin habang hinahabol namin ang kotse ni Dazu Kang at Gizel. "What the f*ck. What is it?" I asked.



"Master, may humarang po sa daanan natin."



"What?" Napakunot tuloy ako ng noo kaya bumaba ako para harapin 'yon kung sino. Mabilis kong kinasa ang hawak kong baril saka itinutok sa lalaking 'di pamilyar sa akin.



Pero hindi siya nag-iisa. May mga kasama rin siyang mga tauhan pero desente nga lang. But it looks like a gangster too, formal lang ang pormahan. "Who are you?" Aniko.



Pero binigyan niya lang ako ng isang magandang ngiti. Pero, para saan naman ang 'yon? "I said, who are you?" Tanong kong muli. Pero tanong na nangingilatis sa kanilang lahat.



"Hanga ako sa katapangan mo. Mukhang nagmana ka talaga sa Daddy mo, pamangkin ko." Dahan dahan kong naibaba ang hawak kong baril habang napatitig sa kanya. Ibig sabihin nito... "Don't worry my brave nephew, hindi ako kaaway, pagtutulungan natin ang pagpatay sa angkan ng mga Park at Kang dahil pinatay din nila ang kapatid ko kaya ang mabuti pa ibaba mo na 'yang hawak mong baril baka mapatay mo pa ako."



"Uncle, Josh?" Sambit ko.



"Yeah, It's me. Ang mabuti pa sundan na natin si Dazu Kang, your mom said to me about that. Puntahan na natin siya. Let's go, hurry! Susunod kami sa inyo." Mabilis siyang pumasok sa kotse niya ganon din ang mga tauhan niya habang gulat pa rin ako sa pangyayari. Pero mas mabuti na ang ganito kaysa naman madagdagan ang kalaban.



Pumasok na rin ako sa loob ng kotse saka ulit pinaandar ang sasakyan kasunod si Uncle. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano 'to nangyari pero ang mahalaga sa ngayon ay magantihan ang mga Park at Kang.





----
Ezen's Point of View:

Urgh, what happen?

Nilibot ko ang tingin sa buong kapaligiran nang magising ako. Parang kakaiba, hindi ko alam kung nasaan kami. Pero isang malaking kuwarto na may halong puti at itim ang paligid.



Kung mamasdan ko, tila nasa isang maganda at malaking gusali kami. At nang tignan ko naman ang katabi ko—nakita ko si Lyka na natutulog kaya bahagya akong napakunot ng noo.



Ibig sabihin kasi nito, nawalang bisa ang plano kong makatakas siya.
Pero nasaan na ba kami ngayon? Nakatali ang mga kamay ko pero ang mga paa ay hindi naman, kaya nagawa kong tumayo at lumapit sa pinto.



"May tao ba riyan?!" Sigaw ko. Baka sakaling may makarinig sa labas.
Matapos naman nito ay tinadyakan ko ang pinto para makalikha ng ingay.


"Ezen?"


Pero bigla naman akong napalingon kay Lyka nang marinig ko ang boses niya. Gising na siya kaya lumapit ako sa kanya. Pero nakayuko lang ako dahil sa nabulilyaso kong planong pagpapatakas sana sa kanya.



"Im sorry." Halos pabulong kong sabi. Umupo muli ako sa sahig kaharap siya.



Kita ko ang pag-iling niya. "Okay lang. Hindi ko rin naman gustong makatakas ng hindi ka kasama." Aniya.



Napatango nalang ako sabay titig ko sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa na tumagal ito ng ilang minuto. Ewan ko. Ang daming gumugulo sa isipan ko.


Mark My Words (Book 3)Where stories live. Discover now