Chapter 2

27K 726 176
                                    

Chapter 2:

Lyka's Point of View

I love you,
You love me,
We're a happy family,
with a great big hug,
and a kiss from me to you,
Won't you say you love me t—bigla kong pinatay 'yong alarm clock kong nag-iingay sabay bangon at ngiti.



Ngayong araw na 'yong last day ko sa raket ko. At pagkatapos non makakabili na ako ng ticket para sa concert ng BTS kaya hindi ko maiwasang hindi maging masaya.



"GOOD morning Chai." Bati nang amo ko sa akin kaya binati ko rin siya pabalik pagdating ko rito sa trabaho ko.



Habang gumagawa ako lumilipad na naman ang isip ko. Puro laman kasi nito makikita ko na 'yong mga hinahangaan kong mga koreano. Isang linggo nalang kasi at concert na nila.



Kumakanta kanta ako ngayon ng mga paborito kong mga kinanta nila. Ang ganda kasi kahit hindi ko naiintindihan 'yong lyrics. Pero nakalimutan ko nga palang magpakilala sa inyo, ako si Lyka "Chai" Macandog na kahit pagbalibaliktadin man ang mundo cute pa rin ako.



Isa akong feelingera, 17 taong gulang at student. At dahil bakasyon ngayon talagang humanap ako ng raket para lang makabili ng ticket sa concert ng Bts. Pinaghirapan ko talaga 'to makaipon lang non at simple nga lang pala ang buhay na mayroon ako rito sa mundo.

 Pinaghirapan ko talaga 'to makaipon lang non at simple nga lang pala ang buhay na mayroon ako rito sa mundo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At dahil po sa kakadal-dal ko tapos ko na 'yong trabaho ko. Hapon na at kailangan ko nang magmadali makabili lang ng pinipilahang ticket.



Bigla akong napangiti pagkapunta ko rito sa Mall. Wala nang pila kaya suwerte ako. "Ate, isang ticket po." Sabi ko sa babaeng cashier sabay kuha ng tumataginting kong pera na nagkakahalaga ng limang libong piso at hindi po ako nanghihinayang dahil isang beses lang naman 'to sa isang taon. Gano'n talaga kapag isa kang fangirl.



Nagpalitan na kami ni Ate ng pera at ticket. Nang mahawakan ko ito halos halik halikan ko 'to, at siyempre nangangarap akong mahawakan ko man lang ang isa sa miyembro ng BTS.



Nandito na ako ngayon sa bus pero hindi ko talaga maiwasang hindi mag-ilusyon. Sa wakas, makikita ko na sila at malay mo aksidenteng magkabanggaan kami, tapos si Taehyung my alien pala 'yong nando'n. Sabay kaming madudulas tapos masasambot niya ako tapos ang pinakahihintay kong matikman ang mga labi niya.



Agad na tumulis ang nguso ko habang nag-iilusyon akong mahalikan ko ang pinakabias kong si Taehyung habang nakapikit ang mga mata ko.



"Miss!"



"Miss!"



"Hoy Miss!"



Kusang dumilat ang mga mata ko nang may humawak sa balikat ko at pagkatingim ko si Mamang condoctor pala at pinapababa na niya pala ako. Pagtingin ko sa paligid ko ako nalang pala 'yong tao rito kaya agad akong bumaba. Napasimangot tuloy ako.



"Nakakainis naman nando'n na e. Hahalikan na ako ni Alien tapos sumingit pa 'yong si Mamang condoctor. Nakakainis!"



Pero bigla akong napangiti nang maalala ko 'yong binili kong ticket kaya kinuha ko ito. Pinagmamasdan ko lang 'to habang kinikilig. At dahil genius ako magseselfie muna ako habang hawak ko 'to. Nagpose ako nang pang korean at iaapload ko 'to mamaya sa FB ko. Pero sa kamalas malasan ay bigla itong lumipad. Sandali pa akong napatulala dahil malapit pa 'to sa mga sasakyan.



"Oh my gulay! Baka hindi ko na makita si Alien ko!" Nagmadali akong habulin 'yon at nakipagpatentero sa mga sasakyan para lang sa ticket ko.




*****

Ezen's Point of View

At ngayon nandito ako sa sasakyan ko nagmamaneho. Nagmamadali kong pinapatakbo 'to dahil katulad ng dati hina-hunting ako ng mga tauhan naming Gangsters. Palagay ko nagsumbong na naman si Ate Ashi kina Mom at Dad kaya nakakainis talaga.



Nakita ko sa side mirror ang limang itim na kotse na humahabol sa akin ngayon pero let see kung maabutan nila ako. Mas lalo kong pinaharurot ang sasakyan ko dahil highway naman 'to pero biglang may sumulpot...



Biglang kong nilihis ang sinasakyan ko dahilan para mabangga ako sa isang poste. "F***!!!" Anas ko.


(Book 3) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2017 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.

Mark My Words (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon