Chapter 12

8.4K 246 4
                                    

Chapter 12:

Bigla kong na-i-preno sa pagsuntok ang kamay ko kay Kulot dahil may na hagilap ako ng tingin sa kaklase namin na nakasuot ng jacket. Mukha ni Alien ang nandoon kaya biglang kumislap ang mga mata ko nang makita ko 'yon. Iniwan ko si Kulot at nilapitan ko 'to.



Bigla ko itong hinawakan. "Ang ganda ng suot mo. Magkano 'yan? Bias mo rin ba si Taehyung? Oh my gulay, pareho tayo. Ang ganda ganda naman niyan saan mo nabili ya—"



"Puwede ba? Don't touch me poor kiddo!" Mataray na sabi nito at bigla lang naman niya akong tinulak dahilan para mapaupo ako sa sahig at pagtawanan ako ng buong klase.



Napakunot nalang ako ng noo.
Dahan dahan akong tumayo saka ko sila pinagmasdang lahat. Ang sama naman nila! Nang mapatingin naman ako kay Kulot salubong 'yong dalawang kilay niya habang nakatitig sa akin. "Hey, poor kiddo! You're not belong here. Kung ako sa 'yo—" Napangisi siya. "Ako nalang ang kusang aalis kung ayaw mong mapagdiskitahan kita, Bansot."




Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nitong Kulot na 'to. Feeling naman niya magpapatalo ako sa kanya, sa kanilang lahat. Hindi puwedeng hindi ko matupad ang mga pangarap ko nang dahil lang sa mga Barney na ito! Huminga muna ako ng malalim at saka ko siya hinarap.



"Hindi ako aalis." Madiin ko ring bigkas habang nakataas ang mga kilay ko. "Dito ang section ko kaya rito ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko!" Tinitigan ko siya ng masama.



"Tch, no way! I hate you! Walang nakakapasok dito na hindi ko gusto. Get it?!" Kita ko ring nagsalubong ang dalawang kilay niya pero hindi ako magpapatalo.



"Bakit ayoko rin naman sa 'yo ah? Alam mo hindi ko rin naman ginustong pumasok dito kung hindi lang dahil sa scholar ako!" Pagmamaldita ko kaya nilapitan niya ako ng husto dahilan ng pag-atras ko.



"Really?" Bigla niyang hinablot 'yong bag ko pero hindi ko hinayaang makuha niya 'yon ng tuluyan.



Nakangisi siyang nakatitig sa akin. "A-Anong gagawin mo? Ibigay mo sa akin 'to!" Sigaw ko habang hawak ko ang sakbitan nitong kabila kong bag.



"What would I do that??" Hinablot na niya rin 'yong isa at naghihilahan na kaming dalawa. "I don't want you to here, Bansot! I.HATE.YOU!" Mariin nitong pasigaw.



"Ano ba?! Bitawan mo na nga 'tong bag ko! Kung ayaw mo sa akin, mas lalong ayoko sa 'yo Kulot!" Bigla siyang sumenyas sa mga Trio kaya mas kinabahan ako.



Anong gagawin nila? Nilapitan ako nitong dalawa dahilan para mabitawan ko 'yong bag ko. Kinapitan nila ako sa magkabila kong braso habang tuwang-tuwa naman ang mga kaklase namin. "Trio! Trio! Trio! Trio!" Bigkas nila habang hindi ko naman alam kong anong gagawin nila sa akin.



Ilang segundo pa tinapon lang naman ako nitong mga 'to sa labas ng classroom dito sa pinto kasama ng bag ko. Nasa pintuan lang sila habang mga nakatingin sa akin lalo na 'tong kulot na 'to kaya tinitigan ko siya ng masama habang siya nakangisi sa akin.



"Ano? Lalaban ka?!" Paghahamon niya kaya hindi na talaga ako nakapagpigil pa.



Tumayo ulit ako saka ko siya muling hinarap. "Ang sama sama ng ugali mo!" Sigaw ko sabay inapakan ko ang paa niya dahilan ng pamimilipit niya.



"Aaah! Sh*t! Holy crap!" Inis na inis niyang sabi habang nakahawak sa paa niya at nagtata-talon pa. At 'yong itsura ng mga kaklase namin hindi lang naman sila makapaniwala habang ako tuwang-tuwa. "Damn it! Humanda ka sa akin!" Inis na sigaw ni Kulot dahilan para manlisik ang mga mata nito.



Unti-unti ko namang kinuha ang bag ko para sana tumakbo pero nagulat kami nang may biglang sumigaw at papalapit ito sa amin. "EZEN!!!" Sigaw nito at kilala ko siya. "Ano na naman ang ginawa mo?!" Dugsong nito habang malalaki ang mga mata ni Kulot. Halatang natatakot siya ngayon.



"A-Ate? Anong ginagawa mo rito??" Natataranta niyang sabi.



Hindi nagtagal nagulat kaming lahat ng pingutin siya ng Ate niya. "Aaah! A-Araaay! Stupid! Ano na naman bang araay nagawa ko?!" Bulyaw nito habang nakatingin lang kami sa kanila.



Wala rin namang magawa ang lahat ganon din ang Trio. "Tinatanong mo pa? Nakarating sa akin 'yong ginawa mong pagbangga sa bago mong kotse. Talaga bang pinahihirapan mo sila Dad ha?!"



"T-Tama na Ate. A-Araaay! Hindi ko kasalanan 'yon! Si Bansot may kasalanan non. Araay!"



"Ah, talagang naghahanap ka pa ng dahilan?! Puwes, sa ayaw at sa gusto mo magsasanay tayo ngayon!"



Hinila siya bigla ng Ate niya habang sumunod naman ang dalawang kaibigan nito sa kanya. "Araaay! Ano ba Ate ayoko! Ikaw nalang! May klase pa ako!"



"Hindi puwede, Ezen!!"



Hanggang sa hindi ko na sila natanaw pa kaya napangiti ako. Makakapasok na ako sa klase. Kinuha ko ang bag ko at pumasok na ulit ako sa loob pero kagaya ng kanina nakatitig sa akin ngayon ng masama ang lahat ng mga kaklase ko sa akin ngayon.



"Good morning, class." Nang biglang dumating 'yong teacher namin kaya bumalik sa normal ang lahat.



Sa likod ako nakaupo. Pero ang nakakainis lang don sa kalagitnaan ng klase kapag nakatalikod si Ma'am binabato nila ako ng papel. Halos magpigil lang ako ng galit ko. Paano ako makakapagconcentrate nito? Mga nakangisi sila sa akin habang nakatingin naman ako ng masama sa kanila.



Pagharap ni Ma'am nagulat siya dahil ang daming kalat sa desk at paligid ko. Tinignan ako nito ng may pagkamataray na mukha kaya napayuko nalang ako. "Get out of my class!" Saad nito kaya lumabas ako ng classroom. Sumandal lang ako sa pader sabay murmuring ko.



Akala ko kasi makakasundo ko ang mga estudyante rito pero hindi pala. Mukhang si Yena lang ang mabait na nilalang na nandito. Pero kumusta na kaya siya ngayon sa klase niya? Hays, sana magkaklase nalang kaming dalawa.





(Book 3) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2017 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.

Mark My Words (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon