Chapter 54

5.5K 145 1
                                    

Chapter 54:

Ling's Point of View:

Napangisi ako nang makita kong sumama si Dazu Kang, ang Daddy ni Ezen Kang kay Gizel na kaklase namin na binihag ko rin kanina. "Nice, Gizel." Bulong ko.

Flashback...

"L-Ling, ano ba? Bitawan mo nga ako. Saan mo ba ako dadalhin ha?!" Pagpupumalag ni Gizel nang abangan ko siya kanina sa Campus at sapilitang isinama. Tuloy-tuloy lang ako sa paghatak ko sa kanya.

"Sumakay ka na muna." Palinga linga kong sabi sa kanya.

"H-Ha? Pero bakit ako sasakay diyan?"

"Sinabi ng sumakay ka na muna." Pagpipigil ko ng galit.

"Sabihin mo na muna kung hindi, sisigaw ako rit—" Natigilan siya sa sinasabi niya nang makita niyang may baril akong hawak na nakatutok sa sentido niya.

"Ano? Mag-iingay ka pa ba?" Aniko.

"B-Bakit ba? Anong kailangan mo sa akin?" Nanginginig niyang sabi at mabilis siyang pumasok sa loob kaya tinabihan ko siya at nilock ko 'yong pinto ng sasakyan.

"Basta sumama ka at sundin mo ang ipagagawa ko sa 'yo, pero kapag hindi mo nagawa 'yong sasabihin ko sinisigurado kong mawawala ka na sa mundo."

Kita ko ang takot sa mukha niya matapos ko itong sabihin sa kanya.
"P-Pero bakit ako? May iba n-naman diyan." Kinakabahan niyang sabi.

"Minalas ka lang. Gets mo? Tss,"

End of flashback...

"Magkita tayo sa sinasabi kong lugar, matapos non may sasalubong sa 'yong mga tao ko. Pero ito ang tandaan mo, kapag nagsumbong ka kahit kanino—alam mo ng kalalagyan mo, lalo na ng pamilya mo." Sabi ko sa kanya sa pamamagitan ng isang maliit na microphone na nagdudugtong at nagko-koneksyon sa aming dalawa ni Gizel.

Rinig ko ang pakikipag usap ni Dazu sa kanya pero hindi naman siya nagsasalita, mabuti naman kung ganon. "At siguraduhin mo ring walang nakakasunod sa inyo, Gizel." Dugsong ko pa.


----

Ashily's Point of View:

"Mom, 'yong kuwintas po ni Daddy naiwanan niya." Bigla kong sabi matapos lumabas ni Daddy dito kasama ng kaklase ni Ezen na si Gizel.

"A-Ano? Hindi puwede 'to, baka mapahamak siya." Bigla namang sagot ni Mommy at lumapit siya sa akin at kaagad na kinuha ang kuwintas sa kamay ko. Nagtaka tuloy ako.

"Lady Shimi, 'wag kang mag-alala. Hindi 'yon mangyayari kay Dazu." Sabi naman ni Tita Chloe. Napapaisip lang akong pinagmamasdan sila.

"Pero hindi niya suot 'to Chloe." Sabi ni Mom at tatakbo na sana siya papalabas nang bigla siyang pigilan ng mga Tito at Tita.

I'm just curious about my Dad's necklace. Anong mayroon don?

"Lady Shimi, hindi mangyayari kay Dazu 'yon kaya please kumalma ka lang." Saad naman ni Tito Jenrick sa kanya habang hindi mapakali si Mom.

Pero hindi ko na napigilan ang hindi ko pagtanong. "Ano pong mayroon sa kuwintas ni Dad?" Mabilis na tumingin ang lahat sa akin kaya nilapitan ako ni Tita Chloe unti-unti. Ngumiti siya ng bahagya sa akin matapos ay hinawi niya ang buhok ko saka niya ako hinawakan sa magkabila kong balikat.

"Ashily, pamangkin ko, ang kuwintas na 'yan ay may kinalaman kay Shaira Joong."

"Po?" Naguguluhan kong sambit tapos tumango siya.

"Pinaniniwalaan ni Tita Crystal noon na kapag hindi suot ng Daddy mo ang kuwintas na 'yan ay mapapahamak siya. At ang kuwintas na 'yan ang pinag-ugatan ng gulo ng angkan noon ng mga Joong at angkan natin. Pero ang totoo talagang nagmamay-ari niyan ay si Shaira."

Mas napaisip ako sa sinabi ni Tita Chloe. "Pero paano po nangyari?" Aniko.

"It's a long story. Pero kung bakit lagi 'yan suot ng Daddy mo ay inutos 'yan ng Lola Crystal mo."

Long story?

"Hon, ang mabuti pa kami na ang susunod kay Dazu." Biglang sabi ni Tito Jenrick saka yumakap kay Tita Chloe. At ang tinutukoy niyang makakasama niya ay sina Tito Brent, Vince, Clifford at Renzo na nagpaalam na rin kina Tita Jamaica, Princess, Alex at Tita Yuri. Matapos non ay umalis na rin sila kaagad.

"Ahm, may nakalimutan nga po pala ako sa bahay. Puwede ko bang kuhain 'yon sandali? Mag-iingat naman po ako at babalik kaagad." Pagpapaalam ko at sana pumayag sila.

"Basta bilisan mo lang."

"Opo, Tita Chloe." Mabilis kong tinungo ang garahe rito sa F.O.L at pinuntahan ko ang sasakyang lagi noong ginagamit nina Mom at Dad kapag umaalis sila. Sinisigurado kong may alam ang driver nila kung nasaang kulungan ngayon si Shaira Joong.

Tss, humanda ka!





Chloe's Point of View:

Nakatingin lang kaming lahat sa pag-alis ni Ashily. Maya-maya pa hinawakan ni Alex ng madiin ang balikat ko ganon din sina Jamaica at Ayesha habang nakatingin sa kinaroroonan ni Ashily. "Kami na ang bahala sa kanya." Aniya kaya tumango ako. Ibig sabihin nito susundan nila si Ashily kung may gagawin ba itong kakaiba.

At ngayon, kami nalang nina Russel, Kazu, Soongwo, Yuri, Princess, Charmaine, Key, Seven at ang mga anak namin ang nandito ngayon na kailangang promotekta sa F.O.L Founder na si Lady Shimi.

"Kayong lahat, magmasid kayo sa buong paligid ng F.O.L." Utos ko sa lahat ng future Black Sapphire Gang na kaagad naman nilang sinunod.

Matapos ay napatingin ako kay Seven at nagkatitigan kaming dalawa. Dahil dito, naalala ko tuloy ang dalaga kong anak na si Yena. Siya kasi ang dahilan kung bakit nasa America ngayon ang anak ko na nilayo ng asawa ko sa kanya.

"Chloe, ang mabuti pa pagpahingahin muna natin si Lady Shimi." Suhesyin ni Soongwo kaya nawala ang atensyon ko kay Seven.

Pero imbes na magpahinga naman itong si Shimi, mas pinili pa niyang magtungo sa pinakamahalagang kuwarto na mayroon dito sa F.O.L, at 'yon ay kung saan naandoon ang mga litrato ng namayapa niyang mga magulang at pinakana-unang Black Sapphire Gang.




(Book 3) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2017 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.

Mark My Words (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon