Chapter 24

7.4K 243 1
                                    

Chapter 24:

Lyka's Point of View:

Napabuntong hininga tuloy ako. Nandito ako ngayon sa likuran ng building ng room namin. Dito nalang ako kumain ng lunch ko. Ayoko ng maulit pa 'yong nangyari kahapon. Baka kasi pagtrip-an na naman nila 'yong pagkain ko kaya ako na mismo ang lumayo.



Pero hindi kasi mawala sa isip ko 'yong ginawa ni Kulot kanina. Ipinagtanggol niya ako tapos nginitian pa niya ako kanina. Ano kayang ibig sabihin non? Mabait na kaya siya sa akin? Pero bakit? Dahil ba kila Nanay at Tatay? Yung pinakita nila sa kanya kagabi? Bigla tuloy akong napangiti, kasi naman 'yong ayaw niyang pagkain ko e kinain niya rin naman kagabi. Tapos nakakatuwa pa 'yong itsura niya. Tapos pinaglaruan pa nila Nanay 'yong buhok niyang kulot tapos nauntog pa siya.



"HaHaHa!" Hindi ko na napigilan tumawa na talaga ako. Nakakatawa talaga kasi si Kulot kagabi.



"Hala, nababaliw na siya."



Bigla akong napatingin sa likuran ko nang may dumaang dalawang babae na kaschoolmate namin. Napagkamalan yata nila akong nababaliw dahil tumatawa akong mag-isa. Pero kung alam lang nila 'yong dahilan ko kung bakit ako tumatawa sigurado akong tatawa rin sila kay Kulot. "HaHaHa!"



"Umalis na nga tayo rito. Baka mahawa lang tayo sa kanya." Sabi nung isa kaya napailing nalang ako.



"Yun ang akala n'yo." Bulong ko habang patuloy pa rin akong natatawa.



Pero naalala ko nga pala may pinapabigay sila Nanay at Tatay sa kanya. Ibibigay ko pa ba sa kanya 'to? Minabuti kong umalis na ron at maglakad-lakad na papunta ng classroom namin. Five minutes nalang kasi ang natitirang oras bago magstart ulit ang klase namin.



Pero pagpunta ko sa hallways nagulat ako nang may pinagkakapulungan ang mga estudyante rito. Lumapit na ako ng husto para makita ko kung anong nangyayari pero nagulat ako ng mga Pabebe girls ang makita ko ngayon dito.



Mga nakaluhod sila sa bilao na may lamang monggo. Shocks, ang sakit non. Pero bakit? Ano kayang nangyari? Sino ang may gawa nito sa kanila, si Kulot din ba?



Wala naman kasing ibang nagpapagawa non sa mga estudyante dito kundi siya lang. Pagkakita nila sa akin bigla nila akong tinuro at sinigawan. "Ikaw! Ikaw ang may gawa nitong lahat!" Sigaw sa akin ni Chelsea.



"Napaka—mo talagang Queen Barney ka!" Papaiyak naman na sigaw ni Nikka.



At dahil hindi ako makapaniwala tinuro ko ang sarili ko na parang sinasabing 'ako talaga?' Eh ang alam ko ako nga 'yong palagi nilang pinagtitrip-an e. Mga pabebe talaga sila, tch. Iniwanan ko nalang sila roon saka binelatan ko pa sabay takbo. Mga assumera kasi. Nararapat lang 'yon sa kanila.



Pero sa pagtakbo kung 'yon biglang may humatak sa akin papuntang hagdan kaya nanlaki na naman ang mga mata ko. Buyset, wala naman akong ginagawa. Ano na naman ba 'to? Sino 'to? Hindi ko siya makita kasi nga nasa likuran ko siya at tinakpan niya ang bibig ko. Di ako makasigaw.



"Come with me." Aniya.
Pero boses ni Kulot 'to.



Di nalang ako pumalag. Bagkus nagpahatak nalang ako sa kanya ng tuluyan hanggang sa makapunta kami ng parking at sa likod niya ako dinaan ng building. Ibig sabihin walang nakakita sa amin na magkasama kami. Pero ano bang gagawin namin dito? Mula sa pagkakatakip niya sa bibig ko ngayon naman hatak-hatak na niya ako habang nakahawak siya sa pulsuhan ko.



"Pasok." Aniya ng marating namin ang sasakyan niya.



"Pero bakit?" Mabilis kong tanong. "A-Ano bang problema mo ha? Saan tayo pupunta?"



Mark My Words (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon