Chapter 4

15.8K 479 15
                                    

Chapter 4:

Halos mapapikit ako sa takot dahil sa bilis niyang magpatakbo. Sino ba kasi siya? Bakit ako sumama sa kanya? Saan ba kami pupunta? Oh, my gulay! Nang bigla niyang i-preno ng malakas ang sasakyan at itigil sa tapat ng isang Bar. Halos mapasubsob ako dahil sa lakas ng pagpreno niyang 'yon.



"Baba na bilis!" Aniya nang nagmamadali sabay tanggal sa seatbelt at labas sa kotse kaya sumunod naman ako sa kanya. Sobrang astig niya pero bakit ba kami nandito? Unti-unti akong pumasok sa loob kasi sinusundan ko siya. Maya-maya lang ay unti-unti nang lumalakas ang tugtog na naririnig ko.



(Now Playing: In the name of love : Martin Garrix & Bebe Rexha)



Sobrang dami ng tao rito halos mga kabataan pero parang may pinagpupulungan sila sa bandang gitna at tila may sinisigaw.



"Trio! Trio! Trio! Trio!"



Mga maaangas, mga guwapo, at ang gagaling nilang sumayaw. Isa pa, mukha silang mga anak mayaman at isa na ro'n si Kulot. Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw nila sa pagsayaw. Nang makita ko naman 'yong paligid halos lahat ng babae sa kanila lang mga nakatingin, sa kanila ang focus at mukhang lahat sila hinahangaan.



May narinig pa akong bulong-bulungan na matinik daw talaga sa mga kababaihan itong Trio. So, ibig sabihin ayon ang pangalan ng grupo nila at sikat sila rito. Nang matapos ang sayaw nila halos palibutan sila ng mga kababaihan kaya lang— "EZEN KANG!" Nang may biglang sumigaw.



At 'yong sumigaw ay 'yong babaeng hinatak ako papunta rito ngayon. Oh, my gulay lang dahil nakakatakot siya. May dala siyang mahabang baril at nakatutok 'yon kay kulot. Halos ma-shocked 'yong mga tao na naandito ngayon. "Sasama ka sa akin o magkakagulo tayo rito?" Mataray nitong bigkas kaya nakasimangot naman si Kulot. Samantala nakatingin lang 'yong mga kaibigan niya sa kanila at iisa lang ang pumapasok sa isip ko ngayon, hindi kaya Ate 'to ni Kulot?

---

"ANO ba ate?! Hindi mo ba talaga ako tatantanan, ha?"



"Oo hindi! May reklamo ka?"



"Hays! Nakakahiya 'yong ginawa mo kanina sa Bar!"



"Puwes, ako hindi. Hanggang kailan mo ba susuwayin sina Mom at Dad ha?"



"Hindi ko sila sinusuway. Ayoko lang sa gusto nila. Tch!"



"Ayon ang tawag mo ro'n ha?"



Halos magpabalik balik 'yong tingin ko sa mag Ate na 'to. Nandito kami ngayon sa isang Coffee Shoppe pero sa totoo lang hindi ko alam kung bakit napasama ako sa dalawang dragon na 'to e para silang si Barney. Nagsisigawan sila habang magkakatapat lang naman kami ng upuan pero ang nakakahiya ro'n, pinagtitinginan na kami rito kaya dahan dahan akong tumayo.



"Ah, hello po? Nandito po ako? Itatanong ko lang sana kung puwede na akong umali—"



"SHUT UP!"



Naputol 'yong sasabihin ko dahil sinigawan nila ako ng sabay. Wala naman akong nagawa kundi umupo ulit sa gitna nila. Pero ano ba naman kasing kinalaman ko sa away nilang dalawa? Ang gusto ko lang naman ay mahanap 'yong ticket ko ng BTS dahil hindi ako makakapayag na hindi ko makita si Taehyung ko.



"Sa ayaw at sa gusto mo pupunta ka ng F.O.L ngayon para magsanay."



"Tss, sa tingin mo ba Ate mapipilit mo ako? No way! Mark my words!"



"Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha Ezen?!"



"Ilan beses ko rin bang sasabihin sa 'yong hindi matigas ang ulo ko Ate!Ayoko sa gusto nila! Kung gusto mo ikaw nalang!"



"Hindi nga ako puwede dahil ikaw ang gusto nina Lolo at Lola na magmana no—"



"MAGSITIGIL NA NGA KAYO!" Bigla kong sigaw dahil naririndi na ako sa kanilang dalawa. Bigla silang napatingin sa akin saka ko naman tinitigan ng masama si Kulot.



"Hoy Kulot! Ibalik mo na 'yong ticket ko ano ba?! Kung mag-aaway kayong dalawa 'wag n'yo na akong isali pa!!!" Todo sigaw ko kaya center of attraction ako ngayon. Napalunok nalang tuloy ako. "Y-Yong ticket ko ibalik mo na 'yon." Pagmamaktol ko.



"Hays! I'm going crazy!" Sigaw din niya sabay tingin sa akin ng masama. Tapos bigla siyang bumunot ng wallet sa bulsa saka kumuha ng libo libong pera at inilapag niya 'yon sa lamesa.



"Ayan! Isaksak mo sa baga mo! Isa pa, 'wag na 'wag ka na sa aking magpapakita ha! Got it?!" Sabi niya sabay talikod at alis.



"Ezen! Ezen!" Tawag naman ng Ate niya at hinabol siya kaya ako nalang ngayon ang natitira rito.



"Feeling naman niya hahanapin ko siya. Never 'no Kulot!" Pabulong kong bigkas. Nang mapatingin naman ako sa lamesa kinuha ko 'yong pera saka 'to binilang. Sobra sobra 'to pero tama lang dahil may pamasahe na rin ako papuntang Arena. Napagkakitaan ko pa siya.

---

After one week, punong-puno ng mga fans at sigawan sa loob nitong Arena. Hindi ako makapaniwala na nandito na ako ngayon sa loob at makikita ko na talaga si Taehyung. 'Yong kasuotan ko ngayon madami akong kolorete sa katawan. Nakasando ako habang may drawing ito ng mukha ni Alien ko. May headband din ako na may dalawang sungay at nakalagay ay picture nilang pito, may kwintas, sing sing, at hikaw na may mga picture nila. Nakashort ako ng maiksi at naka robber shoes.



"Aaaaah! Alien ko!" Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko kaya sumigaw na rin ako. Pero sa pagsigaw kong 'yon pinagtinginan ako ng mga katabi ko. Siguro fans din sila ni Taehyung. Bigla nila akong inirapan pero 'di ko nalang sila pinansin. Lalo pang lumakas 'yong sigawan nang pinatugtog na ang unang kanta at narinig ko ang boses ni Kokiee. (Now Playing: Fire : BTS) Oh, my gulay! Makikita ko na talaga siya. Excited na ako. Agad tumulis ang nguso ko habang nakapikit at iniisip kong mahahagkan ko ang labi ng pinagpapantasyahan kong si Taehyung.



"Aaaaah! P***! Ang guwapo ni Taehyung! Aaaah!!!"



Napadilat bigla 'yong mga mata ko nang si Taehyung daw kasi ay guwapo. Agad akong lumingon sa stage para makita siya pero sadyang bansot nga talaga ako. Hindi ko sila makita dahil ang tatangkad ng mga taong nasa harapan ko kaya ang ginawa ko tumung-tong ako sa upuan na dala ko.



At nang makita ko siya~ "Naabot ko na ang pangarap ko." Bulong ko sabay ngiti. Ang kaso biglang—black out.



(Book 3) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2017 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.

Mark My Words (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon