Chapter 64

5.4K 142 2
                                    

Chapter 64:

"Aaaaah!!!" Hanggang sa loob ng van sumisigaw pa rin ako. Hanggang sa makabyahe at makababa ganon pa rin. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng hospital hindi pa rin ako napapaos. Basta ang gusto ko bitawan nila ako. "Aaaaah!!!" Sigaw ko pa rin ng malakas na malakas.



"Damn, ang sakit sa tainga!" Rinig kong angal nang pamilyar na boses kaya napahinto ako at napatingin sa kanya.



Nilibot ko ang tingin ko sa kabuang kapaligiran matapos non napalunok ako nang makita kong napapalibutan ako ngayon ng napakadaming gangster.



Ang awkward ng itsura ko dahil nakatingin silang lahat sa akin at nakatakip sa mga tainga nila. Matapos non hindi ko namalayang nakaapak na pala ako sa sahig kaya ang awkward talaga. Feeling ko kasi nakalutang pa rin ako e dahil sa hawak nung Exodus at Blood. Ang tatangkad ba naman.



"Bakit ka ba sumisigaw, ha?!" Sigaw nung lalaking nakahiga sa hospital bedroom kaya nginisian ko siya. Grabe.



"Oy, Ezen Kang! Tinakot mo lang naman ako! Bakit mo ba ako pinasundo sa mga nakakatakot na tauhan n'yo?!" Bulyaw ko sa kanya. Pambihira siya sigawan ba naman ako.


Gising na pala siya.


Hindi niya ako sinagot. Bagkus sumenyas siya sa mga nakapalibot na gangster sa amin tapos non nagsilabasan ang mga 'yon kaya kami nalang ang natira ritong dalawa ngayon sa loob ng kuwarto.



"A-Ano bang kailangan mo?" Nahimasmasan na ako. Napahina ng kaonti 'yong boses ko habang hindi makatingin sa kanya ng deretso.



Kita ko 'yong pagngisi niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang bumalik 'yong pagkamaangas na ugali niya.



"Come near me." Utos niya. Nagtataka man ako pero dahan dahan akong lumalapit papunta sa kanya. Sumesenyas din siyang umupo raw ako sa tabi niya sa kama kaya ginawa ko naman.



Pero nagulat ako nang bigla niya akong higitin tapos inilapit niya 'yong bibig sa tainga ko kaya sobrang lakas ng kaba sa dibdib ko ngayon. Ang higpit kasi ng hawak niya sa kamay ko.


Pero ano bang ginagawa niya?


"Bansot," Napalunok ako habang naghihintay ng sasabihin niya. "Favorite mo talaga suotin 'yang kulay dilaw na 'yan?" Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Kulay dilaw?



Pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong isang kulay dilaw lang naman ang nakasuot sa akin ngayon. "M-m-m-manyak ka!!!" Sigaw ko ng malakas na malakas habang hinawi ko siya ng malakas. Pagkatapos non tinignan ko 'yong zipper ng palda ko sa tagiliran kaya nagpanic ako. Kasi naman nakabukas 'to. Hindi ko manlang napansin 'yon.

"Aaaaah!" Sigaw kong muli.

----

"HaHaHa! HaHaHa!"

Hindi ko maipinta ang mukha ko sa kahihiyan. Nakalabas ako ng bahay na ganon ang pangyayari. Tapos, tapos, tapos, nakita 'yon nong Zero panigurado. Nakakahiya. "Aaaah!"

"HaHaHaHa!"

At dahil nanggigigil na ako kakatawa nitong si Kulot binato ko siya ng unan na ikinasapul sa pagmumukha niya.


"Aish," Angal niya. Tinignan niya ako tapos nginisian. Tapos ako napapaluha pa rin sa kahihiyan.


"Kasalanan mo 'to! Makikita ko sana 'yon bago ako pumasok ng school kung hindi mo ako pinasundo! Buysit ka!"


"HaHaHa!" Pero tuloy tuloy pa rin siya sa pagtawa. Nakaasaar!


Dahil sa inis ko lumabas ako ng kuwarto niya. Pumunta muna ako ng cr dahil hindi ko maisara 'to. Sa tingin ko sa zipper na ang problema nito. Wala pa mandin akong dobleng short.


Halos magpadyak na ako dahil wala akong pampamalit ko. Kung sabagay makakapasok pa ba ako nito e late na ako. Hays, 'yong Ezen Kang na 'yon! Ni hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit pinapunta niya ako rito ng ganito kaaga. Pupunta naman ako e pero after pa ng klase.


"Take this."


Pero nagulat ako nang biglang pumasok itong si Zero rito sa loob ng cr ng mga babae. Gulat lang akong nakatingin sa kanya habang may inaabot siya sa akin.


Pero dahil sa hindi ako makapaniwalang nandito siya sa loob tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kinuha niya 'yong kamay ko tapos inilagay niya 'yong ibinibigay niya sa akin sabay alis niya. Naiwan akong nakanganga habang nakatingin sa likuran niya.


"Take this." Ito 'yong nagsink-in sa utak ko na sinabi niya. Napalunok ako habang hindi pa rin makapaniwala.


Pero ano bang laman nito?


Binuksan ko 'yong paper bag matapos non napa-wow ako dahil ang laman nito ay isang dress na kulay puti na cute ang design. Bigla akong napangiti sa nakita ko. Isinukat ko pa 'yon sa harap nitong salamin habang umiikot-ikot.


Tingin ko kasi, bagay na bagay 'to sa akin dahil kasukat ko rin at tumugma sa rubber shoes kung kulay white na suot.


Mabilis akong pumasok sa cubicle tapos dito ako nagbihis. Ipinasok ko lahat ng uniform ko sa loob ng bag ko tapos nakangiti akong lumabas ng banyo. Nagustuhan ko itong binigay niya. Saan niya kaya 'to binili? Nasaan kaya siya?


Nagpalinga-linga ako sa paligid baka sakaling makita ko siya para mapasalamatan. Naglakad lakad ako habang nakahawak sa dalawang strap ng bag ko. Pero parang hindi kanais-nais ang nahagip ng mga mata ko.


Sa isang sulok kasi nitong hospital parang dito ko siya nakita habang may kahalikang nurse na babae. Dahan-dahan kong sinilip ang lugar na 'yon. Pero nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Pero bakit? Babaero si Zero?


"Hey, Lyka." Nang bigla akong napaiwas ng tingin nang may tumawag sa likuran ko. Si Seven at Key. "Anong ginagawa mo riyan?" Tanong nila.


Napalihis ako ng tingin. "Huh? Ah, wala naman."


"Halika, roon tayo sa kuwarto ni Ezen." Pagyaya ni Key kaya tumango lang ako. Habang naglalakad ako napaisip ako sa ginawa ni Zero. Babaero nga ba siya?Hays, nakakacurious.


"Ayos ka lang?" Nilingon ako ni Seven nang mapagtanto nilang ang bagal ko maglakad. Ngumiti ako matapos ay tumango. Binalewala ko nalang sa isipan ko 'yong lalaking 'yon.






(Book 3) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2017 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Book 3) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

TARGET AUDIENCE : 13 - 15 yrs old.

Mark My Words (Book 3)Where stories live. Discover now