*I want to be your oppa

I'm so hungry for your love

I want to be your oppa

I'll have you, just watch

He started dancing. Nagulat pa ako nang makitang sinasabayan din ng bibig niya ang kanta. Mukhang kabisado na rin niya ito. Nagpatuloy lang siya sa pagsayaw habang ako ay tigtig na titig sa kaniya. Ano pa bang kulang sa lalaking ito? Lahat yata nasa kaniya na.

Natapos ang kanta ng hindi ko namamalayan. Kinapa ko pa nga ang bibig kung may laway na tumulo kasi literal na napanganga ako sa kaniya. Ang galling at ang hot niyang sumayaw!

"Pasado ba?"

Tumabi na siya sa akin sa sofa. Hinihingal pa siya dahil sa pagod. I appreciate all of his efforts. Kahit walang kwenta 'yong mga inuutos at hinihingi ko sa kaniya ay ginagawa at ibinibigay niya pa rin. He's a proof that perfect boyfriends do not just exist on fictional stories. They are real. He's real. That's why I can't lose him.

"That was amazing. Hindi ka dapat sumayaw sa harap ng ibang tao, okay?"

Sabi ko sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya.

"Why?"

"Kasi baka maisipan pa nilang agawin ka sa akin."

I answered. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Baliw ka talaga."

He grabbed then locked me on his arms.

"Mahal mo naman."

I teased so he pinched my nose.

"Selosa naman."

He teased back.

"Maganda naman."

Sagot ko ulit at tumawa na lang kaming dalawa.

Maya maya lang ay pina-serve na niya ang ginawa naming pagkain ni tita kanina.

"Bakit ka nga pala nagpa-bangs?"

Tanong niya sa akin. Sinubuan ko siya ng baked mac bago sumagot.

"Wala lang. For a new look. Bakit? Ayaw mo?"

Umiling siya.

"No. You look good. It suits you."

Sa mga pumuna at nag-compliment sa buhok ko ngayong araw, ngayon ako pinakanatuwa. Iba kasi talaga kapag sa kaniya nanggagaling. Sinubuan ko ulit siya.

"Talaga?"

Tumango siya at linunok ang pagkain.

"Yeah. Mas bagay na tayo ngayon."

"What do you mean? Na hindi tayo bagay noon?"

I pouted my lips.

"I mean, bagay na tayo noon. Pero mas angat ako. Ngayon humahabol ka na sa level ng kagwapuhan ko."

He chuckled as I put a lot of food inside his mouth. Inaasar na naman ako ng loko.

Uminom siya ng juice para malunok iyon pagkatapos ay ngumiti.

"Pero siyempre joke lang 'yon. Kahit naman magpakalbo ka maganda pa rin."

Napangiti na rin ako. Gusto ko tuloy i-try magpakalbo para subukan kung totoo ang sinasabi niya pero siyempre joke lang din 'yon. Hindi ko naman yata maaatim 'yon.

Abala kami sa pagkukulitan nang mapatangin ako sa bintana nila at napansing umuulan. Tinamaan na naman ako ng kung ano sa katawan kaya parang feel kong maligo doon. Matagal na kasi akong hindi nakakapaglaro sa ulan. Pero ang problema, wala akong dalang damit.

"You wanna play outside?"

I turned my gaze to Marco. Parang nabasa nito ang nasa isip ko. Tumango ko at sumimangot.

"Pero wala akong dalang damit."

"I'll tell mom to buy."

Aniya at kinuha ang phone niya sa table at nag-type.

"Huwag na. Nakakahiya kina tita."

Pigil ko sa kaniya pero mukhang na-send na niya.

"It's fine. Magmo-mall din naman sila bago umuwi."

Sagot nito at hinila na niya ako palabas sa may pool area. He started taking his shirt off so I automatically looked away. Medyo naiilang pa rin ako kahit hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang walang pang-itaas. His body is not like those na nababasa sa pocketbook. May abs siya pero hindi 'yong parang sinasabi nilang parang pandesal. Hindi rin naman kasi siya nagji-gym. Pero hindi siya payat. Malaman naman siya. Sakto lang. His body is not yet fully defined pero sigurado ako na mas gaganda pa ito sa mga susunod na taon. We are still young, anyway.

"Tara!"

Yaya niya at nagpahila na ulit ako. Naramdaman ko na ang malamig na patak ng ulan. Maliligo ako ng naka-dress. No'ng nasa tabi na kami ng pool, nakaisip na naman ako ng kalokohan at itinulak siya.

"Habulan tayo! Ikaw taya!"

Sigaw ko at binelatan siya. Tumawa siya at umakyat na papunta sa akin.

"Madaya ka!"

Bago pa siya makaahon ay tumakbo na ako papunta sa kabilang side ng pool.

"Anong premyo ko 'pag nahabol kita?"

Tanong niya habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa baywang niya. Bago pa ako makasagot ay nagsalita ulit siya.

"Kiss mo 'ko 'pag nahuli kita."

Aniya at ngumiti ng nakakaloko. Basang basa na kaming dalawa sa lakas ng ulan.

"Ayoko nga!"

Sagot ko pero nagsimula na siyang humabol sa akin. Sa takot na mahuli niya ako ay tumakbo na rin ako. Paikot ikot lang kami sa pool hanggang sa mapunta na kami sa garden nila.

"Lagot ka sa akin 'pag nahuli kita."

Banta niya habang hinahabol ako. I just laughed while trying my best not to be caught by him.

"Huli ka!!"

Napasigaw ako sa gulat ng bigla niya akong hinablot sa baywang at iniharap sa kaniya. Sumeryoso ang mukha niya.

"Di na talaga kita pakakawalan."

He said and we both stared to each other. Hindi ko alam kung ang tinutukoy niya ba ay ngayon lang sa habulan namin o maging sa buhay niya because if it's the latter, then we are the same. Unti unti niya inilapit ang mukha niya sa akin without breaking our eye contact. The butterflies inside my stomach gone wild.

"I love you from the bottom of my hypothalamus, amygdala, and my whole limbic system."

He whispered before I felt his soft lips pressed into mine.

His Jealous GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon