Forbes 67

164 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo rito?"

Galit na galit na tanong ni Tita Eva kay Mrs. Rosabella.
Dumating kasi ito sa burol ni Don Gab pero humarang ang magkakapatid para hindi ito makalapit.

"Anak din ako ng papa. Karapatan ko syang makita one last time!" Paalala nito.

"Anak? Ikaw ang pumatay sa kanya!" Sabat ni Tita Arlyn.

"Ako?" Pagulat nitong tanong. "Alam nyo kung ano yun totoo pero nagbubulagbulagan kayo. Isa lang naman ang hinihiling ko diba? Ang sabihin nyo sakin kung saan ang puntod ng anak ko."

Nagkatinginan ang magpipinsan sa nakita nilang komprontasyon sa burol ng Lolo nila.
Gusto sana nila umawat pero alam nilang pagagalitan sila.

"Ibinigay na sayo ni Papa ang share mo sa The Forbes." Namumula sa galit na paalala ni Tita Eva. "Ano pa ang gusto mo?"

Nameywang ito.
"Kung hindi nyo sasabihin sakin kung saan ang puntod? Babawiin ko lahat." Paninindak nito.

Halos hindi makapaniwala ang magkakapatid. Si Tita Gina ang nagsalita sa mahinahong paraan.

"Ate Rose.. majority po ng shares of The Forbes ay si Bella ang bumili kaya sya na po ang kinikilalang owner at hindi po yun alam ng Papa bago sya mamatay." Paliwanag nito.

Sabay sabay din nagulat sila Tita Eva, Tita Arlyn at iba pa sa narinig.
Halatang hindi pa nila alam ang nangyari.

"Ano? Kailan pa?" Si Tita Arlyn. "Bakit hindi mo sinabi samin?" Galit na sumbat nito kay Tita Gina.

"Kasi nakiusap sakin yun bata na wag na ipagsabi dahil hahayaan na nya yun mga pinsan nya ang magmanage ng The Forbes." Paliwanag ng huli at halatang natameme ang mga kapatid.

"Hindi ako papayag!" Pigil hininga na pahayag ni Mrs. Rosabella.

"Wala ka na magagawa!" Asik ni Tita Eva.

"Pwes. Kukunin ko ang Hacienda." Sabi nito at tatalikuran na sana ang mga kapatid.

"Ang kapal talaga ng mukha mo Rosa. Hindi mo pwedeng gawin yan!" Namumula na rin sa galit si Tita Arlyn.

Muling lumingon ang galit na  rin na  ginang.
"Bakit hindi? Alam nyo kung ano yun totoo." Sarkastika nitong tanong. "Baka gusto nyo balikan natin ang nakaraan?"

Hindi nakakibo ang magkakapatid sa hamon ni Mrs. Rosabella kaya napaisip sila Mikaella, Rosenda, Rogue, Ramoncito at Rosette na buntis na rin ng mga sandaling yon na inaalalayan ni Darren.

Ano nga ba ang nakaraan at nagawa nito patahimikin ang matatapang nilang tiyahin at mga ina?

To be continued.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon