Forbes 64

62 0 0
                                    

Siguro enough na ang isang buwan para ayusin ang mga dapat ayusin.
Nag eempake na si Bella ng gamit nilang mag asawa.
Sa ibang bansa na sila titira at bubuo ng sarili nilang pamilya.
Lumabas lang saglit si Allen para magpaalam sa Team nya at bumili na rin ng paborito nyang food na ilang araw na nyang gusto kainin.

Hindi na sya lumabas ng unit nya kasi napapagod sya.
Akala nya ay may nakalimutan ito nung may nagdoorbell kaya agad nya itong pinagbuksan.
Napawi ang ngiti nya nang makita si Lester sa pintuan.

"Bella.. can we talk?" Halos mabaliw na tanong nito na akala mo katapusan na ng lahat.

Napakagat sya sa pang ibabang labi.
Natatakot kasi sya kay Lester.
Naging aggressive kasi ito nung mga nakaraang linggo at sya yun hinahanap.
Ngayon naman nasa harap nya ito.
Baka kung anong gawin nito.

"Lester.. I don't think may kailangan pa tayo pag usapan.." mahinahon nyang sabi rito pero pumasok ito at niyakap sya.

"Bella please.. mahal na mahal kita.." nagmamakaawa nitong hagulgol sa kanya.

"Lester.. No!" Pilit nyang kawala rito. "Kasal na kami ni Allen and we're happy." Nanginginig nyang sabi sa dating kasintahan at tinulak ito.

Bumagsak ito sa sahig kasi nakainom ito.

Napahawak ito sa ulo na patuloy sa pag iyak.
"Bella.. paano na ko?"

Umupo sya sa malapit na couch.

"Charie is pregnant.."

Nilingon sya nito.
"I know. Pero ikaw ang gusto ko maging ina ng magiging anak ko." Tila miserable nitong sabi sa kanya.

Napabuntong hininga sya.

"Lester, gusto ko rin maging ina. Pero hindi ikaw ang gusto ko maging ama kundi si Allen. Nagkamali na ko noon na mahalin ka. At hindi ko na uulitin yun."
Diretsa nyang sabi rito.

Hindi nya gustong masaktan ito pero kailangan nitong tanggapin na wala na itong babalikan.

Tumayo ito na nagpupunas ng luha.
"Bullshit! Bella.. Binigla mo ko. Nagising nalang ako isang araw na hindi mo na ko hinayaan makalapit sayo." Sumbat nito sa kanya.

Ramdam nya na nahihirapan ito.
Pero may gusto syang sabihin.

"For so many years.. Lester.. umikot yun mundo ko sayo. Dumating pa sa point na binigay ko yun sarili ko sayo pero iniwan mo rin ako without assurance kung ano na tayo? Napabayaan ko yun sarili ko pero kinaya ko.."

Simula nya sa binata nang mga nangyari sa kanya sa ibang bansa matapos sya nito iwan.

"Binigyan kita ng second chance pero you keep on disappointing me. I'm almost broken bago ko marealized na all this time si Allen ang palaging nandyan to save me. Ngayon buo na ko.." dugtong nyang may pagmamalaki.
Kasi naalala nya ang asawa na nagpapasaya sa kanya.
Ang Hero nya.

Muli syang tumingin kay Lester na matapang ang mga mata na nagtatanong.
"Kasalanan ko ba na hindi ko naiwasang mauntog ako kaya hindi ko na maramdaman na mahal parin kita? You think yourself as a King but you treated me like a soldier so don't expect me to be your Queen."

Hindi na nakapagsalita si Lester..

"Dyan ka naman magaling.."

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Where stories live. Discover now