Forbes 42

64 0 0
                                    

Pagpasok nila sa conference andun na ang lahat. Ang lolo nya Maski si Lester na nakatitig sa kanya.
Pati na sa suot nya.
Ayaw kasi nito na nakikita ng iba yun katawan nya. Kasi madamot daw ito.
Sobrang sexy kasi ng suot nya kaya nga kanina pa siya binubwusit ni Ramon.

Pinapag usapan na ng team kung ano yun magiging role nya sa The Forbes and she insisted not to sign any contract.

Ayaw na nyang magkaroon ng problema sa hinaharap.

"Hi! Are you the new model. I'm Jaycee. Your partner." Pakilala ng lalaki sa tabi nya.

Ngumiti sya. "Hi!" Abot nya sa kamay nitong nakalahad.
Kilala naman nya ang binata. Alam nyang artista ito at kaibigan ni Darren.

Gwapo ito at sobrang linis tignan.
Pero masyadong intimidating.
Parang over confident.
Siguro dahil alam nyang artista sya at sikat.
Pero mukha naman mabait.
Ngayon lang kasi sila nagkausap ng binata kahit matagal na niya itong kilala.
Paano iba ang mga kaibigan nito sa school noon.

"So, tayo pala yun magiging partner Miss Popular?" Tanong nito sa kanya na di nawawala ang ngiti.

"As far as I know Mr. Popular?" Ganti nyang sagot rito na natatawa rin.
Nakita nya sa gilid ng mata nya na nakatingin si Lester at ramdam nya na nagseselos ito.
Kasi naman itong si Jaycee wala ba itong plano makinig sa meeting?
Sa kanya pa talaga nakaharap at nakikipagtsimisan?
Siguro talagang friendly lang talaga sya.

Pagkatapos ng meeting lalapitan sana sya ni Lester kaya lang agad syang sinabayan ni Jaycee sa paglabas.

"Miss Bella, let's eat out! Kasama ko si Darren at Rosette. They are waiting sa first floor."

"Really? Sure." Masaya nyang paunlak. Tutal first floor lang naman ng The Forbes ang mall pero nakita nyang galit na galit si Lester na humarang sa daraanan nila.

"Miss Bella, can we talk?" Tanong nito.

"Of course not!" Mariin nyang tanggi saka naglakad ng diretso.
Walang magawa si Lester kasi sinabihan na nya ang mga bouncer nya na  hindi sya pwedeng lapitan ng binata.

Ngumisi si Jaycee.
"Grabee. Ang bangis." Nang iinis nitong sabi sa kanya.

"Bwusit ka." Nasabi nyang bigla kasi pinatawa sya nito.

"Bakit ayaw mo makipag usap kay Lester?"

"Hindi ako kumakausap ng married man." Diretsa nyang sagot.

"What?" Pagulat nitong reaksyon. "Okay nevermind. Atleast pwede ako makipag usap sayo." Tawa ni Jaycee.

Sya naman ngayon ang napapailing sa binata.
He's weird.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon