Forbes 37

53 0 0
                                    

Imbes na magkulong sa kwarto nagswimming silang magpipinsan sa paborito nilang spot.
Inalalayan sya ni Allen dahil baka madulas daw sya.
Nakatitig sa kanya si Lester habang pababa sya sa hagdan ng pool.
Masaya nitong kausap si Angeline bago sila dumating.

Sa kabila nito si Darren at nakita nyang siniko nito si Lester ng pabiro.

"Sexy ni chicks no?" Ngisi ni Darren rito. "Ikaw kasi naging kampante ka na gusto ka nya kaya akala mo mahihintay ka nya." Sisi nito.

Ngumisi si Lester. "Sakin parin naman sya e. Alam ko na hindi nya ko matitiis."

"Sus. Yabang nito. Tignan nga natin." Tawa ni Darren. "Chicks, mahal na mahal ka raw ni Lester."

Bella's POV
Tumingin lang sila Bella rito na walang reaksyon at bumalik sa pinag uusapan nila ni Allen pero si Mikaella ang sumagot.

"Try again later Lester! Pinag uusapan na nila yun kasal nila." Sigaw nito kaya sabay sa nagrect sila Bella at Allen.

"Uii..  ano ka ba?"

Pagkuway nagkatinginan ang dalawa saka nagtawanan.

"Naks. Meant to be talaga." Siko ni Rosette.

Natawa si Allen. "Kayo talaga.. ang mabuti pa ikukuha ko nalang kayo ng drinks."

"Thanks Allen!" Pasalamat nya sa binata pero nakangiti lang ito at kinindatan sya.

Shit! Bakit para syang nalusaw lalo na nung sinabayan nang panunukso ng mga pinsan.

Pagbaling nya sa gawi nila Lester ay inis na binalingan nito si Angeline na nagulat nang humarap rito ang binata.
Parang ang saya saya nila at may ibinubulong pa rito si Lester.

"Bagay na bagay talaga kayong dalawa ni Allen Bella." Kinikilig na sabi ni Mikaella. "Maiba ako.. sino ba yun bisita kanina ni Lolo?"

Napakibit sya ng balikat kasi hindi nya talaga kilala pero si Rosette ang sumagot.

"Alam ko panganay na anak ni Lolo yun si Tita Rosa, abogada raw yun sa gobyerno nagtatrabaho."

Napatango nalang sya.
Pero si Mikaella ang nagtanong ng mga bagay na gusto nya sana itanong.

"Bakit hindi natin sya kilala saka si Lolo parang galit sa kanya?" Usisa nito.

Bumulong si Rosette sa kanila ni Mikaella.
"Ang sabi ni Mommy sumuway daw sa utos ni Lolo si Tita Rosa kaya galit si Lolo.. tapos sakit ng ulo sa The Forbes."

"Ano pinagbubulungan nyo dyan?" Sigaw ni Darren at sabay sabay silang napatili nung tumalon ito sa gawi nila.

"Bwusit ka chicks!" Tili nya habang inuubo dahil nakainom sya ng tubig kaya bumaliktad ang sikmura nya.

Para syang masusuka.

Nakita nyang nakatingin lang si Lester pero si Allen ay agad syang sinaklolohan habang may hawak pa itong drinks.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon