Forbes 21

52 0 0
                                    

Hinintay nila bumalik si Rogue pero ilang minuto ang lumipas nakita nila itong nagmamadaling maglakad papunta sa kwarto nito na umiiyak.
Nagtakbuhan sila palapit dito at nagtagpo sila sa pintuan ng kwarto nito.

"Ate bakit?" Tanong ni Rosette nang makapasok na sila sa kwarto nito.
Naupo ito sa kama nito at napahawak sa sentido.

"May nagsabi kay Lolo na buntis ako at balak namin magpakasal ni Anton!" Umiiyak na kwento ni Rogue.

Nagkatinginan silang tatlo na nagtataka.

"Hindi ako." Maagap na sagot ni Mikaella

"Mas lalo naman ako?" Si Rosette.

"Hindi ko naman magagawa na traydurin kayo." Pameywang ni Ramon.

Nagpatuloy sa pag iyak si Rogue.
"Si Angeline ang nagsabi. Kasi andun si Tita Josefina at tinatanong nya ko kung tuloy ang kasal namin ni Anton. Galit na galit si Lolo at sinabi nyang ipalaglag ko yun ipinagbubuntis ko."

Yumakap ito sa katabing si Mikaella na nanlaki ang mga mata sa narinig.
Halos sabay sabay ang naging reaksyon nila nang marinig ang sinabi nito at napa-what? Sila.

"Hindi tama yan. Bata yan Rogue." Paalala ni Mikaella habang hinihimas ang likod nito para mahimasmasan.

"Anong sabi mo kay Lolo?" Tanong naman ni Ramon na halata na ang galit.

Nagpatuloy sa pagluha si Rogue habang nagsasalita.
"Ang sabi ko aalis nalang ako kung hindi nya ako matatanggap dito sa bahay at ang magiging apo nya."

Natahimik ang tatlo at muli na naman naiyak si Rosette.

"Ano ba naman yan? Lahat nalang kayo umalis." Maktol nito na parang paslit. "Napakadaldal naman kasi ng isang yon. Sinasadya nya bang paalisin tayo isa isa?"

Nung una si Rosenda.
Pangalawa si Bella.
Ngayon naman si Rogue.
Sino kaya ang susunod?

Sigaw ng isip ni Rosette at inis syang tumalikod para lumabas.
Nagtaka ang mga pinsan nya na sinundan sya.

"Rosette, saan ka pupunta?" Sigaw ni Ramon.

Pinuntahan nito si Angeline na nasa sala at kasama sila Darren at Lester na napatingin sa kanya.

Napahawak sya sa wheelchair nito.
"Ipapasyal ko lang ang pinsan ko." Ngiti nya sa dalawa na tumango.

Itinulak nya ito papuntang pool sa likod.
Walang tao doon.
Ang balak nya ay kakausapin lang ito ng masinsinan kaso hindi nya maitulak ang wheelchair pataas at baka tumilapon ito sa pool.

pero nagsalita ito.

"Ate Rosette baka malaglag ako sa pool." Tawa nito.

Napaawang ang labi nya at umupo sa harap nito. Napansin nya ang paglipat ng mata nito sa kanya tapos ay muling umiwas ng tingin.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum