Forbes 38

51 0 0
                                    

Hinatid sya ni Allen sa kwarto nya kasi nahihilo na naman sya.
Nagpaalam kasi yun dalawa sa kanya na magbibihis muna

"Okay kana?" Alala nito.

Tumango sya.
"Salamat Allen, I can take care of myself na." Matamlay nyang sabi rito.
Hindi kasi sya makapaniwala na kahit sa simpleng bagay hindi maipakita ni Lester sa kanya na mahalaga sya.
Mas nakipag usap pa nga ito kay Angeline habang inuubo sya.

"Tawagan mo kami if you're still not okay ahh." Bilin nito.

Tumango nalang sya bilang pagtugon.
Parang ayaw pa nga umalis nito kung hindi pa nya isinara ang pinto.

Napasandal sya sa pinto.
Sobrang disappointed sya kay Lester.
Nang may kumatok na naman kaya nakangiting binuksan nya ang pinto.
"Allen, Oo na nga..."

Sabi nya pero ang mga nang iinis na mukha ng mga pinsan na sila Mikaella at Rosette ang nakita nya.

"Naks. Allen daw...inlove na talaga ang pinsan ko." simula ni Rosette na tumatawa.

"Okay na yun no? Kumpara mo naman kay Lester? Mas boto ako kay Allen." Agad na kontra ni Mikaella sabay higa sa kama nya. "Kaya pala nung umalis ka noon hindi tumigil kakahanap sayo."

Napakunot ng noo si Bella sa mga sinabi ni Mikaella.

"Sino? Si Allen?" Taka nyang tanong.

"Oo cous.. yun Allen mo." Kinikilig na hirit ni Rosette. "Sya pa nga yun unang nakaalam kung nasaan ka. Kinausap nya pa yun director ng school kasi ninong nya yon na tulungan ka. Hindi ba nya nasabi sayo?"

Napailing sya sa tanong ni Rosette.
Kasi hindi naman nya talaga alam.

"So hindi mo rin alam na andun sya nung pageant night mo?" Tanong ni Mikaella.

Muli syang umiling. Kasi ang pagkakaalam nya, si Lester ang nandun.
Nanginig ang tuhod nya.
Parang may mali?

Nakatingin sa kanya ang dalawa. Kasi parang wala sya sa sarili.

"Okay ka lang?" Si Rosette.

Napatango sya.

Ayaw nyang mahalata ng mga pinsan na may problema sya.
Pero bakit hinayaan ni Allen maging hero si Lester sa paningin nya?

"Alam mo si Allen feeling ko dati ka pa nya gusto. Nanahimik lang kasi alam nyang si Lester ang gusto mo pero buti nalang naliwanagan ka na kung kanino ka dapat nahuhulog. Doon dapat sa marunong sumapo gaya ni Allen." Sabi ni Mikaella at kinindatan sya. "Buti nalang talaga nauntog na to!" Siko sa kanya ni Mikaella habang tumatawa.

Natawa na rin si Rosette. Pinilit nya ngumiti
Pero alam nyang kailangan nya makausap si Allen.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Where stories live. Discover now