Forbes 39

52 0 0
                                    

"Andito ka lang pala? Dumaan ako sa room mo kanina wala ka."
Masayang sabi ni Allen nang maabutan sya nitong nagpapahangin sa Garden cave.
Dito nya pinili magpunta dahil alam nyang walang pupunta rito dahil malayo sa Hacienda. "Bella, okay ka na ba?"

Pinahid ni Bella ang mga luha na pumapatak sa kanya pero huli na.
Nakita na sya ni Allen.
Nagtaka itong nakatingin sa kanya

Mapaklang napangiti sya.
Napatingin sya sa di kalayuan.
"Paano mo nalaman na nandito ako?"

Nakita nya sa gilid ng mga mata nya na dahan dahan lumapit si Allen sa tabi nya at hindi inaalis ang tingin.

"Kasi alam ko na ito yun lugar na hindi nila pinupuntahan at yon yun gusto mo. yun hindi ka mahahanap.." Sabi nito. "Nung bata palang tayo palagi mo na yun ginagawa kaya nga hindi ka nila nakikita." Tawa pa nitong paalala sa kanya.

Alam nyang pinipilit lang nito pakalmahin ang sitwasyon ng hindi sya tinatanong kung bakit sya umiiyak or kung ano ang problema nya?
Hindi ito palatanong.
Kasi papangitiin lang sya nito.

Napayakap sya sa sarili dahil malamig sa paligid.
Gabi na rin kasi.
Hindi na nya napinigilan pa ang sarili nung pumatak ng sunod sunod ang mga luha nya.

"Bakit Allen?"

"Anong bakit?" Nagtataka nitong tanong sa kanya.

Napalunok sya.
"Bakit lagi mo akong nahahanap?"

Bigla itong natawa. "Kasi gusto ko.."

"Bakit mo gusto?"

"Kasi mahalaga ka sakin." Maagap nitong sagot.
Nakakunot ang noo sa kanya.
Siguro dahil ang dami nyang tanong.

Humarap sya dito at wala syang paki kung anuman ang isipin nito.
"Kung mahalaga ako? Bakit hinayaan mo na mahulog ako sa kanya. Bakit hinayaan mo na isipin ko na sya yun nandyan nung mga panahon na down ako pero ikaw pala all this time?" Hampas nya sa dibdib nito.

Hindi ito nakakibo at hinawakan sya sa mga kamay para pigilan ang bawat hampas nya.

"Bella.."

"Bakit Allen?.." patuloy ang pag iyak nya. "You know what, iniisip ko kung may nararamdaman pa ko kay Lester?" tanong nya at umiiyak na napasubsob sa dibdib ng binata.

"Sorry Bella.. pero mahal ka naman ni Lester.." sabi nito sa kanya.

Hindi sya makapaniwala sa narinig sa kaibigan. At napaatras sya ng bahagya.

"Mahal lang nya ako pero hindi ako mahalaga! Magkaiba yun Allen.. kasi kung talagang mahal nya ko? Mauuna ko maramdaman na mahalaga ako."

Napansin nyang hindi kumibo ang binata.
Nag iba ito ng tingin.
Kung wala itong sasabihin?
Wala syang dahilan para magstay.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon