Forbes 11

59 0 0
                                    

"Lolo kailangan po ako ng mga anak ko.."

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ang narinig nila ni Allen.

"Rosenda.. you know the rules of this family. Mamili ka.. pipiliin mo ang mga anak mo? Or pipiliin mo ang pamilya mo."

Narinig nyang sigaw ng lolo nya na kinakausap ang pinsan nyang si Ate Rosenda.
Napatutop siya ng bibig na napatingin sa nagulat rin na si Allen.

May anak na ang pinsan?
Ilan?
At kailan?
Kaya ba matagal itong nawala?
Kaya pala pagbalik nito ay tahimik na ito at hindi na ganun kasaya.
Kasi hindi nito nakakasama ang mga anak nito.

"Sorry lolo pero kailangan po ako ng mga anak ko." Narinig nyang sabi ni ate Rosenda at nagpaalam na.

Agad silang nagtago ni Allen sa kwarto nya para hindi sila makita ni ate Rosenda.
Hindi sila nakakibo pareho.
Hindi nila alam kung anong sasabihin sa natuklasan tungkol kay ate Rosenda.
Alam na rin kaya ito ng mga pinsan nya?

Ilang minuto rin silang hindi nag iimikan at nang masiguro nilang wala ng tao sa hallway ay lumabas na sila sa pinto.

Humarap si Allen sa kanya bago ito umalis.

"Wag na tayo mangialam. Baka magalit pa yun lolo mo kapag nalaman nyan may alam na tayo."

Sa wakas ay salita ni Allen kaya napatingin sya rito.
So ibig ba sabihin ng kaibigan ay ililihim nila?
Kung tutuusin ay hindi naman madaldal si Allen kaya alam nyang hindi ito makakalabas.

"Hindi ko rin ba sasabihin kay ate na alam ko na?" Tanong nya.

Umiling si Allen.
Hindi naman na kasi kailangan kasi problema ni Rosenda yun at hindi sya makakatulong kung malalaman nito na may alam na sila sa buhay nito.
Nagpaalam na ang binata sa kanya at hinatid nya ito ng mata palayo hanggang sa mawala na ito sa paningin nya.

Napabuntong hininga sya.

Ang hirap pala kapag may nalaman ka na lihim.
Ang bigat sa dibdib.

"Anong ginawa ni Allen sa kwarto mo?"

Si Angeline. Nakangiti ito.

Naalangan siya.
"Hinatid nya ko."

"Ganun katagal?" Duda nito.

Hindi nalang sya kumibo.
Wala naman sya kailangan ipaliwanag.

"Magpapahinga na ko." Sagot nalang nya rito at tumalikod na pero pinigil nito ang braso nya.

"Ate Bella alam mo naman bawal yun ginawa mo." Sita nito.

Naningkit ang mata nya sa sinabi nito kaya humarap sya rito.

"Ano bang ginawa ko? Masama yun pakiramdam ko kaya nya ko hinatid!" Medyo tumaas ang tono ng boses nya kaya natameme ito.
Yumuko ito at humingi ng paumanhin saka nagpaalam.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Where stories live. Discover now