Forbes 56

57 0 0
                                    

"Where is Allen?" Tanong ni Don Gab nang pumunta ito ng The Forbes kaya nagulantang ang nagmemeeting na sila Ramon, Rosenda, Mikaela, Rosette at Rogue.

Naka emergency meeting kasi sila dahil naapektuhan ang lahat ng department na hawak nila dahil sa kapabayaan ni Lester.

Nang magkibit balikat sila ay galit at muli itong nagsalita sa kanila.

"Find him immediately. Dun man lang magkaroon kayo ng silbi sakin." Malamig nitong utos.

Halos masaktan ang lahat sa narinig kaya si Ramon ang hindi nakatiis na sumagot sa matanda.

"Departamental floor po ito lolo. Never po mapupunta sila Lester, Angeline at Allen dito kasi nilagay mo po sila sa Upper position. Kami na ibang mga apo mo lang yun dito sa ibaba. Kasi hindi kami magagaling diba?"
Himutok nya dahil ngayon lang naman sila pinuntahan nito sa tinagal tagal nilang nagsisilbi rito.

Sa ilang taon na walang naging problema sa kanya kanya nilang department.
Ngayon lang dahil two weeks na walang nagpapatakbo ng negosyo.
Nakapending lahat ng trabaho nila.

"Kuya Ramon wala naman ganun." Ang tila tinamaan na sabi ni Angeline.

"Okay lang Angeline. Tanggap naman namin. Masaya kami kung saan kami ngayon." Sabi ni Rosenda.

"Atleast tinanggap kami ni Lolo na magkakasama. Pero sana tanggapin din nya yun mga kaya namin gawin." Si Rogue.

"Tama na yan." Awat ni Mikaela sa kanila. Habang tahimik lang si Rosette na naiiyak.

"You all expecting to manage The Forbes? Para kayong mga iyaking paslit." Inis pang singhal nito sa kanila.

Tumayo si Ramon na galit na galit.
"Bakit Lolo? Si Bella matalino naman ahh. Matapang. Minsan ba naisip mo sya pagkatiwalaan?" Sumbat nito. "Lahat kami kaya namin pero ginawa mo lang kami taga supporta sa mga paborito mo? Ngayon hinahanap mo si Allen? Kasi gusto mo ipakasal sya kay Angeline para matabunan na naman ang problema ng pamilya at kumpanya?"

"Kuya Ramon sumusobra ka na." Galit na sigaw ni Angeline.

"Ikaw ang sumosobra na! Bakit? Anong meron sayo at andito ka pa? Mas mabigat nga ginawa mo e. Sinira mo si Bella noon kaya sya napalayas. Kaya nasira ang imahe nya sa lahat ng tao sa The Forbes. Pati sa Hacienda." Namumula na sa galit si Ramon na gusto na sugurin si Angeline.
Lahat sila nag iiyakan na.

"Lahat kami sinira mo kay Lolo. Pero Lolo bakit parang nagbubulag bulagan ka parin?" Sa wakas ay nagsalita si Rosette na never nito ginawa.
Kasi mahal nito ang lolo nila. "Lolo bakit si Angeline lang ang mabait at magaling sa paningin mo?"

Hindi makapagsalita ang matanda sa panunumbat ni Rosette.
Napawi ang galit na mukha nito at nag iwas ng tingin.
Tumalikod ito at dahan dahan lumabas ng kwarto.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz