Forbes 53

61 0 0
                                    

Galit na galit si Don Gab nang maabutan si Lester na lasing na lasing na nakaupo sa minibar at panay ang salin ng alak sa baso nito.

"What are you doing Lester Charles? Hindi kita pinalaki para maging irresponsable. Pinababayaan mo na ang The Forbes." Galit na sita nito at umiwas ng tingin. "I shouldn't invested on you."

Imbes na magalit ay nagpatuloy ito sa pagsimsim ng alak nito.
Mukhang marami na iting nainom.

"Sana nga Don Gab hindi ka sakin nag invest. Kasi dahil sa pangarap ko na masundan ang yapak mo? Nawala sakin yun babaeng mahal ko. Sana kay Allen nalang kayo nag invest. Sana masaya ako ngayon." Sagot nitong pabalang.

"Lester.. tama na yan!" Awat ni Angeline.

"No Angeline. I'm tired of following the rules." Baling nito sa dalaga. "I'm tired of forgetting what I want at unahin ang The Forbes."

Galit na hinampas ng matanda ang lamesa.
"Kung hindi mo gusto hiwalayan si Charie you should have told me. I will not force you to do so!"

Para itong leon na gustong sumalakay sa lasing na si Lester.

But suddendly, he cried. Lester is crying na Nanunumbat ang mga mata na nakatitig sa matanda.

"Akala ko noon.. kapag okay na yun The Forbes pwede ko na sundin yun puso ko. Nasasaktan ako kapag ibang lalaki ang kasama ng mahal ko. Na ibang lalaki ang nag aalaga sa kanya kasi hindi ko sya pwede lapitan. Mahalin at lambingin sa publiko. Hindi ko rin pwede iparamdam sa kanya na mapanatag sya na kami lang hanggang sa huli kasi kapag ginawa ko yun aasa sya sakin at masasaktan lang din dahil pilit nyo ako inilalapit sa iba. Sinabi ko na sa inyo na wala na akong nararamdaman kay Charie dahil si Bella ang gusto ko mapang asawa pero anong ginawa nyo? Pinilit nyo ko ipakasal kaya sobra kong nasaktan ang babaeng mahal ko. Ngayon ayaw na nyang makapasok ako sa puso nya. Kasi wala na ako pinagkaiba sa inyo. Na sinasaktan sya."

Galit na galit nitong rebelasyon at ibinato nito ang hawak na baso na tumama sa mga babasagin na wine glass at brandy..

"Lester!" Babalang sigaw ni Don Gab.

Napatili naman si Angeline.

"What?" Sigaw ni Lester.
ilang segundo pa tumama sa ulo nito ang mga nagbounceback na mga piraso ng bubog na binato nitong baso saka ito nabagsakan ng iba pang mga bote ng alak.
Bumagsak ito sa sahig at nawalan ng ulirat.

Sumaklolo rito ang natatarantang si Angeline katulong ang mga maids na lumapit.

Napabuntong hininga ang matanda at sinabing hanapin kung nasaan si Bella bago tumalikod.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Where stories live. Discover now