Forbes 9

64 0 0
                                    

"Good morning!"

Narinig nyang bati sa kanya paglapit nya sa hapag kinabukasan.
Hindi sya pwede magkamali.
Kilala nya ang boses na yon.

Napalunok si Bella nang makita ang kasosyo ng lolo nya na si Tito Renald.
Nakakatakot kasi ito kahit palabiro.
Matapang kung magsalita at may pagka green magjoke.

At naiilang sya rito.

"Morning po tito Renald." Bati nya rito at nagmano pero nakangisi ito at nakatingin sa dibdib nya.

"Ang laki mo na ahh." Sambit nito sabay nilipat ang paningin sa kanya.

Ngumiti nalang sya at itinaas ang suot na zipper ng jacket nya hanggang leeg kaya napakunot ito ng noo sa kanya na parang nagtatanong kung bakit nya isinara yun jacket.

Ngumiti nalang sya ng pilit.

"Ang lamig po kasi.." palusot nya sabay binalingan ang lolo nya nang hindi na makatiis sa presensya nito. "Magjogging lang po ako sa labas."

Tumanggo ang lolo.

"Inaanak.. hindi ka ba magbreakfast muna?" Tanong ni Ninang Johanne na katabi ang mga pamangkin.
Nakatitig sa kanya si Lester.

Naalala nya yun kagabi. Yun naghalikan sila sa bermuda grass kaya namula ang pisngi nya na nakaiwas ang tingin sa binata.
Ngumiti sya sa Ninang nya.

Si Tita Eva nya ang sumagot rito.

"Ganyan ang batang yan Johanne. Hindi yan nag aalmusal at mahiyain yan kapag maraming tao dito." Paliwanag nito.

Bago pa maalala ni Tita Eva na maputik sya kagabi. Nagpaalam na sya sa lahat at isinuot ang headset nya.
Sa buong hallway lang naman sya ng hacienda tatakbo after nun tapos na.
Babalik na sya sa kwarto at mag aayos sa sarili.

Hindi pa sya naka-ten minutes sa labas nang makita nyang nasa tabi nya si Tito Renald.
Tinanggal nya ang headset nya.

Nakangisi ito.

"Tito bakit po?" Nagtataka nyang tanong.

Napatikhim ito.

"Nakakalaki talaga ng dibdib ang pagjogging." Sabi nito na nakatingin na naman sa dibdib nya at palapit na sa kanya. "Balita ko mahilig ka rin magswimming? Nako.. baka sa susunod magpasisid ka na." Biro nito.

Kinilabutan sya sa pinagsasabi nito at hindi nya malaman kung aatras sya or kung ano ba ang gagawin?
dahil nanginginig na ang katawan nya sa sobrang takot.

Totoo!

Mukhang rapist ito at hindi na nya alam kung paano magdadahilan na aalis sya dahil baka magalit ito sa kanya..
Nang may umakbay sa kanya.

Saved by the bell.

Napalingon sya sa bagong dating na itinuring nyang savior nya ng mga sandaling yon.

Superman in real life.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Where stories live. Discover now