Forbes 29

51 0 0
                                    

Hindi nya alam kung bakit sya minamadali umuwi.
Hindi naman sya doktor.
Hindi nya magagamot ang lolo nya.
Alam nyang kailangan puntahan nya ito dahil lolo nya parin ito inabandona man sya nito kahit na alam naman nito na ulila na sya.

Kasi hindi sya katulad ng mga pinsan nya na may mga magulang pa.
Oo, wala na sila Tita Normie at Tita Annie na mommy nila ate Rosenda at Rogue pero may ama ang mga ito na nakakasama lalo na nung mga panahong umalis ang mga ito sa hacienda.
Si Tita Arlyn na mommy ni Ramon.
Si Tita Gina na mommy ni Rosette kahit palaging busy.
Si Tita Eva na mommy ni Mikaella.
At si Tita Josefina na mommy ni Angeline.
Pero sya?
Wala.
Paggising nalang nya isang araw nakatira sya sa Malaking Hacienda.
Inaruga ni Tita Gina at ng iba pa nyang tyahin.
May mga pinsan at Lolo.
May mga tradisyon na kinagisnan.
Lahat ng pangangailangan ay andun na pero sa isang pagkakamali hinusgahan sya ng lahat na para syang kriminal.
Inabandona. Pinabayaan.
Tapos ngayon babalik ulit sya sa lugar kung saan sya nasaktan? Kung saan sya nawasak?
Kung kailan buong buo na sya?

Pero wala naman sya magagawa..
Kasi pamilya nya ang mga ito at alam naman nyang kahit paano ay mahal sya ng mga pinsan nya.
Wala syang choice kundi magbalik kahit alam nyang makikita nya muli si Lester doon.
Yun lalaking alam nya na hindi sya kayang panindigan.

Napatingin sya sa labas ng bintana habang dahan dahan bumababa ang eroplano.
"Miss Bella, kindly wear this mask so that they will not recognize you. There so many fans out there waiting."

Ngumiti sya sa PA nyang si Hannah na isang Pilipina.
"I'm here because of them. I will never forget what they did for me. Besides..." Sabi nya sabay kinuha ang mask at isinuot kay Hannah. "Hindi naman siguro ganun karami yun mga fans na sinasabi mo? Kasi wala naman may alam na uuwi ako ng Pilipinas." Kindat nya kaya natatawang napailing si Hannah na nakapameywang sa kanya.

"Akala nyo lang po yun na hindi marami." Ngisi nito kaya napakunot sya ng noo.
Pagbaba nya saka palang nya naintindihan ang ibig nitong sabihin.
Hindi sila makalakad sa dami ng mga fans na gusto magpapicture at magpa-autograph.

Pero niyakap nya ang sandali.
Gaya ng mga na ibinigay sa kanya.
Kasi hindi lahat nabibigyan ng pag asa.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Where stories live. Discover now