Forbes 31

47 0 0
                                    

"Hi Bella!"
Si Allen.. ang laki ng ipinagbago nito.
Ang ganda ng katawan nya. Muscled man at gaya noon? Sobrang linis nya parin tignan.

Gwapo.

Hindi nya alam kung bakit parang namula ang pisngi nya nung hindi nito inalis ang pagkakangiti nito sa kanya.
hindi rin sya agad nakapagsalita para batiin si Allen kasi nandoon ang Lolo nya na nakasakay sa wheelchair tulak ni Angeline na nagulat nang makita sya.

Nagulat din sya na nandun parin ang traydor nyang pinsan.
Napatingin sya sa Lolo nya na hindi nya makuhang batiin dahil hindi mahalata sa mukha nito na namiss sya.
Parang utang na loob pa nya ang pagbalik nya.
Nagkaroon din ng katahimikan ang lahat. Walang gusto magsalita.

Gusto nya sana itanong kung bakit andun pa si Angeline pero halata naman na paborito ito ng Lolo nya.
Kasi mabait daw ito at tahimik.

Pwe.

Ismid nya.

"Malapit na matapos linisin ang kwarto mo. Magpahinga ka na kasi marami tayong pag uusapan." Sabi ng Lolo nya na parang wala lang dito yun ginawa nito noon.

Yun inabandona sya. Hinusgahan.

Bumalik ang poot sa dibdib nya.

"You can say it right now. Because I don't want to live here anymore." Diretsa nyang sagot dito. "In fact, I don't want to stay here any longer." Tahas nya talagang sinabi ang nararamdaman.

Hindi na nya ito kayang tawagin Lolo.

Siniko sya ni Rosette. "Cous.. kakalabas lang ni Lolo sa ospital." Bulong nito sa kanya kaya inis syang nanahimik.
Wala rin naman kasi syang choice.

Ilang minuto pa. Nagsalita ang lolo nya.
"Fine! Kung yan ang gusto mo." Hirit ng Lolo nya na nilingon pa sya. "You"ll marry Lester after his divorce para may katuwang sya sa pagpapalakad sa The Forbes."

Napatingin sya sa binata na gusto ngumiti sa kanya pero pinipigil lang nito.
Nanukso ang mga tiyahin nya at mga pinsan.
Kasi alam ng lahat kung gaano nya kagusto si Lester.

Noon.

Ngumisi sya at nilingon ang Lolo nya.

"I can work harder in your company but marrying him? Never."

Tila nagulat ang lahat sa sinabi nya. Hindi makapaniwala ang lahat na tumanggi sya.

"Bakit? May boyfriend ka na ba inaanak?" Si Tita Johanne.
Ito agad ang unang nagreact kasi pamangkin nito si Lester.

Ngumisi sya kay Lester na hindi mapakali.
So wala talagang alam ang lahat sa nangyari sa kanila.

"No Ninang.." sagot nya saka hinila si Allen na malapit sa kanya. "But I like Allen more than Lester na nagfailed sa unang marriage nya."

Napatutop ang lahat sa sinabi nya.
Lahat ay nagulat.
Kasi hindi sila makapaniwala pati yun reaksyon ng mukha ni Angeline.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin