Forbes 2

153 2 0
                                    

"Good morning po Don Gab!"

Halos sabay sabay napalingon sa mga bagong dating ang magpipinsan.
Si Miss Johanne Enriquez at ang dalawa nitong kasama na si Lester Charles at Allen Francis na magpinsan.

Si Lester ang nakatakdang mapang asawa ng isa sa magpipinsan at si Allen yun mas bata.
Ang angkan nila ang tumulong kay Don Gab palaguin ang The Forbes.

Feastday week ngayon sa hacienda!
Every month of December magkakasama ang buong pamilya at ang matatandang kasosyo sa negosyo ng The Forbes Hotels and Malls para sa isang social gathering.
Magbonding.
Gumawa ng activity.
At maging good samaritan through preparing groceries para ipamahagi sa less fortunate.

Although sila ang may pinakamaking share sa kumpanya.
Sinisigurado naman ni Don Gabriel ang karapatan ng mga kasosyo nya sa negosyo.
Pero iba din kasi ang ugali ng Don. Mabagsik.
Kaya takot ang lahat sa kanya.
Lalo na ang mga anak at apo nya.

"Miss Johanne, Lester and Allen.. sitdown. Do join us." Seryosong alok ni Don Gabriel.

"Thanks po Don Gab." Nakangiting pasalamat ni Miss Johanne at binati ang mga magpipinsan.

Nakangising siniko ni Mikaella si Angeline na namumula ang mukha.

"Kinikilig ka na naman kay Allen." Kindat nito sabay turo sa binatilyo na nakangiti sa kanila.

Pinigilan nito tumawa.
"Ate Mika napakalakas mo mang asar!" Sabi nito kay Mikaella na nag aalalang baka marinig sila ni Don Gabriel.

Dinugtungan pa ito ni Ramoncito na nanukso rin.
"Mamaya ka na tumili pagkatapos magbreakfast kasi lagot ka kay Lolo kapag di ka nakapagpigil."

Napasimangot si Angeline nung mag apir pa ang dalawa na tumawa ng mahina.
Pinagtutulungan sya ng mga ito.

Napalingon sa kanila ang Don.

"Anong meron dyan?"
Sabay sabay silang hindi umimik.
Nang magtanong si Allen kay Don Gabriel.
"Don Gab.. asan po si Bella?"

Hindi nakakibo ang Don na napakibit nalang ng balikat habang ngumisi si Rosette kay Angeline sabay sabi ng 'OUCH' pero walang sounds.

Hindi ito kumibo ang huli sa ginawa ng pinsan nyang si Rosette at nag iba nalang ng tingin.

Maya maya ay humahangos na dumating si Bella habang may suot itong headset sa ulo at masayang bumati sa kanila na akala mo artista.

"Hello everyone?" Ngiti nito at nakangiting bumati kay Miss Johanne. "Hi ninang!" Pagkatapos ay kinawayan nito si Allen.

"Kamusta?" Nakangiting bati ng huli.

"Still Goddess and Legend." Sabay kindat kaya natawa si Allen.
Naupo ito sa pagitan nila Rogue at Ramoncito na pwesto nito.
Napapailing nalang sa kanya ang mga pinsan habang nakangiti.

"Isa ka talagang alamat." Bulong ng nakangiting si Ramoncito.

Napangisi si Bella at tinapik si Ramoncito.

"Thank you. I know."

Napapailing naman si Don Gabriel.
"Remove your gadget before we start Isabella Marie."

Napakibit ito ng balikat at sinunod ang Don.
Lahat nalang kasi ng bawal ay ginagawa nito.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Where stories live. Discover now