Forbes 16

54 0 0
                                    

Bakit ayaw nila ko paniwalaan?
Wala akong ginawa.
Lahat sila kung tignan ako parang ang laki ng nagawa kong kasalanan.

Parang may napatay ako.

Mariin syang napapikit pero paulit ulit bumabalik sa isip nya yun mga sinabi sa kanya kagabi ng lolo nya.

Naghintay siya magkamalay si Angeline.
Hindi ito makakita. Hindi rin nito maigalaw ang mga paa.
Hindi ito makalakad.

Parang bumagsak sa kanya ang langit at lupa nang sugurin sya ng mommy ni Angeline.
Galit na galit ang Tita Josefina nya na hindi nalang nagsalita.
Basta sinampal lang sya nito.

Pagkatapos ay pumagitna ang Lolo nya.

"I know how stubborn your attitude Isabella Marie pero hindi ko inaasahan na gagawin mo to sa pinsan mo!" Sigaw ng lolo nya sa kanya na galit na galit. "You are disgrace to this family."

Hindi sya nakaimik.
Tahimik lang sya na umiiyak sa isang sulok at walang lumalapit sa kanya.
Alam nyang kung sino man ang lalapit sa kanya ay siguradong madadamay.

Ayaw nya tumingin sa lahat.
Kasi nakatingin na sila sa kanya.
Parang kriminal.

Ano bang nagawa nya sa pinsan nya?
Napakasama nya.

At ngayon maghapon syang nasa kwarto.
Ihahatid lang ang pagkain sa kanya tapos kukunin pagkatapos.
Pero hindi sya kumakain.
Pinapatay na nya ang sarili nya dahil ang sama nyang tao.
Ang sama nyang pinsan.. kay Angeline pa na parang bunso na nyang kapatid.

Sumilip sya sa bintana.

Nakita nyang nasa garden ang lahat habang kasama ni Lester at Allen ang naka-wheelchair na si Angeline.
Bawal sya gumamit ng gadgets at lumabas.
Sana ipinagbawal na rin na mabuhay sya.

Itong araw ang last day ng Feast kung saan meron formal dinner ang pamilya.
Maliban sa kanya.
Kasi kriminal ang turing sa kanya.
Mamaya magkakaroon ng fireworks display bilang pasalamat sa prosperous business ng Forbes.

Napatingin sya sa kulay pink nyang gown na nakasabit sa closet.
Hindi naman nya ito magagamit kasi pinagbawalan sya.
Muli syang bumalik sa kama padapa at hindi nya namalayan ang pagtulo ng luha nya.

Hindi talaga nya maalala kung paano nangyari yon kay Angeline?
Tinampal tampal nya ang noo nya.
Ayaw talaga..
Wala syang maalala.
Saka sya sumubsob ng iyak.

Nang may kumatok sa pinto at paglingon nya may maliit na notes na pumasok sa ilalim ng pinto.

Nilapitan nya ito at binasa ang nakasulat.

Get ready for tonight!

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Where stories live. Discover now