Forbes 65

59 0 0
                                    

"Angeline?" Pagulat na tanong ni Lester.

"Selfish ka Bella.." sabi nito habang dahan dahan naglalakad papasok sa loob.

Tila uminit ang pisngi ni Bella sa sinabi nito pero nagpigil sya.

"You both get out of my unit before I call the guards." She said but she already pressed the botton on her watch to call the attention of her bouncers na nagpapahinga sa mga rooms nito.

Sinabihan nya kasi ang mga ito na magpapahinga at tatawag nalang sya in case of emergency.

"Go on and call them. Tutal.. ikaw naman talaga ang may ari nitong building, diba?"

"I'm not competing with you all. Kung gusto nyo ng The Forbes.. fine! Isaksak nyo sa baga nyo!" Galit nyang sabi rito.

"I taught matalino ka Bella? Bakit hindi ka nagtaka kung saan ka galing? Kung sino mga magulang mo?" Ngisi ni Angeline.

"Shut up Angeline." Asik nya rito.

She doesn't need to know.

Okay na yun mga nalalaman nya.
Wala syang ina.
Ang daddy nya ay isang Forbes na namatay na. kaya nga wala syang middle name.
Si Tita Gina ang nag alaga sa kanya at iba nyang tita.
That's that!

"Lolo is dead this morning.."
Balita nito.
Doon sya nagulat at nagsimulang makaramdam ng lungkot.

After all. Lolo nya parin yon.
Yun lolo na sinasama sya noon sa work nito kaya nagustuhan nya ang The Forbes.
Yun lolo na nagpaganda ng Hacienda kaya mahal nya ang hacienda.

"Where is lolo?" Malungkot nyang tanong.

"He told tita Eva to surrender The Forbes to Mrs. Rosabella and take care of you. All of them agreed to Lolo kasi yun ang last will nya." Simula nito. "Lahat na nasayo. Anong meron ka?" Umiiyak na sigaw nito sa kanya.

Napalunok sya.
Pakiramdam nya ay may malaking galit sa kanya si Angeline na matagal na nito kinikimkim.
Nakakalungkot lang dahil dati ay malapit sila nito at tila hindi ito nagsisi sa mga nagawa sa kanya.
Hindi nya gusto makipagsumbatan dito kaya iba ang sinabi nya.

"I want to see him." Sabi nya rito at hindi nalang pinansin ang mga sinabi nito.

Napalitan ng takot ang lungkot nya nang makitang may hawak na baril si Angeline at nakatutok sa kanya.

"Angeline. Stop that!" Pigil ni Lester dito at nag agawan ang dalawa.
Saktong dumating ang mga bouncers nya.
Kasunod ang pagputok ng baril.

Napatutop ng bibig si Bella habang unti unting bumagsak sa sahig ang katawan nya katapat ang duguang katawan ni Lester na naunang bumagsak sa sahig.

Imbes na tulungan sila ay nagtatakbo si Angeline palabas ng unit nya.
Pagkatapos ay tuluyan na syang nawalan ng malay.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Where stories live. Discover now