Forbes 24

54 0 0
                                    

Last day sa School for clearance..
Halos lahat nang makasalubong ni Bella ay nagpapapicture sa kanya at nagpapa autograph. Maliit na bagay lang naman gawin yon.
Dati naman nya itong ginagawa ang batiin at kawayan lahat ng bumabati sa kanya kasi nga sikat sya sa school dati pa.
Naidagdag lang ang picture taking at autograph ngayon.

Nakapost na rin sa bawat parte ng campus ang picture nya na nanalo ng pageant at yun pictorial nung nakaraan na ilalagay sa page ng school as new face model.

Hindi nya pa nakikita ang mga pinsan.
Sabagay masyadong malaki ang school para magkita kita sila.

Tapos na sya sa requirements. Pwede na sya magpahinga para sa flight nya mamaya.
Paakyat na sya ng dorm nya nang may humila sa kanya papasok sa kwarto nya.

"I miss you."

Sambit nito at agad lumapat ang mga labi sa kanya.
Hindi ito masyadong nakalapit sa kanya nung pageant dahil sa dami ng nagpapapicture sa kanya kaya ngayon ang higpit ng pagkakayakap nito sa beywang nya na parang ayaw sya bitawan.

"Lester?" Sambit nya sa pangalan nito but he still kissing her na ayaw paawat at isinandal sya sa pader.
She is kissing him back.
And their kiss seems no stopping hanggang sa makarating sila sa kama nya.

Gumapang ang mga kamay ni Lester sa hita nya pataas.
Saka palang sya natauhan.
Hindi dapat mangyari ito.
Kusa syang kumalas sa mga yakap at halik nito na nagtataka na nakatingin sa kanya habang inaayos nya ang sarili.

"Anong problema?" Hinihingal na tanong ng binata na tila nabitin.

Nakangising nilingon nya ito. "Hindi kita asawa. Mas lalong hindi kita boyfriend! Wala nga tayong label. Isa lang akong tatanga tanga na humahabol sayo kahit wala naman ako aasahan." Diretsa nyang sabi rito.

Napahilamos ito ng mukha.
"Isabella Marie.."

Tumayo sya sa kama at binuksan ang pinto.
"Wag mo isipin na dahil gusto kita ngayon ay gusto pa kita bukas or sa susunod na araw. I have dreams, Mr. Charles. At hindi kasama doon ang maging kabit mo in the near future."

Matapang na sabi nya pero ang totoo hindi nya alam kung makakalimutan nya ang binata.
Mahal nya ito.
At mahal din sya nito.
Pero masyado itong kumplikado mahalin.
Kasi hindi nya maramdaman na iniisip nito ang future kasama sya.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Where stories live. Discover now