Forbes 36

47 0 0
                                    

"Wala ka yatang gana gumain Lester?" Puna ni Lola Edna kaya napatingin silang lahat sa binata na nagulat. "May problema ka ba?"

Nasa hapag kasi ang lahat dahil dinner. Pagkatapos ay magkakahiwa hiwalay ulit bukas dahil luluwas para sa mga naiwanang trabaho sa The Forbes.

Sya rin ay luluwas dahil doon naman talaga sya nakastay sa hotel nila. Hindi lang nya talaga matiis ang mga pinsan kaya sya hindi umalis nung isang araw.
Saka gusto rin nya matahimik.
Hindi nya alam kung bakit gusto nya sa lugar na to.

"Is it about your wedding to Isabella Marie?" Tanong ng Lolo nya. "It will happen.."

Napatirik ang mata nya. "Lolo, just to remind you not because I'm here doesn't mean you have the power to control me to decide with my personal life."

Mahinahon pa nyang kontra sa Lolo nya para hindi naman ito mabigla.

Nilingon nya si Lester na nag angat ng ulo.
Alam naman nyang nagkakaganito lang ang binata dahil sa pambibitin nya kanina.
Pero parang may gusto pa itong aminin.

Kinabahan sya.
Baka aaminin nito na may relasyon na sila and sleeping in the same bed.
Hindi pa sya handang magtiwala kay Lester.

Nakakatawa lang kasi ayaw nya magtiwala pero hinayaan nyang may mangyari sa kanilang dalawa.

Wala eh. Mahal nya e.

Maya maya'y nagsalita si Lester..
"Don Gab.. Isabella Marie and I..." simula nito nang..

"Good evening to you all."

Napalingon ang lahat sa pinanggalingan ng tinig.
At napansin ni Bella ang transformation ng mga mukha ng lahat ng tao na nandoon sa pagdating ng isang bisita.
Nagbubulungan.
Muling ibinalik ng Lolo nya ang pokus sa pagkain.

"Anong masamang hangin ang nagbalik sayo rito?" Sabi ng Lolo nya sa babaeng ngayon lamang nya nakita.

Humalik ito sa Lolo nya pero umiwas ang matanda.

"I heard naospital kayo. Kaya dinalaw ko lang kayo and to clarify some issues." Sabi nito pero nakatitig ito sa kanya. "You are Popstar, right?"

Nabigla sya na tanong nito kaya napatango sya.
May nakakakilala pala sa kanya.

"Bella, pumasok kayo ng mga pinsan mo sa kwarto." Natatarantang utos ni Tita Eva.

Gusto sana nya maghimagsik kasi kakasimula palang nila kumain pero mukhang seryoso ang sitwasyon.
Nakatingin sa kanya ang babaeng estranghera kaya ngumiti sya rito.
Ngumiti rin ito.
Mukha itong napakataas na tao.
Halata sa mga kilos nito.
Maganda sya pero matapang ang mukha.
Nakakatakot.

At nagpapasalamat sya sa biglang pagpasok nito. Kasi walang nasabi si Lester sa Lolo nya.

THE FORBES: "Miss Popular Secret Romance."Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt