To Love Again - cHappy seventeen

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa wakas at nasa tapat na kami ng room. Pagpasok namin, biglang tahimik ng atmosphere. Tapos bulungan ulit. Nagkibit-balikat lang ako at umupo na sa harap.

“Hi, Lauren. Kamusta?” bati ni Zaion.

I smile. “Uy, okay lang. Ikaw? Kamusta weekend?”

“Awesome. Pupunta ka ba mamaya?”

Umiling ako. “Hindi eh. May part-time kasi ko. Sa weekend lang ako libre.”

“Sayang naman. Miss ko pa naman ‘yung luto mo.” Nakasimangot niyang sabi.

Natawa lang ako. “Bola. Ayos lang ‘yun. Baka maumay lang kayo sakin.”

“Kay Mara nga hindi kami nauumay eh, sa’yo pa kaya?”

Iiling-iling lang ako nang pumasok ‘yung panibago naming adviser para sa 3rd grading period. Sira-ulo talaga ‘tong si Zai.

--------------

“Naku-naku bestfreng! Muntik ko na talagang masapak! Eto kase pinigilan pa ko eh!” sabay amba niya ng suntok kay Jhay.

“Odi sige! Patulan mo ‘yun! Doble pa sa’yo ‘yung katawan ng taong ‘yun. Ewan ko na lang kung mapipi ka.”

“Grabe ka! Pano mo nagagawang sikmurain ‘yung pinagsasabi nila kay Lau? Eh halos—“

“Siya nga hindi nagpapaka-apekto eh. Ikaw parang ikaw ‘yung nasasabihan ng kung anu-ano.”

“Concern lang naman ako. *pout* Ayoko kasi ng ginaganun si Lauren.”

Natawa na lang ako habang sumusubo ng kanin. “Kung magsalita kayong dalawa parang wala ako dito ah. Alis na ba ko?”

“Bestfreng namaaan. Lumaban ka naman?”

I rolled my eyes. Here we go again. “Hindi ako pumapatol sa mga makikitid ang utak. Wala naman akong paki kahit anong sabihin nila basta wala kong ginagawang masama.”

Tumango-tango si Jhay. “See? Rest assured, babe. Just control your emotions pag nagpaparinig sila. Ok?”

Malungkot na tumango si Mira. “I really hate those kind of people.” Inis pa rin niyang sabi.

Isang linggo ng ganito. Isang linggo na rin akong patay-malisya. Ayokong magpa-apekto kaya hangga’t maaari umiiwas ako at ginagawa kong busy ang sarili ko.

“Oo nga pala, nakalabas na si Nikko?”

“Oo.” Tuwang-tuwa kong sabi. “Nasa bahay siya, dalaw kayo mamaya?”

“Oh my ghad! I miss that! Sige-sige!” excited na sabi ni Mira. Basta talaga overnight... nakew.

“Okay, sunduin ko kayo sa labas pagka-out ko sa work.”

Tumango lang silang dalawa.

Isa pa ‘yan si Nikko. Laking tuwa niya na nakalabas na siya ng ospital. Don’t get me wrong, nakakalabas naman ‘yun kaso minsan kailangan siyang i-confine pag ‘di na talaga kaya.

He has a tumor in his left kidney. Masyadong komplikado kaya hindi siya agad ma-operahan. Nagtetake lang siya ng gamot para mapigilan ‘yung paglaki. Naghahanap din kami ng surgeon na kayang operahan siya. So far, nasa ibang bansa ang tintutukoy naming surgeon. At wala kong pera para makapunta ng ibang bansa. Heller. Poor here yohooo!

Pinayagan siyang tumira sa dorm since kamag-anak ko naman. Pinakiusapan ko lang ‘yung Admin ng school. Buti talaga pumayag. Hindi ko alam kung san patitirahin ‘yung kapatid ko no. Wala kaming kamag-anak dito.

Tumunog ‘yung bell. Hudyat na tapos na ang lunch time. Narinig kong nagsalita si Ash.

“Goodbye everyone! Punta kayong concert namin ah!” then he winked at his fans slash schoolmates.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon