Chapter 47

18.3K 453 29
                                    

ELISA

"You're spacing out. Are you okay?" Tanong sa'kin ni Marco ng mapansin niyang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.

Ipinagtira niya 'talaga ko ng Carbonara at pinilit na pakainin ako. Pero wala ako sa mood. Naiinis pa din ako sa ginawa ni Dominic kanina! At lalo pa 'kong naiinis dahil dito sa Carbonara.

"Hey..." Napatingin na 'ko kay Marco.

"Uuwi ka na?" Wala sa sarili kong tanong.

"'Yan ba ang iniisip mo? Kung uuwi na ba 'ko?" I know it's just a joke kaya napatawa na lang ako.

"Hindi 'no."

"Eh bakit ka tulala? Hindi ka kumakain."

"I'm sorry, wala ako sa mood kumain ngayon."

"Oh, okay. Then save this for Eric." Sabi niya.

"Thank you. I'm sorry."

"It's okay honey."

Nginitian ko siya at uminom ng juice na tinimpla niya.

"Nga pala, nasaan si Saavedra?"

"N—nasa kuwarto niya." Nag-iwas ako ng tingin.

"Kuwarto mo." Napatingin ako sa kanya.

How did he know?

"Huh?"

"I saw him."

"W—what do you mean?"

"Nakita ko, pumasok siya sa kuwarto mo."

Binatukan ko siya.

"What?"

"Alam mo naman pala bakit hindi mo sinita?!"

"Sorry. Late ko na kasi nakita. Kumakain kasi ako eh. Namalayan ko lang ng tumunog 'yong kuwarto mo at nawala si Dominic. Wala na 'kong nagawa. May ginawa ba siya sa'yo?"

Meron!

"W—wala... Tinanong niya lang ako kung... kung gusto ko ba kumain ng Carbonara na niluto niya." Uminom ulit ako ng juice.

"He's crazy. Sumubo lang siya ng tatlong beses tapos tinapon niya na 'yong niluto niya. Nanghinayang nga 'ko ng kaunti. Mukhang masarap eh."

Pero kanina halos laitin na nila ang isa't-isa!

"Hayaan mo na siya. Wala naman akong balak na kainin 'yon."

"Oo dapat lang. Ito na lang sa'kin." Ang lawak ng ngiti niya.

👔👗

"I'll go now. Mag-ingat ka." Sabi ni Marco habang nandito kami sa labas ng bahay.

"Thank you Marco and sorry. Mag-ingat ka din."

"It's fine. Call me if Saavedra keeps pestering you."

"No need. I can deal with him."

"Do you want me to stay here?"

"No Marco, it's alright. Kaya ko naman siyang tiisin."

Huminga lang siya ng malalim sabay yakap sa'kin.

"Elisa..."

"Hmmm?"

"Can you promise me one thing?"

Huniwalay ako sa kanya.

"What is it?"

Tinitigan niya 'ko ng ilang segundo bago niya 'ko sagutin.

"That you will not come back to him, no matter what."

Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. Hindi ko alam. Para akong tuod na hindi nakagalaw habang hawak niya ko sa magkabilang braso.

"It seems that you didn't hear me..."

I blink twice.

"Huh? No! I heard it..."

He sighed.

"Why I'm asking you this? I know you can't promise." His voice sounds disappointed.

Hindi pa din ako maka-imik habang pinagmamasdan siya.

Why it's so hard for me to answer his question? Why?

I hate it.

"Marco... Do I have to answer it necessarily?"

"Yes." I stopped.

Dahan-dahan siyang bumitaw sa'kin.

"I know, malapit na. I can feel it. Na mawawala ka na sa'kin. Na siya pa din." Natigilan ako.

He's hurting. I can see it in his eyes. At nasasaktan ako sa nakikita ko. I can't look straight into his eyes because I am the reason why he's being like this.

"Marco, you listen to me. I CAN do it."

"Be honest to yourself Elisa. Hindi naman ako magagalit. Ang sa'kin lang, natatakot ako. Natatakot ako na masaktan ka ulit."

"Marco..."

"You know why? Dahil ayokong nasasaktan ang mga MAHAL ko sa buhay. And you're part of my life, Elisa. Kayo ni Eric."

"When did my wife and son became part of your life, huh?" Napalingon ako sa biglang nagsalita.

"Dominic?!"

Hinila niya 'ko agad palayo kay Marco.

"Stop interfering with my life, Saavedra." Matapang na sabi ni Marco.

"And stop interfering with me and my wife too." Sagot naman ng isa.

Heto na naman!

"Dominic, stop it! Umalis ka na nga!"

"Why? Sasama ka sa lalaking 'yan?"

"Why not? He's better than you!"

Nginisian niya lang ako na parang hindi siya apektado sa sinabi ko.

"Oh really? Why? Because he's a professor? Because he taught you well?"

"It's not all about that–"

"Oh, then tell me." Tiningnan niya si Marco.

"Why he's better than me. Did he f*cked you?—" Hindi niya na natapos ang sinasabi niya ng suntukin siya ni Marco.

"Stop it!"

"Putang ina mo Saavedra! Wala kang kwenta!" Sigaw ni Marco habang nagpapalitan sila ng suntok.

"Marco! Dominic! Tumigil na kayo, ano ba?! Evan!"

Tinawag ko na ang guard ko para awatin silang dalawa. Ilang segundo pa ay dumating na din si Evan kasama pa ang ibang guard dito sa bahay. Hinila nila palayo si Marco.

"Let him go, kid! I want to kill that guy!" Tinulak ko si Dominic.

"Ano ba?! Hindi ka titigil?!"

Tumingin lang siya sa'kin at pinunasan ang putok niyang labi.

"You want to be with him?! Then go! I won't stop you." Malamig na sabi niya.

Ang kapal naman ng mukha niya para paaalisin ako!

"Ano bang gusto mong mangyari huh Dominic? Kailan ka ba titigil? Sobra na!"

"How about you? Kailan ka babalik sa'kin?"

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon