Chapter 34

23.4K 512 25
                                    

ELISA

After doing my morning routine, I went out of the room. The living room meets me. When you look at the window, you can see the white sand and blue sea outdoors. I turned my head around in every corner. Until I saw the food that Dominic had said earlier.

Lalo akong nakaramdam ng gutom dahil sa mga nakikita ko. Nakakatakam ang mga 'yon. Hindi ako nakakain kagabi dahil gustong-gusto ko ng umuwi. Hanggang sa nakatulugan ko na lang ang gutom ko.

Where's Alex?

I stretched my body and came closer to look outside. Wala pang masyadong tao dahil maaga pa. Inilibot ko ang paniningin ko. At sa hindi kalayuan, natanaw ko si Dominic. Nakatalikod siya at may kausap sa phone. Sino kayang kausap niya? I frowned upon my thoughts. Ang sarap niya lang batuhin ng paso na nandito sa may bintana.

"Miss Elisa?" Napalingon ako sa likuran.

Dumating na ang hinihintay ko.

"Alex!" Lumapit ako agad sa kanya.

"Miss Elisa, kumain na po tayo—"

"Alex, please! Tulungan mo 'kong maka-alis! I need to go home—my son is waiting for me." Lumungkot ang itsura niya at dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay ko na nakakapit sa magkabilang braso niya.

Nanlumo ako sa ginawa niya.

"Alex..."

"G—gusto kitang tulungan Miss Elisa, pero may usapan po kami ni Sir Dominic eh. Kailangan ko po siyang sundin—"

"Magkano ang binayad niya sa'yo? Tell me, babayaran kita ng higit pa doon." I said.

"Billion po ma'am." Diretsong sagot niya.

Nabigla ako doon. Seryoso ba siya? Billion?!

"Joke lang po!" I sighed.

"Alex, hindi ako nagbibiro. Kailangan kong maka-uwi."

"Alam ko po Miss Elisa. Pero sorry po talaga." Kita ko sa mata niya ang sinseridad.

Sigurado ako na binayaran siya ni Dominic. Hindi naman siya tatanggi ng ganito kung walang binigay sa kanya. Gusto ko man magalit kay Alex, hindi ko pwedeng gawin 'yon. Napag-utusan lang siya ni Dominic. Hawak siya ng baliw na 'yon.

"'Wag po kayong mag-alala Miss Elisa. Wala naman po siyang masamang gagawin sa inyo. Makaka-alis din po kayo. Pakisamahan niyo na lang po muna si Sir Dominic."

Napa-tingala na lang ako. Kahit ano yatang gawin ko, hindi niya 'ko papakinggan.

"Ano bang balak ng amo mo sa'kin?"

"Uh, hindi ko pa po alam eh." Napakamot siya sa batok niya.

"Alam niyo naman po siguro ang gusto ni sir diba?"

I rolled my eyes as I went straight to the table. I'm really hungry.

Alex followed me and sat in front of me. He took one apple and bite.

"Miss Elisa, 'wag kang magagalit sa'kin ha? Kailangan ko lang po talagang sumunod."

"Did he paid you?" Tanong ko.

Umiling siya sa'kin.

"Alex, alam kong binayaran ka niya."

"Hindi po ma'am. Kusang loob ko po na tinanggap ang paghingi niya sa'kin ng tulong."

"Tulong?"

"Gusto niyo po ba ng kape?" Pag-iwas niya sa tanong ko.

I sighed.

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon