Chapter 26

32.3K 846 65
                                    

ELISA

"No Elisa. Kahit ngayon lang, pagbigyan mo 'ko. Please baby. Please..."

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa'kin at ayaw niya na talaga 'kong pakawalan.

"Dominic, let me go!" I held his two arms to remove it from me.

"No... Please, let me hold you like this, I miss you so much..." Sabi niya.

Napa-irap na lang ako at nagpumilit pa rin na magpumiglas. Pero sa huli, wala din akong napala. Napagod lang ako at hinayaan na lang siya dahil masyado siyang malakas at hindi ko siya kaya.

Ilang segundo siyang nakayakap sa'kin hanggang sa siya na mismo ang bumitaw.

"Tapos ka na ba sa drama mo?" Tanong ko.

Ngumiti lang siya sa'kin.

"Pwede na ba kitang ihatid?"

I looked at him while I was thinking of another way just to avoid him.

Tsk, wala bang dumadaan dito na ibang sasakyan? Puro truck talaga o kaya puro motor?

Napahinga ako ng malalim at sinilip muli ang relo ko. Halos 30 minuto na pala 'ko dito. Ang bilis ng oras.

Tiningnan ko siya habang titig na titig siya sa'kin at naghihintay.

Kung mag-iinarte pa 'ko, baka hindi ako maka-uwi.

I will never talk to him anymore.

Napapikit na lang ako sa mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko. It's just a bad idea to think that, as I said, it seems like I have not been up to it yet. Wala pa 'kong napapanindigan sa mga salitang binitawan ko.

"Elisa..."

Idinilat ko muli ang mata ko at tiningnan siya ng masama.

"Why did you follow me? Huh?" He didn't answer.

Huh! I knew it!

"Siguro sinadya mo lahat ng 'to-"

"Sasama ka ba sa'kin o hindi?"

"Just answer me, Dominic! Did you plan this?!"

"NO."

"Hindi ako naniniwala-"

"Then 'wag kang maniwala. Ayos lang naman sa'kin." Tiningnan niya 'ko. "Oh, baka gusto mong buhatin pa kita katulad noong mga napanood ko sa movie? Well, if that's what you want... I won't mind." Akmang lalapit siya sa'kin ng pigilan ko siya.

"Stop!" I sighed. "NASAAN ang sasakyan mo?"

Ngumisi siya sa'kin.

"Follow me."

👔👗

Gustong-gusto ko ng bumaba kanina pa dahil sa paulit-ulit na pagsulyap niya sa'kin. Sa backseat ako naka-upo kahit pinilit niya 'ko na sa tabi niya. Sumama na nga 'ko, tatabi pa 'ko? Ni ayoko ngang makaharap siya, makatabi pa? Hell, no! Sana nga ito na ang huling beses na makakaharap ko siya pati ang girlfriend niya bago kami umalis pabalik sa Switzerland.

Oh, dalawang linggo na lang pala!

"How are you, Elisa?" Tanong niya bigla sa'kin.

"I'm good." I answered without giving a glance.

"How's our son?"

"He's fine."

He nodded.

"Sorry for what I did last time..."

Hindi ko siya sinagot at hinayaan na lamang siya. Wala naman ng magagawa ang sorry niya. Nangyari na.

"And for Leslie's actions."

Napa-iling na lang ako. Kapag naalala ko talaga ang babaeng 'yon, umiinit ang ulo ko. Para siyang tinik sa lalamunan na mahirap alisin.

"I'm still in the mood of your girlfriend's warfares. I was not surprised when she visited me." I said sarcastically.

"I'm sorry. I'll take care of-"

"Dapat lang, dahil nobya mo siya."

Nag-iwas lang siya ng tingin sa'kin.

Matapos ang isang oras ay naka-uwi na din kami. Agad akong bumaba mula sa sasakyan niya. Sumunod din siya agad sa'kin.

Napatingin siya sa malaking bahay na nasa harapan niya.

"So this is your house..." Sabi niya.

Binuksan ng guard ang gate.

Nilingon ko siya bago ako tuluyang pumasok sa loob.

"Thank you. Makakaalis ka na-"

"Mama!" Napatigil ako ng biglang dumating si Eric at sinalubong ako.

That fast?

"E-Eric..."

"Mama, bakit ngayon ka lang?" Hindi ako agad nakasagot dahil nasa harapan ko ang ama niya. At hindi niya pa napapansin ang presensya nito.

"Na-late lang ako, kasi medyo traffic-"

"Daddy!" Nanlaki ang mata niya ng makita niya si Dominic. Tumakbo ito agad sa kanya at nagpabuhat.

Natahimik na lang ako sa gilid habang pinapanood sila.

"Daddy na-miss po kita!" Sabi ng anak ko.

"I miss you too, baby."

Bakit parang lagi niyang dinidiin ang salitang 'yon? Nananadya ba siya?

"Daddy uuwi ka na po?"

Tumingin siya sa'kin na parang nagpapaalam.

"Eric." Lumapit ako sa kanila. "May work pa kasi ang daddy mo. Tsaka, anong oras na. B-bukas na lang kayo mag-bonding." Napatingin sa'kin si Dominic at nangislap ang mga mata.

Nagulat siguro siya sa sinabi ko.

"Really mama?!"

"Hmmm." I nod.

"Yehey! See you, tomorrow daddy!" Sabay halik sa pisngi ng daddy niya.

"Yeah, see you tomorrow." Gumanti naman ito ng halik sa anak ko.

Binaba na ito ni Dominic at inayos ang bahagyang nagusot niyang damit.

"I have to go."

I just nodded.

"Daddy sunduin mo po ako bukas ha!"

"Eric, ihahatid na lang kita-"

"No, it's okay Elisa. Ako na lang ang susundo sa kanya."

"Sige na mama!"

Pilit akong ngumiti.

"O-okay..."

"Tsaka mama, malapit na po tayong umalis eh. Diba po?"

"Aalis kayo?" Tanong niya.

I looked at him.

"Yes."

"H-Hindi kayo dito titira?"

"No. We're just here for vacation."

"Why Elisa?"

"Why Dominic? Doon naman talaga kami nakatira. And besides, doon pumapasok ang bata."

"Elisa..."

"Papasok na kami."

Hinila ko si Eric papasok sa loob. Narinig ko pa ang mahinang mura niya mula sa labas.

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon