Chapter 36

23.2K 581 34
                                    

ELISA

Agad ko siyang tinulak ng halikan niya 'ko.

"How dare you?!"

Ngumisi lang siya sa'kin.

"I just punished you, baby." Kumindat pa siya sa'kin.

Muntik na 'kong masuka sa ginawa niya. May pakindat-kindat pa ang loko.

"Sa susunod na halikan mo 'ko, masasampal na talaga kita."

"Go on. Hindi naman ako mag-rereklamo. Slap me if you want. I won't mind."

Inirapan ko siya.

"Anong pinagsasasabi ni mama kanina? Anong nasa bakasyon ako? At ano 'yong sinasabi niya na may bago akong secretary? Si Alex ba ang tinutukoy niya? And lastly, where did you bring my son?" Sunod sunod na tanong ko. Kaya pala ang lakas ng loob niya na ipahiram sa'kin ang cellphone niya. 'Yon pala, planado na niya lahat at ang akala nina mama, nagbabakasyon ako dahil sa biglaang trabaho. What the heck! Ewan ko lang kung anong magawa ni daddy kapag nalaman niyang kinidnap ang anak niya.

Ibinulsa niya muna ang cellphone niya bago niya 'ko sagutin.

"I told Alex to go to your father to let him know that you are on a vacation. It was not easy for Alex to convince your dad of our lies. I made fake documents confirming that he is your new secretary and about your sudden job. I even wrote a letter to him that is supposed to come from you. And it was signed by you. Pati ang cancellation ng flight niyo ay ako din ang nag-asikaso." Hindi na 'ko nagulat sa huling sinabi niya. Alam ko naman na siya ang may gawa noon. Nakakagalit lang talaga ang ginawa niya. At nagawa niya pang lokohin si daddy para lang hindi mahuli sa mga kabaliwan niya. Dinamay niya pa si Alex! Great! Talagang planado niya 'to lahat.

Sumama lalo ang tingin ko sa kanya.

"Signed by me? Wala akong maalala na pinirmahan tungkol sa mga panloloko mo—"

"Alex copied your signature, that's why."

Si Alex? Paano niya nagaya at na-uto nila ang ama ko?

"Sinabi ko na sa'yo lahat dahil simula ngayon, hindi na 'ko magli-lihim sa'yo. All my intention now to you is pure. Call me crazy, asshole, jerk or kahit ano pa, pero hindi na kita lolokohin." Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kabilang pisngi ko. "I'm sorry for doing this to you, baby... Pero ginagawa ko lang ang gusto ko na sa tingin ko ay kaya kong gawin para lang bumalik ka sa'kin. Call me the devil, but I'll not let you go unless I'm dead." I swallowed hard.

Hindi ako naka-imik sa mga pinag-sasabi niya. He's sincere. Walang bahid ng panloloko ang bawat salita na binitawan niya. Pati ang mga mata niya na diretso lang ang tingin sa'kin habang sinasabi niya ang mga 'yon sa'kin.

I leaned back and pulled out his hand on my cheek. I'm no stranger. I knew I have bound to him again. And that's what I'm afraid of.

"What's wrong?" Nasa ganoon akong pag-iisip ng humakbang ulit siya sa'kin para maka-lapit.

"S—Si Eric? Saan mo siya dinala? Sabi ni mama—"

"Mama!" Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ng anak ko.

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko itong buhat ni Alex.

"E—Eric..." Bumaba ito sa pagkaka-buhat sa kanya at tumakbo sa'kin.

Niyakap ko siya agad ng sobrang higpit. God, I missed him!

"Baby..." Parang bigla kong naka-limutan agad ang galit na nararamdaman ko ng mayakap ko ang anak ko.

He's my happy pill.

"Mama," Umalis siya sa pagkaka-yakap sa'kin. "Mama, hindi na po tayo babalik sa Switzerland? Diba po mamaya na tayo aalis?" Tanong niya sa'kin.

"No baby, hindi na kayo aalis." Biglang sumingit ang ama niya kaya nakaramdam na naman ako agad ng inis.

"Daddy!" Yumakap siya agad sa ama niya ng ma-realize niya ang presensya nito.

"How are you, baby?" Tanong nito sa anak ko.

"I'm good daddy! Daddy, ang ganda po dito! Nasa island po ba tayo?" 

Ngumiti si Dominic.

"Yup. How's your trip?"

"It was fun! Daddy, ang saya po sumakay sa helicopter."

"That's good to hear."

"Kaso daddy, bakit niyo po ako iniwan kanina doon sa kabilang room?"

Napatingin ako sa kanilang dalawa.

Hindi maka-tingin ng diretso sa'kin si Dominic at Alex.

"Uh, because this is a surprise." Palusot ng ama niya.

"Ah, okay." Tumango-tango naman ang anak ko.

Napa-irap na lang ako bago lingunin si Alex na naka-yuko lamang sa isang tabi.

I sighed.

Alam kong natakot siya kanina dahil sa sinabi ko na ipapakulong ko sila. Nabigla lang naman ako, pero kung totoo man, si Dominic talaga ang nababagay doon, dahil siya naman ang may pasimuno ng lahat.

Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa dalawa na parang isang dekada na hindi nag-kita.

"Daddy, I'm hungry na po."

"What do you like, baby?"

"I like chicken po!"

"Okay, chicken. What else? "

"And ice cream!"

Napa-lunok ako sa sagot ng anak ko. Nakaka-gutom ang mga gusto niya.

"How about you..." Lumingon ako sa kanya.
"Alex?"

"Po?" Napatingin si Alex sa'kin bago kay Dominic.  "Ah, ano! Pizza na lang hehe."

Tumingin sa'kin si Dominic sabay ngisi.

Napa-iwas na lang ako ng tingin at nag-lakad palayo sa kanila.

I know that look!

Nang-aasar siya.

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon