Chapter 22

30.5K 806 34
                                    

ELISA










Tatlong araw na simula ng ipatawag ko ang representative ng bawat kumpanya and lahat sila ay naka-usap ko na at nakapag-pasa na sila ng mga bagong designs.

Isa na lang ang hindi.

Ano pa nga ba. Eh 'di, ang Saavedra.

“Lally, naka-usap mo na ba ang representative ng El Lisa?”

“Naka-usap ko po ang representative nila. Hindi daw po siya nakapunta dahil naka-out of town po siya.”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

“So anong gagawin ko? Ako ang mag-aadjust? Sabihin mo sa kanila na hindi na 'ko tatanggap ng designs mula sa kanila.” Mataray na sabi ko.

“Pero ma'am, may dadating po ngayon na kakausap sa inyo.”

Kumunot ang noo ko.

“Who?”

“Hindi ko pa po alam kung sino.”

I sighed.

“Alright. Hanggang 6pm lang ako.”

“Opo ma'am. Nasabi ko na po kanina.”

“Okay, you can go now, Lally. Thank you.”

“Yes ma'am.”
















I looked at my watch.

It's already 5:30.

Sa tingin ko ay hindi na dadating 'yon. Sinayang lang ang oras ko.

Bakit ko pa ba kasi pinagbigyan? I should not be!

I'm not bitter enough to deny their designs. Maganda naman talaga at alam kong magugustuhan ang mga 'yon kapag isinama sa mga disenyo na ila-launch ko.

Tumayo na 'ko at sinoot ang coat ko ng biglang tumunog ang intercom.

“Yes?”

“Maa'm nandito na po ang representative ng El Lisa.”

Oh, akala ko hindi na dadating pa!

“Bakit ngayon lang siya? I'm leaving.”

Narinig ko naman na tinanong nito ang representative na kakausap sa'kin.

Bahagyang kumunot ang noo ko ng marinig ko ang boses na kausap ni Lally.

Oh, wait.

Do I hear Leslie's voice?

I smirked.

“Lally.”

“Yes ma'am.”

“Send her in.”

“Okay po ma'am.”

I turned the intercom off and sat back in my swivel chair.

Hinintay ko na umakyat si Leslie.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagkatok nito.

“Come in.”

Kumatok ulit ito.

“I said, come in.” Sinadya ko na medyo hinaan ang boses ko para inisin siya.

Soon, she was the one who opened the door.

Sinalubong ko agad siya ng matamis na ngiti.

“Oh, hi.” I said.

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon