Chapter 18

34.2K 837 79
                                    

ELISA

"Where is he dad?"

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at hinila ako sa isang tabi. Naiwan namin si Eric na naka-upo sa swivel chair niya habang naglalaro paikot-ikot.

"Sasamahan ko kayo sa kanya."

"Hindi ka po ba busy dad?"

"Mamaya pa 'ko magiging busy."

"Are you sure?"

"Yes, darling. Ihahatid ko lang naman kayo sa labas."

"Sa labas?"

"Nasa labas siya kanina pa."

"Huh? Saan?"

"Sa may Jollibee."

"What? Seryoso ka ba dad?"

"Yes. Doon ko na lang siya pinaghintay. Hindi naman siya umangal."

"You're crazy, dad."

"Not really, so let's go? Mahigit 3 oras na siya doon."

"Tatlong oras?!"

"Yes. Sabi ko kasi ay doon na lang niya kayo hintayin at papunta na kayo. But sad to say, kararating nyo lang." Sabay tawa niya.

"Baliw ka dad."

"Gusto din naman."

I shook my head. I was just... surprised.

As a matter of fact, what is his right to complain?

"Whatever dad. But I like it."

👔👗

"Hanggang dito na lang ako Elisa. Nag-text na ang secretary ko."

What?

Wait, akala ko ba sasamahan niya kami?

"Hindi ka na sasama dad?"

"Hindi na. Kaya mo na 'yan."

I rolled my eyes. Sabi na eh!

"Dad naman!"

"I'm sorry." He kissed my forehead. "Good luck, darling." Sabay ngiti niya ng nakakaloko sa'kin.

"Where are you going lolo?" Tanong sa kanya ni Eric.

Lumuhod naman siya at pinantayan ito.

"Mauna na si lolo apo."

"Saan ka po pupunta?"

"Babalik na 'ko sa opisina."

"Okay po."

"See you later."

Ngumiti si dad bago kami iwan.

Napahinga na lang ako ng malalim.

I peeked inside and looked for Dominic. Marami ang kumakain. Jollibee kasi eh, expected na. Habang hinahanap ko ang lalaking 'yon ay panay din ang tingin ng mga nasa loob sa'kin.

Mukha naman akong tanga dito! Pero mas mukha naman kaming tanga sa loob kung maghahanap pa kami pero wala naman siya. Hay nako! Makakalbo ko talaga si dad!

"Mama, sino pong hinanahap mo?"

Tanong sa'kin ni Eric.

Hindi ko siya sinagot at panay gala pa din ang mata ko sa loob.

Saan ba siya naka-upo? Or baka naman sa 2nd floor? Or baka umalis na?

"Mama!" Nagulat ako ng bigla niyang hilahin ang damit ko.

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon