Tuluyan na nga kaming pumasok sa loob ng bahay at nakahanda na ang lahat.Bihis na bihis na si kuya Tristan at may dalawang maleta sa kanyang gilid.
Nandito narin ang buong barkada namin.

"Anak mag-iigat ka don ahh.Huwag mong pababayaan ang sarili mo.Don't worry kasi susunod kami sayo doon,okay?"naiiyak na sabi ni tita Cassandra.

"Thanks mama."malamig niya tugon.Nandon parin ang lungkot sa mga mata ni kuya Tristan.Nang matapos na silang mag-usa ni tita ay isa isa na kaming nagpaalam sa kanya.

Hanggang sa maihatid namin siya sa labas ng bahay.Si kuya Elton nalang ang maghatid sa kanya sa airport dahil gabi narin.

"Bye Tristan..."paalam nila.

Ngumiti lang sya bago sumakay sa kotse at umalis.

Alexa's Pov
Sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti narin kaming nakarecover sa mga pangyayari.Unti-unti ng bumalik ang tunay naming mga ngiti.Maalala ko ang bestfriend ko ay hindi ko parin mapigilang malungkot sa katotohanang wala na talaga sya.Hanggang ngayon kasi ay nandito parin ang sakit.Ang sakit na iniwan niya sa amin.

"Goodmorning mommy!!!"sigaw ni Caster nang makababa sya sa hagdan.Agad akong napangiti at sinalubong sya ng yakap.

"Where's your daddy,babyboy?"tanong ko sa kanya.Apat na taong gulang palang si Caster at syempre,sobrang likot na talaga.Nakakastress nga minsan pero ang sarap parin sa feeling na may anak na ako.Na sa edad kong ito may sarili na akong pamilya.

"He is on his work mommy..."abi niya.

Hinalikan ko lang sya sa pisngi.

Bumukas ang pinto at bumungad samin si Mikael na kasama si Arcie.

"Titooooo!!! Titaaaa!!!"sigaw ni Caster at agad syang tumakbo palapit kay Mikael.

"What's up my babyboy? Very good ka ba sa school mo?"tanong ni Mikael.Inosente namang tumango ang bata kaya natawa nalang kami.

Masaya ako dahil ngayon unti-unti ng nakarecover si Mikael sa pagkawala ng kapatid niya.

"Kumusta na kayo dito?"tanong ni Arcie.Ngumiti lang ako bago nagsalita.

"Syempre,nakakapagod kasi nakakastress na si Caster.Pero at the same time unti-unti narin kaming nakarecover sa nangyayari noon."sagot ko.Nagsigh lang siya at nakangiting tinignan ang asawa na nakikipaglaro kay Caster Troy.

"Hindi talaga naging madali sakin ang  nangyari.Sobrang hirap na the time na umiiyak si Mikael ako yung tagacomfort sa kanya.Ang lungkot lang kasi isipin lahat eh.Buti nalang talaga at nakakahinga na tayo ng maluwag ngayon."wika niya.

"Babe?"tawag ni Mikael sa kanya.

"Yes babe?May kailangan ka?tanong ni Arcie.

"Tumawag ba sayo si Tristan?"tanong niya.

"Kahapon lang babe eh.And don't worry kasi okay naman sya don.Inienjoy nya lang ang bawat araw niya."sagot ni Arcie.

"Kailan kaya babalik si Tristan dito noh?"tanong ko nalang.

Tristan's Pov
Napako ang paningin ko sa picture na nasa side table ko.Yung picture namin ni munchie noong buhay pa siya.

Mapakla akong ngumiti.
Tumulo na naman ang luha sa mata ko.

Sa pagbilis ng panahon ay tatlong buwan na ang lumipas pero nandito parin ang sakit at lungkot.Sa tatlong buwan kong pananatili dito sa London ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng magdamag.
Binabalikan ang mga masasaya naming ala-ala.

Kinuha ko ang picture namin ni Charice sa side table saka ako nagtungo sa rooftop.

Nakatingin lang ako sa malayo habang umiiyak.

The Playboy's Girl(COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum