Chapter 20:Lung Cancer

1.6K 33 2
                                    

Charice's Pov:
    Pagkatapos ng nangyari kahapon sa school hindi na ako pumasok ng klase ko at pati narin ngayong araw hindi narin ako pumasok.Wala akong gana sa totoo lang eh.Naiinis parin talaga ako.Nasasaktan.Hay Naku!
Nagkagusto,Nasaktan,Nagmukmok.
Parang baliw lang noh? Simpleng pagkagusto lang naman yung nararamdaman ko sa kanya pero grabe ang epekto nito sa akin.Nyeta!
Mula nong nangyari sa canteen hanggang sa eksena namin sa library para akong mababaliw kakaisip sa nangyayari.Nagpagulong-gulong lang ako dito sa malaki kong kama at walang balak bumangon.Biglang may kumatok sa pintuan kaya napaayos naman ako ng higa.
"Bukas iyan."wika ko at agad namang bumukas ang pinto at nakatayo doon si Alexa,Nikko,JM at MJ.Napasimangot naman ako nang mapansin kong wala si Tristan.Tangina naman Cha! Sinaktan ka na nga nung tao hinahanap mo pa! Kaasar.Nakatingin lang silang apat sakin kaya sinamaan ko sila ng tingin."Anong ginagawa niyo dito?"tanong ko sa kanila kaya napairap naman si Alexa.Si Nikko seryoso lang nakatingin sakin.Ang kambal naman nakasimangot.
"Wala kang balak pumasok?"tanong ni Alexa kaya ako naman ang nang-irap sa kanya ngayon."Wala akong gana.Kaya umalis na kayo dito."walang buhay na sabi ko sa kanila."Cha, wag ka namang ganyan.Don't tell me na pabayaan mo nalang ang pag-aaral mo dahil sa nangyari kahapon?"wika niya.Ano nga ba ulit yung nangyari kahapon? Ah! Yung dumating na si Arcie Reyes.
"ANO NAMANG PAKIALAM MO?! WALA KANG ALAM SA NARARAMDAMAN KO NGAYON KAYA MANAHIMIK KA NALANG! AYOKO NG PUMASOK DAHIL MAKIKITA KO NA NAMAN SIYA!!!"nagulat silang lahat sa sigaw ko.Napatakip agad ako ng bibig at agad na humiga saka tinalikuran sila.Oh my gosh! Tangina naman Cha! Napagsabihan ko ng hindi maganda si Alexa! Shit.Nakarinig ako ng mahinang paghikbi sa pintuan.Siguradong si Alexa nga yon.Nasasaktan siya sa sinabi ko sa kanya.Hindi ko parin sila nilingon.Naramdaman ko nalang na umalis na silang apat sa pintuan at sinarado iyon.Napabuntong hininga agad ako at nagtungo sa banyo.Shit.
Siguradong galit si Alexa sa akin ngayon.Ano ng gagawin ko?

Alexa's Pov:
     Pababa na kami ng hagdan dito sa bahay ni Charice at umiiyak parin ako.Ang sakit ng sinabi niya sakin.Ano daw ang pakialam ko?Wala daw akong alam sa nararamdaman niya ngayon?Hindi niya ba naisip na pati ako nasasaktan sa pinagdaanan niya ngayon.Kasi, ako parin ang bestfriend niya at malamang may pakialam ako sa kanya.Tsk.Tsk.
"Stop crying,hindi parin siguro siya okay sa nangyayari kahapon.Intindihin mo nalang siya."wika ni Nikko na pilit akong pinapatahan."Ang sakit lang kasi na marinig mo yon sa bestfriend mo."sagot ko."Nasasaktan lang siya ngayon.Kaya nasabi niya yun sayo."sabi niya.Nagbuntong-hininga nalang ako at inayos ang sarili ko.
"Maaayos din lahat ng ito noona."malungkot na wika ng kambal at agad akong niyakap.Napangiti nalang ako.Kahit papaano, nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa kambal na ito.
Ngumiti si Nikko sakin habang tinapik-tapik ang likod ko.Nginitian ko nalang din siya.
    Palabas na kami ng bahay ni Charice nang biglang bumukas ang main door kaya napatingin agad kaming apat doon.Bumungad sa harapan namin si Tristan na gulo-gulo ang buhok at mukhang bagong gising palang.Nakatingin lang siya sa aming apat.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko agad sa kanya."Kakausapin ko lang si Charice."nakayuko niyang sagot."Para san pa?! Para san pa Tristan?! Na ipamukha mo sa kanya na mahal mo parin ang babaeng yon?!"singhal ko sa kanya."Hindi naman sa---"agad na akong nagsalita.
"Tristan naman! Bakit mo ba nagawa sa bestfriend ko ang lahat ng ito?! Bakit mo ba siya sinaktan?! Alam mo naman na may gusto si Charice sayo diba? Konting respeto naman sa kaibigan ko! Hindi mo kasi---"
"Hindi sa ganon Alexa! Ma---"
"Ano?! Sasabihin mo rin sakin kung gaano mo kamahal ang babaeng yon?! Hindi ka pa ba nagising sa katotohanan?! Iniwan ka ni Arcie noon na halos ikabaliw mo na ang nangyari! Binalewala ka niya! Umalis siya ng walang pasabi! Tapos ano? Ngayong bumalik na siya dito mahal mo na ulit siya? O baka naman hindi ka lang talaga nakamove on sa relasyon nyo ni Arcie noon?Tristan, nasasaktan ako para sa bestfriend ko! Harap-harapan mo na kasing pinamukha sa kanya na mahal mo parin si Arcie!!!"sigaw ko sa kanya.Mangiyak-ngiyak na ako ngayon sa harapan nila pero wala akong pakialam.Tsk.
"Alexa listen, nagpunta ako dito para kausapin si Charice at ipaintindi sa kanya ang lahat---"
"Ipaintindi?! Ano bang tingin mo sa bestfriend ko? Hindi niya naiintindihan ang nangyayari ngayon?! Ginawa niyang miserable ang buhay niya dahil sa simpleng bagay lang na nalaman  niyang nagkabalikan na kayo ni Arcie! Paano pa kaya kung ipagtapat mo na sa kanya na wala kang nararamdaman sa kanya kasi mahal mo pa si Arcie?! Tristan, alam naman nating lahat na may sakit si Charice!
Stage 2 lung cancer yon! Hindi ka ba naaawa sa kanya?!"hindi ko na napigilan ang mga luha ko at umiiyak na talaga ako.Nagulat nalang kami at sabay napalingon sa may hagdanan kung saan nakatayo at umiiyak si Charice doon.Parang nanigas ang buong katawan ko at napakapit sa damit ni Nikko na nasa gilid ko lang.

"M-may s-sakit ako?"nauutal niyang tanong sa amin.Hindi ako nakasagot kaya napayuko nalang ako.Ganun din ang ginawa ng kambal, ni Nikko at ni Tristan.Dahan-dahang bumaba si Charice at lumapit sa amin.
"S-sumagot kayo.Totoo bang may sakit ako at stage 2 lung cancer yon?"ramdam ko ang panginginig ng kamay niya habang nakaharap sa amin at naghihintay ng sagot.Hindi parin ako umimik.
"Yeah it's true."wika ni Nikko kaya napatingin ako sa kanya.Pero nginitian niya lang ako ng malungkot."B-bakit di niyo s-sinabi sa akin agad?"naiiyak na tanong niya sa amin."Kasi, ayaw naming mag-alala ka sa sakit mo at baka may mangyari pang masama sayo."wika ni Tristan na nasa harapan din namin.Umiyak lang ng umiyak si Charice kaya hindi ko napigilan ang mga luha ko kaya umiyak narin ako.
Nagulat nalang kami nang biglang tumakbo palabas ng main door si Charice kaya agad namin siyang hinabol at tinawag.
"Cha! Bumalik ka ditooo!!!"sigaw ko habang hinabol siya.Pero huli na pala ang lahat.Pagkarating ko sa may gate bigla akong nanlumo nang makita kung sino ang nakahandusay sa gitna ng kalsada ngayon.Si Charice.Nasagasaan siya.Napaupo ako sa gilid ng kalsada at umiiyak.Hindi ko magawang makalapit sa kanya kasi ayaw gumalaw ng mga paa ko.Ang daming dugo ang nagkalat sa gitna ng kalsada ngayon.Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.Parang biglang huminto ang mundo at nakatutok lang ang lahat kay Charice ngayon.Bumalik na ang diwa ko nang  dahan-dahan akong inalalayan ni Nikko at ng kambal patayo.Napatingin ako sa gitna ng kalsada at marami ng tao ang umaaligid dito.May mga sasakyan ring nakahinto at pinanuod nila si Charice na ipinasok na sa loob ng ambulansya.Napaiyak na naman ako sa nangyayari.Hindi ko inaasahan na dumating si Charice sa ganitong sitwasyon.Tsk.
   Hindi narin kami nag-abalang pumasok pa sa school.Para san pa at naaksidente ang kaibigan ko?Si Tristan at JM na ang sumama kay Charice papuntang hospital.Naiwan naman kaming tatlo ni Nikko at MJ dito sa bahay ni Charice.Pinagpahinga na muna nila ako kasi para daw akong natrauma sa nangyari kanina.Nanginginig parin ang buong kalamnan ko.Shit.Saksi ako sa pagkasagasa ni Charice sa sasakyan.Ang creepy ng pangyayari kanina."Matulog ka na muna para makapagpahinga ka."wika ni Nikko na nasa gilid ng kama."Kumusta na si Charice?"tanong ko."Tumawag si Tristan hyung kanina at nasa ER pa daw si Charice noona."malungkot na wika ni MJ na nakaupo sa sofa.Napabuntong hininga nalang ako.

Tristan's Pov:
      Nanginginig ang mga kamay ko habang hindi ko mapigilang mapaiyak.Napasabunot ako sa magulo kong buhok.Shit! Bakit kailangang mangyari ang lahat ng to?! Hindi ko na alam ang gagawin ko kung may mangyari mang masama sa kanya.Ugh! Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero hindi ko magawa.Natatakot ako at kinakabahan sa posibleng mangyayari sa kanya.Mag-iisang oras na kasi pero nasa loob pa siya ng ER.Hindi ko na alam kong anong nangyayari sa kanya sa loob.Kasalanan ko ang lahat ng ito eh! Kung hindi sana siya nasasaktan ngayon hindi sana siya magkakaganito.
"Ahhhhhhhhhh!!!"sigaw ko habang pinagsusuntok ang pader dito sa labas ng ER.Bigla namang may lumapit na nurse sa akin.
"Sir, huminahon lang po kayo.Baka po kung anong mangyari sa inyo."sinamaan ko agad ang tingin ng babaeng nurse na nasa harapan ko.
"WALA KANG PAKIALAM!!!"singhal ko sa kanya kaya napaatras naman siya at mukhang natakot pa sa akin.
Ugh! Napahikbi parin ako dito sa may waiting area sa labas ng ER.Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga tao pero wala akong pakialam!
Biglang lumabas ang doktor kaya tumayo ako."How's the patient doc?"napayuko naman ang doktor at marahang nagpakawala ng malakas na hininga.
      Napalingon naman ako sa may likuran ko at nakita ko sina Alexa na tumatakbo papunta sa akin.Kasama niya si Nikko at ang kambal.Hingal na hingal silang tumabi sa akin at humarap rin sa doctor.

"Pasensya na Mr. Zapanta,ginawa na po namin ang lahat pero wala na siya.Hindi na kinaya ng katawab niya ang napakaraming dugo na nawala nito.Sorry.Excuse me."wika ng doctor at agad na umalis.Napapikit nalang ako at napayukom ang mga kamao ko.Shit!Shit!Shit!

Wala na si Charice...

***********

Itutuloy...

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now