Chapter 41:

1.3K 23 0
                                    

Tristan's Pov:
Mahigit dalawang oras na mula ng magising ako.Napatingin ako sa wristwatch ko alas kuwatro palang ng umaga.

I sighed.

Muli na namang tumulo ang mga luha ko.Inaasahan ko na naman kasi yon.Hindi parin kasi mawala sakin yung sakit.Sobra.Napailing nalang ako at napatitig sa kisame.

Munchie, kumusta kana dyan?
Okay ka lang ba?Nasasaktan ka rin ba tulad ko?Munchie please, bumalik kana sakin.Hindi ko na kakayanin kung hindi kita makakasama eh.Mahal na mahal kita munchie...

Pinunasan ko na ang mga luha ko at dahan-dahang tumayo saka pumasok ng banyo.Malamig ang tubig na galing sa shower pero pakiramdam ko wala pa ring nagbabago.Nandon parin yung matinding sakit.Ilang minuto lang at lumabas na ako sa banyo.Wala akong balak lumabas ng kwarto ngayon.Pakiramdam ko kasi buong pagkatao ko ang napagod eh.
Nagstay nalang muna ako sa veranda at pinanuod ang swimming pool namin.Malinaw ang tubig.Maganda rin maligo sa pool ngayon.Tch.
Hindi ko na naman namalayan ang mga luha ko na nagsipagbagsakan na pala sa pisngi ko.Grabe ang sakit eh.Kahit pilit mong kinukumbinsi ang sarili mo na kalimutan nalang siya.Wala paring epekto.Mas nadagdagan pa pala yung sakit.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinitigan ang picture naming dalawa ni munchie doon.
"Are you okay?"natinag ako sa nagsalita sa likuran ko.Dahan-dahan akong napalingon at si tita Cassandra lang pala.Tumango lang ako at ibinalik na ulit ang cellphone sa bulsa ko.
"Alam mo bang noong bata palang si Margaux napakaiyakin non? Nung minsan kasi umiiyak siya kapag aalis ako ng bahay.Gusto niya kasing isama ko siya buong araw sa trabaho.Nakakatawa diba?Tapos kapag nagugutom siya dapat ako yung tagasubo ng pagkain niya.Ayaw niya kasi sa yaya niya.Umiiyak siya kapag hindi ako yung tagasubo nya.Tapos,nung minsan ring nagkasakit
siya--------"bigla nalang humikbi si tita.Kunot-noo naman akong tinignan siya.
"Yung nagkasakit siya-----tapos wala ang daddy nila ni Carlos kasi nasa Australia.Alam mo bang hindi ko na alam ang gagawin non?
Matindi kasi ang lagnat niya non at namalagi rin kami sa hospital non.Iyak lang ako ng iyak kasi alam kong nahihirapan siya eh.Pero alam mo bang bilib ako sa batang yon? Hindi man lang niya ininda yung sakit niya at siya pa nga ang nagpapatawa sakin-------ang sabi niya non sa huli wag na wag ko raw sila iwanan ng kuya Carlos niya.Pero ginawa ko parin------
iniwan ko parin sila."gumaralgal na ang boses ni tita at doon na nagtuloy-tuloy ang pagluha niya.

I sighed.

Hinawakan ko siya sa balikat at hinaplos iyon.
"May sakit si Charice ngayon tita.Lung cancer."hindi ko na naman mapigilang lumuha.
"Alam ko.Pero ano namang magagawa ko diba? Wala na akong karapatang lumapit sa kanilang magkapatid."mahinang sabi niya."Ikaw parin naman po ang ina nila kaya may karapatan ka parin.Alam mo bang minsan ng nag-aagaw buhay si Charice noon at minsan na ring  namatay?Pero lumalaban parin siya.Ang lakas niya kasi eh.Kahit feeling mo wala ng laban ayun parin siya at ipinaglaban parin ang sarili niya sa sakit niya."lumuha na naman ako nang maalala ko ang sandaling iyon.Halos ikamamatay ko na yung malamang wala na si Charice.Ang sabi pa ng doctor nun,milagro daw ang nangyari.Siguro ganun na nga ata.Si Tita Cassandra naman ay panay rin ang iyak.
Nginitian ko siya kaya ngumiti rin siya sabay punas sa mga luha niya.
"Ahh...gusto mo bang kumain?Magpahatid ako ng pagkain dito para sayo?"umiling lang ako bilang sagot."Wala akong gana."malungkot na wika ko at napatingin ulit sa malayo.
"I understand.Sige, tawagin mo nalang ako kung gusto mong kumain.Alis muna ako."wika niya kaya tinanguan ko lang din siya.

Hayst,kumusta kana kaya munchie? Alam mo bang miss na miss na kita? Ang sakit munchie kasi iniwan mo ako eh.Sorry talaga sa lahat.
Mahal na mahal kita munchie.

Bumalik nalang ulit ako sa kwarto at humiga sa kama.
Ayoko munang pumasok sa school.Ayokong lumabas ng bahay.Ayokong kumain.Wala akong ganang kumilos.Ayokong makipag-usap na kahit sino.

The Playboy's Girl(COMPLETED)Where stories live. Discover now